FINALE

126 4 2
                                    

FINALE

LUTHER'S POV

"Kuya, nandito na kami sa bungad ng Resto." Isang text message na natanggap ko mula kay Karen.

"Waiter, nariyan na sila. Pakisalubong na salamat."

Agad naman tumalima ang waiter at nag-abang sa bungad ng pinto.

Nang mamataan kong papasok na si Cathalia sa loob ng Resto ay wala sa sariling napatayo ako kasabay ng tugtuging umalingawngaw sa loob ng restaurant na iyon.

🎶Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako? Bakit kapag lumalapit ka kumabog ang puso ko? Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko? Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo.🎶

She was wearing a Cutie white tie back sleeveless mini dress that shows off her glowing complexion. Simple yet elegant.

At this very moment. i sware, i won't let go of this woman ever again. Tiniis kong huwag makausap ang babaeng ito dahil sa kanyang Ama. Upang makapag isip-isip kaming pareho at makamove on sa mga pangit na pangyayari sa aming buhay. To refresh a new, dagdag pa ng ama ng dalaga. Upang sa muli naming pagkikita, wala na ang bakas ng galit at pagsisisi at ang mangingibabaw na lamang ay ang pagmamahal namin sa isa't isa. At sa mga panahong iyon, hindi nabawasan ang pagmamahal ko sa dalaga.

🎶Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako? Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo? Bakit kapag nandito ka nababaliw ako, Nababaliw sa tuwa ang puso ko.🎶

Nang makalapit na ng tuluyan si Cathalia ay iniabot ko sa dalaga ang isang pumpom ng puting mga rosas. Kasabay ng pagtanggap niya nito ay ang tuluyang pagpatak ng kanyang mga luha. "Thank you." She said without voice.

CATHALIA'S POV

Matapos akong ipaghila ni Luther ng upuan ay lumapit ito sa maliit na stage ng Resto at kinuha ang mikropono.

🎶Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito, sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso, sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay, sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako.🎶

Lalong bumalong sa mga mata ko ang aking mga luha. Luha ng kaligayahang kay Luther ko lang nararamdaman. Sa kanya lang. Kahit gaano man katagal kami magkahiwalay, naroon parin ang pagmamahal ko dito. Hindi mapapantayan at hindi mapapalitan.

Kasabay ng malamyos na awitin nito ay nakangiting lumapit ito sa akin. Inalalayan ako nitong tumayo at tinuyo ang mga luhang naglandas sa aking mga pisngi, as he gets down on his one knee, he holds my hand.

I was speechless. Hindi ko alam ang sasabihin ko nang buksan nito ang isang maliit na red box at masilayan ko doon ang isang Diamond proposal ring.

"Cathalia, From the day I first saw you, I gave you a place in my heart. Hindi mo lang alam kung gaano ako nasaktan nung lumayo ako sa'yo, at hindi din kita sinisisi kung nagawa mo mang tumingin sa iba. There are many ways to be happy in this life, but I'd Rather have bad times with you than to live a good life without you. Because you are my happiness and all i really need is you. I have tried many times to show you and say to you how much i love you, but there was no good time. Finally, I would grab this lifetime opportunity to tell you how much i love you and how much you mean to me. Kahit buhay ko iaalay ko sa'yo. I promise that I would never gonna leave you again. Cathalia, Will you marry me?"

Napatutop ako kasabay ng muling pagpatak ng aking mga luha. "Y-yes."

"Yes?" He repeat.

Tumango ako. "Yes. I will marry you, Luther."

Tumayo ito at unti-unting isinuot sa aking palasingsingan ang nangingintab na sing-sing kasabay ng mahigpit na yakap namin sa isa't isa.

Nagpalakpakan naman ang mga taong nakasaksi na naroroon sa lugar na iyon.

Hindi man kasing romantiko ng ibang Marriage proposals ng iba ang ginawa ni Luther. Ngunit para sa akin, iyon na ang pinakaromantikong nagawa niya para sa akin. Lalo pa at nanggaling iyon sa lalaking tanging nagpatibok at patuloy na nagpapatibok ng puso ko.

MATAPOS ang unforgettable night na iyon para sa akin ay umuwi na ako kinabukasan. Sinabi naman ni Luther na tatapusin lamang niya ang pagiging abay sa kasal ni Mara at mamamanhikan na sila sa amin na ginawa naman nito.

After ng 3 months din na paghihintay at preparasyon ay nagpakasal kami sa simbahan ng Cathedral Basilica.

I was overwhelmed by his love. Pinunan ni Luther ang lahat ng panahon noong magkalayo kami. Na kahit kasal na kami ay nililigawan parin ako nito. Sending flowers kahit nasa trabaho ito. Nagdi-date kahit once a week, and never ending i love you's.

Huminto man ito sa pagiging secret agent ngunit itinuloy naman nito ang law firm nila ng kaibigang si Lester. Hindi din ito himinto sa pagiging bodyguard ng buhay ko.

Sa ngayon ay Mag-aanim na taon na kaming mag-asawa ni Luther. And i was very happy and contented with our two children kasama si Daddy. Hindi namin iniwan si Daddy sapagkat ayokong iwan itong mag-isa. Matanda na ang Daddy ko at gusto kong sulitin ang lahat ng oras na makakasama ko pa s'ya, di tulad noong busy pa sila ni Mommy sa kanilang mga trabaho at hindi naman tumutol sa pasya ko ang aking kabiyak.

Si Thalia ay magla-labing dalawang taong gulang na at si Liam, ang aming bunso ay magli-limang taon naman.

***

"At the conclusion of the case, and after you have heard all the evidence, we are confident that you will return a verdict of guilty." Sigaw ni Thalia.

"Order in the court! Order in the court!" Sabag pukpok ni Liam ng gavel sa mesa.

"What's this noise, Thalia?" Tanong ko pagpasok ko sa opisina noon ni Daddy na ginawang playground ng mga anak ko.

"Mom, we are in the middle of the Trial." Thalia replied.

Oh my God! Not again.

WAKAS. . .

"I'd Rather" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon