Chapter 25

512 8 4
                                    

CHAPTER 25

CATHALIA'S POV

Patuloy ang pamamalisbis ng luha sa aking mga mata matapos kong marinig ang mga pangyayari sa biglaang pagkawala ni Luther. "I-im sorry, Luther. Nagalit ako sa'yo dahil inakala kong tinalikuran mo talaga ako."

"It was really my fault. I'm so sorry." Saad ni Daddy na mahihimigan ang labis na pagsisisi. "Kung hindi ko sana sinubok si Luther noon, at kung naniwala ako sa salita ng ninong mo na mabuting tao talaga si Luther ay hindi sana hahantong ang lahat sa ganito. Sana'y hindi lumaking walang kinikilalang ama ang apo ko."

"Huli na po para magsisihan pa tayo. Dahil sa sarili ko, alam kong may pagkakamali rin ako." Saad naman ni Luther. "Kung sana'y nagpaalam ako ng maayos kay Cathalia." Ginagap ni Luther ang aking kamay. "I'm sorry."

"Naiintindihan ko." Sagot ko dito bago muling bumaling sa aking ama. "At si Luke, Dad? Sapat na bang napatunayan n'yong hindi siya ganon katapang gaya ni Luther para subukin n'yo rin?" Napabuntung hininga ako. Masakit din para sa akin na gaya ni Luther ay nagawa din ng aking ama na subukin din nito ang lalaking walang ibang ginawa sa akin kundi ang pagmalasakitan at mahalin ako.

"Hindi mo s'ya kilala, Cathalia."

"And how about you, Dad? Did you know him?"

"Anak si Luke ng taong pumatay sa mommy mo, na agad din namang nasakote ng mga pulis."

Natigagal ako sa sinabi ni daddy.

"Habang nasa malayo ako ay pinababantayan kita anak. Dahil ayokong may mangyari ding masama sa iyo gaya ng Mommy mo. Dahil kung may mangyari ding masama sa'yo, baka hindi ko na kayanin. Masyado kang mabait at madaling magtiwala, kung kaya't lihim kong pinaimbestigahan ang background ng lalaking iyon."

"Sinasabi n'yo bang-- " Bahagyang nagkabikig sa aking lalamunan. Masakit sa dib-dib ang isatinig kung ano ang nasa isip ko ngayon.

"Ginagamit ka lamang ng lalaking iyon upang paghigantihan." Pagtatapos nito sa sinasabi ko.

Hindi ko alam kung paano magrereact sa rebelasyong isiniwalat ng aking ama. Naguguluhan ako. Paanong nagawa sa akin ni Luke iyon? Bakit at Paanong hindi ko namalayan ang motibo nito?

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Tila walang nais na bumasag sa katahimikang iyon.

Dinig ko ang biglang pagbuga ng hangin ni Daddy. "Maiwan ko muna kayo."

Nang tuluyan na kaming mapag-isa ni Luther ay tila ba nagpapakiramdaman kami kung sino ang unang magsasalita.

Lumipas ang ilang sandali ay nagpatuloy lang si Luther sa pakikiramdam. Hanggang sa hindi na ko nakatiis. Ako na ang bumasag sa katahimikang namamagitan sa aming dalawa.

"M-masakit pa ba?" May pag-aalinlangang tanong ko.

"Oo."

"S-saan? Dito ba?" Saad kong bahagyang hinaplos ang sugat na natamo nito sa gilid ng kanyang labi.

Kinuha nito ang kamay ko at itinapat sa dibdib nito. "Dito! Dito Cathalia."

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi pagkadinig ko sa sinabi nito.

"Napaka ganda mo, Cathalia. Lalo na sa wedding dress na suot mo ngayon. Sa kasamaang palad, nakasuot pangkasal ka hindi para sa kasal natin. Kung hindi nangyari ang lahat ng ito, marahil ay kasal kana sa lalaking iyon." Pagpapatuloy nito. "Talagang pakakasalan mo pala sya? Tss!" Mahihimigan ng pagkadismaya ang tono nito.

