CHAPTER 3
MARICAR'S POV
"Pakana mo na naman!" Paismid na saad sa'kin ni Cathelia nang maupo sa tabi ko.
After four hours na biyahe ay narating rin namin ang aming destinasyon. Ang Biak Na Bato National Park, San Miguel, Bulacan.
"Ang ganda dito no?" Sa halip ay sagot ko kay Cathalia.
Napatuon ang mga mata nito sa ganda nang paligid.
Napakalinaw ng tubig na nagmumula sa 'di kataasang water falls, may hanging bridge, staircases na nag-uugnay sa ilog at kweba, talaga namang kaaya-ayang tanawin sa mga dumarayo.
Tanging masasayang hagikgikan at tawanan ang maririnig sa mga batang nagsisipagligo.
Napalingon ako kay Cathalia. Nakapikit itong nakangiti. Ang bukod tangi kong kaibigan na sobrang bait.
Mula nang high school kami ay matalik na kaming magkaibigan, kahit pa sabihing napakayaman ng mga ito ay hindi umaangat ang paa nito sa ere.
Nakakalungkot lang isipin na sa ganda ng pamumuhay niya ay nag-iisa siya. Oo't may mga magulang nga ito nguni't halos wala nang oras para sa kanya. Gaya nang halos karamihang problema ng mga anak mayaman, walang oras sa anak dahil busy sa trabaho.
"Gusto mo siya diba?"
Bigla ang naging paglingon sa'kin ni Catahalia dahil sa sinabi ko. Nguni't dagli ring tumanaw ito sa malayo.
"Alam mo namang simpleng buhay lang ang gusto ko." Bumuntong hininga muna ito bago muling nagsalita. "Sa uri ng trabaho meron siya, hindi rin maiaalis sa akin ang laging pag-aalala. Alam mong iyon ang pinaka-iiwasan ko."
Si Cathalia, mas pinili nitong maging isang volunteer teacher upang iwasan ang parating pag-aalala sa mga magulang sa bawat masasamang taong nakakabangga ng mga ito dahil sa trabaho. Ayaw na niya ng pakiramdam na hindi makatulog sa gabi dahil mga nanlilisik na mga mata ang nakikita kahit siya ay nakapikit.
Natroma narin marahil dahil muntik na itong makidnap noong walong taong gulang pa lamang ito. Mabuti nalang at mabilis tumakbo si Cathalia. Isa sa sports na nakahiligan nito ay marathon.
Hangga't maaari ay iniiwasan nitong makabasa ng dyaryo o manuod ng balita lalo na kung paano niya nakikitang galit na galit ang mga masasamang taong naipapakulong at nahahatulan ng mga magulang nito.
Hindi tumatanggap ng pera o suhol ang mga ito. Ang batas ang lagi nilang pinaiiral kahit sariling buhay ang kapalit.
Mas malayong destinasyon ng pagtuturo, mas nakalulugod kay Cathalia. Kung maaari lamang nitong pahintuin ang mga magulang sa trabaho, para hindi na siya parating nag-aalala. Sinubukan naman nitong kausapin noon ang mga magulang na huminto nalang sa trabaho, ngunit wala itong napala.
Napabuntong hininga ako. Kung ako ang tatanungin, pabor ako kay Luther para sa kaibigan ko. Mabait at maalaga. Alam ko ring maipagtatanggol nito si Cathalia sa mga nais gumanti sa mga magulang ng huli.
Ang totoo, hindi man magandang pakinggan. Pero, naaawa ako kay Cathalia.
Nakaisip ako bigla ng paraan. Evil grin.
"Alam mo, Cath. Tingin ko wala namang gusto sa'yo si Luther."
CATHALIA'S POV
"Huh?" Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Maricar. "E, ano naman sa'kin kung wala siyang gusto sa'kin?"
"Kahit nga ikaw pa ang magtapat sa kanya. Hindi ka niya sasagutin."
"At bakit naman ako magtatapat sa kanya? Hello, in my whole life. Never ko ginawa sa lalaki 'yun."
BINABASA MO ANG
"I'd Rather" [COMPLETED]
RomanceCathalia Ocampo, isang simpleng dalaga na nangangarap ng isang simpleng buhay. Ngunit paano niya makakamtan ang nais na buhay kung siya lang naman ang nag-iisang anak ng mga sikat at maimpluwensiyang tao sa lipunan na sina Atty. Mercedes at Judge Ro...