| PROLOGUE |
"Never get lured and fascinated with new things; some may be real, transparent, or genuine, but it's all just totally deceiving and selfless."
Muli kong inalala ang pang-unang katagang nilagay ko sa kathang iyon, it won't bother me kung babasahin niya man 'yon o hindi. At least, I handed him my final words, better than receiving nothing. Maguluhan o kahit hindi niya man maintindihan, sapat na sa'king nasabi ko ang lahat bago tuluyang lumisan. I've never felt incomplete since then. Never did I feel this phase of hating and needing someone at the same time. Hindi kailanman sumagi sa isip ko na mangyayari ang lahat ng ito. Hinding-hindi.
I thought it was endless, until this moment came. I have been regained myself and now I'm back to my senses—na lahat ng ito ay may hangganan, dahil ang buhay ko sa lugar na ito ay hindi dapat nagtagal at hindi na dapat pang magtagal.
Nakatingin ako sa malayo habang tinatanaw ang dulo ng walang hanggan. Ni wala na akong ideya kung ilang oras na ba akong nandito. Basta ang alam ko, naubos na lang ako. Sa lugar kung saan naramdaman ko ang 'di pangkaraniwang kapayapaan, doon ko rin pala mararamdaman ang panibagong ingay na siguradong hindi ako patatahimikin. Wala man akong naririnig pero patuloy pa rin ang bulong ng bawat sandali at ala-alang gumugulo sa isip ko.
Tumayo ako at tinalukuran ang nakakamanghang tanawin, naramdaman ko na lang ang sarili kong papunta sa sasakyan. Natagpuan naman ng mga mata ko ang natitirang pinagkakatiwalaan ko sa mapanlinlang na mundo na 'to.
"Let's go. Set everything now and we'll go." tumango siya saka binuksan ang pinto ng kotse.
Wala na akong nilingon pa bago pumasok sa loob, diretso ang tingin ko habang tinatahak na namin ang daan papunta sa destinasyon.
Ito na ang huli. 'Wag na sana tayong magkita ulit.
This poem is for him,
To tell that I've never felt the same,
I thought the idea was lame,
Wishing that everything was only a dream...
Paulit-ulit sumasagi sa isip ko ang mga katagang iyon na ako mismo ang nagsulat para sa kaniya. It might be very unusual to me writing exclusive poems, but surely, that would be the first and last one. Remember when you asked me about goodbyes? This is it.
".....since we weren't able to cope with some vital meetings these past few months. Adjustments are in dire of acquisition this time, and it is highly recommended to obtain new strategies amidst this slight dilemma....."
BINABASA MO ANG
I Think He Knows
RomanceAmong all things underneath her silence, what is it that he knows?