4th

191 31 1
                                    

| CHAPTER 04 |





Mabilis kong pinapaikot-ikot ang ballpen na nasa kamay ko kanina pa, nag-iisip ng mga pwedeng hakbang na gawin ko para may malaman pa sa babae na 'yon.



"Paano ba namang hindi matatakot sa kaniya 'yon, eh may pa-Attorney naman pala ang ate mo." maingay na daldal pa ni Pab habang dinudutdot yung tinidor kay Cole at sa'kin.



"I'm Iris whatever, and I am already a lawyer...cool, dudeee." ginaya pa ni Cole ang gesture no'ng Iris at mangha-mangha pang binalikan ang mga nangyari kanina.



Simula nang umupo ako rito, ayon na ang usapan nila. Hindi na nga nahinto, kaya mas lalo akong napapaisip.



"Oh? Ano namang tinatameme mo d'yan? Gulat ka 'no? Loko ka kasi e. Lawyer tuloy katapat mo." paninisi ni Pab, mas sinundot ang tinidor malapit sa gawi ko.



"Kahit presidente pa siya, ako pa rin ang professor niyong lahat,"


"Kala mo sa'kin? Takot sa abogado? Sino ba siya ha?" pagyayabang ko pa, natatapakan pride ko sa abogasiyang title nung babae na 'yon.


Isa pang gumugulo sa isip ko ay yung bulong niya kanina. Hindi ko na maintindihan kung saan ko sisimulan ang pag-alam sa kaniya. Kaya heto, kahit sumusubo ay iniisip ko kung ano bang mayroon doon sa cellphone na palagi niyang hawak.



Kunin ko kaya 'yon? Baka doon siya nakikipagkomunikasyon sa boss niya? Malay mo naman. Pero paano?



"She's more than the law, bro." nakangising pang-aasar ni Cole habang hinalukipkip ang kamay.


"Trip mo ba 'yon?"


"No..." tanggi niya pa.


"Kabisadong kabisado mo pa linyahan, eh. Himala, nakikinig ka pala?" I mocked. Natawa naman si Pab doon sabay inom ng juice. "Galit na galit," bulong pa nito.


"Tumatak lang sa akin, cool nga kasi di'ba?" OA pa ang pagkakasabi niya no'n para maitago ang paghanga niya sa likod ng mala-Amerikano nitong mukha. May lahi 'tong si Cole, dito lang lumaki sa Pilipinas kaya matatas sa Tagalog, pero englishero pa rin minsan.


"E'di trip mo nga, ungas!" pagpupumilit ko pa.


Binigyan niya ako ng mukhang naasiwa at parang sumusuko na. Tinitigan niya pa ako saglit saka lumitanya.


I Think He KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon