9th

140 20 9
                                    

| CHAPTER 09 |




CLEON





Totoo naman. Parang ayaw niya pang maniwala na maganda talaga siya.



Ako na nga nagsabi, aarte pa ba siya?



Pero hindi ang papuring 'yon ang laman ng isip ko. Iniisip ko kung paanong gano'n kabilis siyang nagkaroon ng motor, kung saan ang eksatong bahay niya, bakit warak-warak ang e-bike niya,at kung sino talaga siya. Marami pang naglalarong tanong sa isip ko.



"Siguraduhin niyong libre ang mga kipay niyo next week ah!" turo pa ni Pab isa-isa sa 'min. Kasalukuyan kaming nasa 300, siyempre tumatambay. Kung ano-ano na pinag-uusapan nila pero ako lutang pa rin. Pinag-iisipan kung anong pwedeng susunod na gagawin.



"Do you have a name for your bar na ba?" ani Kurtlin.



"Oo, malamang gaga ka ba?" excited pang sabi nito. Inirapan lang siya ng kausap. Nakikita ko ang mga reaksyon nila dahil silang dalawa ang magkatabi sa kabilang side at si 'kano naman nasa tabi ko.



"You have games too?" si Cole naman ang nagtanong. May mga games ba sa bar? Ungas talaga nitong Amerikanong 'to.



"Meron," nagulat naman ako sa sinabing 'yon ni Pab pero agad kong binawi at kumain ulit. "Huh? Games? Arcade ka, bitch?" ani Kurtlin, subalit 'di siya pinansin ni Pab.



"Ano'ng mga games?" tanong pa ni Cole saka nakapangalumbabang hinarap si Pab. Nakikinig lang ako sa kanila habang ngumunguya. Sadyang malalim talaga iniisip ko kaya 'di ako makasabat.



"Pinball ganyan," walang pasensiyang sabi ni Pab sabay inom ng juice.



"Ano pa?"



"Mga arcade games ganyan," sabay irap niya kay Kurtlin.



"Ano pa?" pag-uulit ni Cole.



"Beer pong?" kunot-noong tugon nito.



I Think He KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon