CHAPTER 9
CATHALIA'S POV
"I'D RATHER."
Tumikhim muna si Luther bago sinimulang kumanta.
~~~I thought sometime alone was what we really needed you said this time would hurt more than it helps but I couldn't see that.~~~
Yumakap ako nang mahigpit kay Luther at isiniksik ang ulo ko sa dib-dib nito.
Dinig ko ang sabay na pagpintig ng aming mga puso. Iisa lang!
~~~I left the one I loved at home to be alone (alone) and I tried to find out if this one thing is true that I'm nothing without you I know better now and I've had a change of heart.~~~
Nag-volunteer teacher ako para maiwasan ang laging pag-aalala sa mga magulang ko. Ayokong makapanuod o makabasa man lang ng mga balita. For me, it was a nightmare.
Naalala ko tuloy nang bigla magpaalam sa'kin si Luther na magbibitiw na s'ya bilang bodyguard ko.
At first I thought it was fine. But I was wrong, 'cause I love him at handa akong isugal ang puso ko para sa lalaking ito.
~~~I'd rather have bad times with you, than good times with someone else. I'd rather be beside you in a storm, than safe and warm by myself. I'd rather have hard times together, than to have it easy apart. I'd rather have the one who holds my heart.~~~
Ayoko nang mag-alala, mas nais ko nang mag-isa, simpleng pamumuhay, iyon ang pinangarap ko. Pero nagbago ang lahat ng iyon dahil kay Luther.
Ginising ako nito, ang lahat ng pinapangarap ko ay isa lamang pagtakas. Pagtakas sa totoong buhay ko. Now I realized, I was so selfish.
Habang nakikipaglaban ang mga magulang ko, ako naman tumatakas.
Gano'n sila katapang, samantalang ako---
Puro karuwagan.
Tama ang kantang I'd Rather. Mahirap, masakit pero, dito ako sumaya.
Akala ko matatakasan ko ang mundo ko, hindi pala. Dahil sa mundo ko, natutunan kong umibig.
Nakapagpasya na ako. Babalik na ako sa mundo ko. Pero bago ako bumalik, gusto kong magkaro'n ng ala-ala, na minsan sa pagtakas ko, natuto akong magmahal.
LUTHER'S POV
Naramdaman ko ang impit na pag-iyak ni Cathalia sa dib-bib ko.
Iniangat ko ang mukha nitong paharap sa akin. "What's wrong?"
Bumangon ito sa pagkakahiga. Bumangon rin ako't pinahid ko ang mga luhang naglandas sa mga pisngi ni Cathalia.
Napatitig ako sa mga mata ng dalaga. Her eyes was full of emotions I can't hardly explain.
Nagsimula itong gumalaw. Hinubad nito ang blouse na suot niya. "Take me, Luther. Please." She uttered.
Hindi ko na nagawa pang makasagot. She claimed my lips. I can feel her. Iisa ang isinisigaw ng aming damdamin. Nararamdaman kong ito ang mag-uugnay sa amin sa hinaharap.
Kumalas ako sa kanyang mga labi, tinitigan ko s'ya sa kanyang mga mata.
"I won't regret it."
Pagkasabi ni Cathalia ng mga katagang iyon ay dahan-dahan ko siyang inihiga sa kama. Siniil ng halik ang naghihintay na mga labi ng dalaga.
~~~'Cause every time we touch, I get this feeling. And every time we kiss, I swear I could fly. Can't you feel my heart beat fast, I want this to last. Need you by my side.~~~
Ramdam ko ang pagsigid ng kirot na tiniis nang dalaga nang kami ay maging isa.
~~~'Cause every time we touch, I feel the static. And every time we kiss, I reach for the sky. Can't you feel my heart beat so... I can't let you go. Want you in my life.~~~
Maingat ang bawat ginawa kong paggalaw. Hanggang maramdaman kong sumasalubong na ito sa bawat kong paggalaw.
~~~'Cause every time we touch, I get this feeling. And every time we kiss, I swear I could fly. Can't you feel my heart beat fast, I want this to last. Need you by my side.~~~
Hanggang marating namin ang luwalhati ng pagmamahalan namin.
*****
Naalimpungatan ako nang maramdamang may nagbukas nang pinto ng kwarto.
Nakita ko sa sulok ng aking mga mata ang pagkabigla ni Nanay sa nakitang ayos namin ni Cathalia, ngunit dagli ring napangiti ito. Ini-lock ni Nanay ang door knob buhat sa loob ng kwarto bago muling isinara iyon.
Naiiling na napapangiti nalang ako.
Bumaling ako kay Cathalia na mahimbing na natutulog sa tabi ko habang nakaunan sa braso ko at nakayakap sa baywang ko. Hinawi ko ang ilang strands ng buhok nitong bahagyang tumatakip sa maamong mukha nito. I kissed her forehead. "I love you, Cathalia." I whispered, saka ko hinapit ang katawan nito at niyakap ng mahigpit.
CATHALIA'S POV
Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata nang may maramdamang masuyong humahaplos sa pisngi ko. Nakangiting mukha ni Luther ang nasilayan ko. Napangiti na rin ako. "Anong oras na ba?"
"1a.m. palang." Sagot ng binata. "Masakit pa ba?" Masuyong tanong nito.
Nakangiti akong umiling.
Dalangin kong sana'y mabuntis ako. Hindi para pikutin si Luther. Basta, gusto ko lang magkaroon ng patunay na minsan sa buhay ko, naranasan kong lumigaya sa piling ng mahal ko. Naranasang magmahal at mahalin.
Gusto kong makasigurong makakabuo kami.
Iniyakap ko ang mga braso ko sa leeg ni Luther upang dumikit ng husto ang mainit kong katawan dito.
Deducing him?
Oo.
Isa akong anak ni Eba!
Nakaramdam naman ito sa nais kong mangyari. Kung kaya't ang kamay nito ay unti-unti nang gumagapang, dumadama sa aking mga kayamanan.
I kissed him, and he kissed me back. Para kaming uhaw sa isa't isa.
Bumaling siya upang mapaibabaw sa'kin.
Muli naming pinagsaluhan ang tamis ng makamundong pag-ibig.
*****
"Aray!"
"Bakit, hija? Anong nangyari sa'yo?" Nag-aalalang dinaluhan ako ni Nanay Maria.
Inilapit ko ang nahiwa kong daliri sa aking mga labi at sinipsip ang pulang likidong sumungaw doon. "Wala po Nay, maliit na hiwa lang po."
"Mag-iingat ka kasi, hija." Saad sa'kin nito.
Maya-maya pa'y humahangos na pumasok si Luther sa kusina.
"C-cathalia." Sambit nito sa aking pangalan.
Bigla akong kinabahan sa nakikita kong itsura nito.
"M-may nangyari ba?"
Hindi ito agad sumagot.
Hindi ko maintindihan, bigla nalang bumalong ang mga luha sa aking mga mata. "Luther, tinatanong kita. May nangyari ba?" Malakas na sigaw ko dito.
"W-wala na ang Mommy mo."
BINABASA MO ANG
"I'd Rather" [COMPLETED]
RomanceCathalia Ocampo, isang simpleng dalaga na nangangarap ng isang simpleng buhay. Ngunit paano niya makakamtan ang nais na buhay kung siya lang naman ang nag-iisang anak ng mga sikat at maimpluwensiyang tao sa lipunan na sina Atty. Mercedes at Judge Ro...