6th

173 23 2
                                    

| CHAPTER 06 |





I extended my hand para abutin ang kape. Nang lumapat 'yon sa palad ko ay mas inilapit ko naman 'yon sa mukha niya.



Nagtaka naman siya at bahagyang nilayo ang mukha.



"Take a sip." utos ko pa.



"Huh?" mas nagtaka ang mukha niya. 



"Inuman mo muna." diniinan ko pa dahil malapit na maubos ang pasensya ko. Naiinis pa ako kasi ipinangako ko kahapon na kakausapin ko lang siya ulit kapag kailangan. Ngayon, parang gustong-gusto magsalita ng natutuyo kong dila kanina pa.



"Bakit?" tanong niya kaya't napairap na lang ako.



"Basta." walang kwenta kong sagot. 



Kunot-noo siyang sumipsip sa kape. Gano'n ang mukha niya hanggang matapos. Inabot niyang muli 'yon sa'kin at kinuha ko na lang para wala na siyang masabi.



"Akala mo naman talaga lalasunin siya," nakangusong bulong nito. As if I didn't hear it. But at least, he got it. Hindi ako basta-basta tumatanggap ng kahit ano mula sa ibang tao lalo na kapag pagkain. Hindi rin naman ako sanay na inaalok, kaya bilang lang siguro sa kamay kung ilang beses ko nang nagawa ito. I just need to be vigilant at all times. I'm not allowed to endanger myself dahil lang sa kapabayaan. Sa oras na mangyari 'yon, everything that'll be left here will be doomed. Sisirain ko lang ang lahat kung may mangyaring masama sa'kin.



Hindi ko na lang siya pinansin bagkus binaling ko na lang ang aking sarili sa tanawing pinagmamasdan ko kanina. I sipped the coffee and luckily it suits my taste. Pero mas gusto ko yung sobrang pait. This one's good though.




Narinig ko namang bahagya siyang natawa habang nakatanaw rin, wala akong pake sa presensiya niya kaya kahit paglingon ay 'di ko ginawa. 



"I realized," mahinang tawa pa rin niya. I saw his laugh turned into foolish smirk through my sideglance. I took another sip again to ease something that's subconciously lurking on my mind. Do'n ko naramdamang iniliko niya ang ulo papunta sa gawi ko.




"We just kissed."




Muntik kong maibuga ang iniinom ko nang buong kumpyansa niyang sinabi 'yon. Humigpit ang hawak ko sa lalagyan at napagtantong iisa nga lang ang daluyan ng pwedeng inuman sa kapeng 'to. Parehas lumapat ang labi namin do'n!!

I Think He KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon