Chapter 15

238 7 0
                                    

CHAPTER 15

LUTHER'S POV

Kinakastigo ko ngayon ang sarili ko dahil sa kapangahasan ko. Sobra ko kasing na-missed si Cathalia kung kaya't di ko na napigilan ang sarili ko.

Frustrated na naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha.

Tsk! Ano na kayang mangyayari ngayong nalaman na nitong nagpapanggap lamang ako?

Hindi nga ako nagkamali ng hinala. Hindi na pinapasok ni Cathalia ang anak namin.

Gusto kong puntahan ang dalaga sa bahay ng mga ito, ngunit paano kung ipagtabuyan ako nito?

Isang tawag mula kay Lester ang nagpabalik sa sirkulasyon ko.

"Tol, napatawag ka?"

"Hoy! Mr. Mercado, mukhang nag-eenjoy ka na ng husto d'yan. Switch na tayo."

Napabuntong hininga ako. Marahil kailangan ko munang mag-isip bago muling gumawa ng hakbang upang makuhang muli ang loob ni Cathalia.

"Okay, tol. Bukas, diyan naman ako sa law firm. Iayos mong lahat ang report diyan."

CATHALIA'S POV

"Thalia, please.. kumain ka na anak."

"No, mommy! I want my daddy."

"He's not your father, Thalia. Enough of this none sense. Kung anu-ano na ang itinatanim niya sa utak mo."

Lalong lumakas ang iyak ng anak ko. "Why are you lying mommy? I thought lying was forbidden? I want my daddy, I want my daddy Luther."

Shocked ako sa aking narinig. Kung ganoon, alam na pala ng anak ko na si Luther talaga ang lalaki at nagpanggap lamang ito.

I hardly close my eyes. I hated to see my daughter's suffering.

Natigagal ako nang muling magsalita ang anak ko.

"You've seen it mom. How they've bullied me. You doesn't know how it feels. I wished all this years to see my real father, but now that i've met him I wasn't allowed to be with him? Why are you being so heartless mommy?"

Kasabay ng pagkasabi niyon ay tumakbo si Thalia paakyat sa kwarto niya.

Am I really being heartless?

Napahawak ako sa aking dibdib at napahagulgol ng iyak.

*****

Kanina pa ako pasipat-sipat ng oras sa aking wrist watch, namamanhid narin ang mga paa ako sa tagal ng pagkakatayo ko. Tama ba ang ibinigay na address sa akin ni Lester?

Just great! Ang tunay na Lester ang nasa school ngayon. Mabuti na lamang at ibinigay nito ang address ni Luther.

Napabuntong hininga ako. Mag-iisang oras na akong nakatayo sa harap ng pinto ng condo unit ni Luther ngunit wala pa rin ang lalaki.

Isa pang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagpasyang bumalik na lamang sa ibang araw.

Ihahakbang ko na sana ang mga paa ko paalis sa lugar na kinatatayuan ko nang mamataan ko si Luther na papalapit na sa akin.

Nangunot ang noo ko nang makitang hindi pantay ang paglakad nito.

Lasing ba siya?

Biglang gumuhit ang ngiti sa mga labi nito nang makita ako.

"C-cathalia? Ikaw ba talaga 'yan?" Pagkumpirma nito ng makalapit sa akin.

"Bakit, may kilala ka bang kakambal ko?"

"I'd Rather" [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon