CHAPTER 1
CATHALIA'S POV
"Dad, Mom, are you okay?" Humahangos 'kong tanong agad sa aking mga magulang nang makapasok ako sa aming tahanan.
Kalat na agad sa iba't ibang pahayagan ang nangyaring pamamaril sa kotseng sinasakyan ng mga ito.
Niyakap ako agad ni Mommy pagkakita sa akin.
"Cath, anak. Mabuti't dumating ka na. Nag-aalala rin kami sa'yo ng daddy mo."
Nagkalat na ang mga pulis at medias sa may tapat ng gate namin. Mabuti na lamang at naeskortan ako ng mga pulis upang makapasok sa aming bahay. Halos dumugin narin kasi ako ng mga medias sa labas.
"Malaman ko lamang kung sino ang pinuno ng sindikatong ito, bubulukin ko talaga s'ya sa bilangguan." Nagtatangis na mga bagang na saad ni Daddy.
Base sa kwento ni Mommy, nakatakas daw ang isa sa pinaka mataas na miyembro ng sindikatong nahatulan ni Daddy nang habambuhay na pagkabilanggo. Hinala rin niya na may proteksiyon din ito sa pulisya.
"Cath, you are not allowed yet to go out."
Nagulantang ako sa tinuran ni Daddy. "But dad, naghihintay ang mga batang tinuturuan ko." Pagtutol ko rito.
"Then, i'll get you a bodyguard."
"But, dad..."
"No buts, Cathalia!" Kapag ganoon nang buo na ang pangalan kong binanggit ni daddy ay hindi na ako dapat pang kumibo, or else i'll regret it. Mas worse ang magiging kapalit nito. "Don't be so stubborn, young lady. Pinayagan na kita sa kalokohan mong iyan. Ngayon, ako naman ang masusunod kung ayaw mong patigilin kita sa pagtuturo.
See what I mean?
Itinaas ko ang dalawang kamay ko, tanda ng pagsuko.
LUTHER'S POV
"Good Morning, Judge Ocampo. Ako po si Luther Mercado, ang ipinadala ni General Ramos." Magalang kong pagbati sa Hukom.
"Mabuti't dumating ka na. Alam mo na siguro ang trabaho mo?"
"Opo!"
"Magkakasundo tayo kung gano'n."
Itinaas nito ang kanang kamay upang makipagkamay sa'kin. Tinanggap ko naman iyon.
Tumawag ito ng isang kasambahay upang dalhin ako sa kwartong tutuluyan ko sa pananatili sa kanilang Mansion.
"Hi. Ikaw ba 'yung magiging bodyguard ni Ma'am Cathalia?" Usisa sa akin nang kasambahay. "Ako nga pala si Rose." Nakangiti nitong pagpapakilala. Sa itsura nito ay para itong kinikiliti.
Natatawang nagpakilala rin ako dito. "Ako naman si Luther. So, Cathalia pala ang pangalan ng magiging amo ko. Ano bang trabaho niya?"
Bahagya nitong inilapit sa akin ang ulo nito at pabulong na nagsalita.
"Volunteer teacher siya sa mga batang hindi inaabot ng edukasyon ang mga lugar. Kung saan-saan siya nakakarating. Hmp! Ewan ko ba, ang ganda-ganda ng trabaho ng mga magulang niya tapos 'yon lang gusto n'ya." Pagdadaldal sa akin nito.
Nang makarating sa kwartong inilaan sa akin ay pabagsak akong nahiga sa kama at ipinikit ang aking mga mata.
Iniisip ko lang kung makakasundo ko ang anak ng Judge. Mostly kasi sa mga babaeng mayayaman ay mga sosyal at spoiled brats, pero iba ang dating sa akin nang isang ito, dahil kung brat ito, hindi ito makikisalamuha sa mga taong mahihirap gaya ng pagtuturo nito sa mga mahihirap na bata.
*****
"Rose, puntahan mo si Cath sa kwarto niya para makilala na niya ang bodyguard n'ya bago ako umalis."
BINABASA MO ANG
"I'd Rather" [COMPLETED]
RomanceCathalia Ocampo, isang simpleng dalaga na nangangarap ng isang simpleng buhay. Ngunit paano niya makakamtan ang nais na buhay kung siya lang naman ang nag-iisang anak ng mga sikat at maimpluwensiyang tao sa lipunan na sina Atty. Mercedes at Judge Ro...