"Sorry, Luther. Siguro tadhana na ang gumawa ng paraan para hindi ako matali sa isang lalaking akala ko'y lubos na kinalala ko na."

"Anong plano mo ngayon?"

Napabuntong hininga ako. "Ang totoo? Hindi ko alam. Parang ang daming nangyari sa buhay ko sa loob lamang ng isang araw." Sagot ko dito.

Ngunit aaminin ko. May galak akong nakakapa sa isang bahagi ng puso ko sa mga pangyayaring ito. Pakiramdam ko, nakahinga ako ng maluwag.

~~~

"Daddy, you're here." Bating pagsalubong agad ni Thalia sa ama nito.

Agad namang binuhat ni Luther ang anak.

Pinasama kasi ni Daddy si Luther dito sa bahay at may pag-uusapan daw ang mga ito. At alam na alam ko na ang susunod na hakbang ni Daddy. Dahil alam kong hindi nito basta-basta hahayaan si Luke na tangay ang pera.

Iyon ang hindi nalalaman ni Luke. Hindi niya alam kung ano ang mga kayang gawin ng dating Judge Roberto Ocampo.

"Are you okay, daddy? You have so much bruises and wounds." Tanong ni Thalia sa ama.

"I'm okay my princess. Ginamot na ako ng mommy mo."

Napalingon naman sa akin si Thalia. "Mom, are you okay? I'm glad that daddy get to rescue you from those kidnappers."

Napangiti ako. Ang daldal talaga ng anak ko. "I'm okay baby. And thanks to your dad." Bumaling ako kay daddy at Luther. "Dad, Luther, maiwan ko muna kayo."

Tumango naman ang mga ito.

"I'm so glad that the wedding didn't happen." Narinig kong saad ni Thalia nang paakyat na ako sa hagdan.

"Bakit naman, baby?"

"Cause i want you to be the groom of my mom. Don't you like it daddy? Do you still love mommy?"

"Of course i love your mommy, sweetheart. I love her so much."

Hindi ko napigilang mapangiti sa narinig ko bago ko ipinagpatuloy ang pag-akyat sa aking silid.

LUTHER'S POV

Matapos kong ibilin kay Rose si Thalia ay inanyayahan ako ng daddy ni Cathalia sa opisina nito, kasama si Gen. Ramos.

"Marahil ay alam mo na kung bakit kita ipinasama dito, Luther?" Saad ng dating Judge.

"Opo. At alam kong planado nyo rin kung bakit nyo hinayaang matangay ni Luke ang pera."

"Hahaha, matalino ka din Luther. Pero bago iyon. Humihingi ako ng tawad sa nangyari, ngunit naging pabor naman para sa iyo ang pangyayaring ito hindi ba?"

"Opo. Salamat po."

"Sana lang ay huwag mo nang tatakasan pa ang apo at anak ko, dahil wala ng kasunod pa ito."

"Makakaasa po kayo."

"Back to our business. Marked money ang perang ipinadala ko sa inyo." Panimula nito.

As i thought.

"Sa oras na ilagak nito sa kahit saang bangko iyon ay automatic na ipi-freeze iyon ng bangko." Pagpapatuloy nito.

"At kung hindi naman nito ilagak sa bangko ang pera ay matutunton din ninyo kung saan niya ito itinago dahil sa aparatong nakaipit sa attaché case nito."

Bumunghalit ng halakhak ang Dating Judge. "Kabisado mo parin ang kalakaran ng trabaho natin Luther."

CATHALIA'S POV

Agad akong nag shower at inayos ang wedding dress na hinubad ko.

Habang minamasdan ko ang damit pangkasal ay wala akong makapang panghihinayang sa sarili ko.

Napabuntong hininga ako. I feel sorry for Luke, alam kong minahal talaga ako nito. Pero sapat na ba iyon upang ilihim niya sa akin ang tunay nitong pagkatao?

Isang text message sa cellphone ko ang pumutol sa pag-iisip ko.

Dinampot ko iyon at binasa ang nilalaman ng mensahe.

-Cath, mag-usap tayo please. Hihintayin kita.-

ITUTULOY. . .

"I'd Rather" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon