8th

148 20 5
                                    

| CHAPTER 08 |




IRIS






Kahapon ko lang natanawan at napansin ang mga matang unti-unti akong pinagmamasdan t'wing naglalakad ako. No'ng una akala ko ay sa bandang building lang namin 'to mararamdaman, pero marahang nagbabago at tila lumalawak ang saklaw ng mga taong tumititig sa 'kin. Wala akong ideya kung para saan 'yon. Hindi ko na lang pinapansin.



"College of Psychology siya di'ba?"


"Ganda pala pre,"


"Ayan 'yung sinasabi ni Dave,"


"Ang taray naman tingnan,"


"Gosh, where did she come from?"



Kaliwa't kanan ko naririnig ang mga salitang 'yan habang dumaraan ako sa hallway papunta sa Area namin. Sinusubukan kong litisin kung papuri ba ang mga sinasabi nila o taliwas dahil naririndi ako sa mga 'yon.



Napahinto naman ako nang may maramdaman na may nagtatatakbo mula sa likuran ko. Bago pa man niya ako masangga ay naunahan ko na siy at gumilid.



Do'n ko naman naaaninagan nang kaunti ang mga bumubulong kanina. Ang iba'y bigla nahiya at napatikod, ang karamihan naman sa babae ay pairap na nag-alis ng tingin.



I looked at those group of students na tumatakbo. Pagkuwa'y bigla itong lumiko papunta sa quadrangle. Nakatingin sila sa likod na tila ba may nakasunod sa kaniya.  Lalaki ito, at medyo may kaliitan ang height kaya't mabilis ang takbo.



Huli na nang malaman niya na ang hinahanap niya mula sa likuran ay nasa harap na niya ngayon. Bahagyang napahinto naman siya, at dahan-dahang tinungo si Frida. Nando'n na naman ang mala-politikang tindig nito na animo'y siya ang pinaka-kinakatakutan ng lahat.



"Where are you going?" Her face did a chin-up after she spoke. "A-ah...do'n lang po," magalang ang nakayukong ani ng lalaki. He was so scared after seeing Frida, habang ito naman ay gustong gusto ang takot na nakikita sa lalaki.



"Ito ba ang hinahanap mo?" bigla ay bumuka ang mga alipores nito sa likod at tumambad ang isa ulit lalaki. Malaki ang katawan at nanlilisik ang mata sa binatang balingkinitan ang kabuuan. Halatang nanginig ang lalaki nang makita niya ito dahil napaatras siya.

I Think He KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon