22. Realize: Confession (Part 2)

118 3 0
                                    

Maria's POV

Coronation night ngayon ng Mr. and Ms. Montery.

Kakanta kasi ako ngayon.

Andun sa stage nakaupo sina Wilsen at Lydia.

Sila kasi yung Mr. and Ms. Montery last year kaya magtuturn over sila ng corona ngayon sa bagong queen at king.

Habang hinihintay ko yung special number ko, hinawakan ni Ezriel ang kamay ko. 

He's trying to relax me.

Nginitian ko lang siya at nginitian lang niya din ako. 

"Are you ready para sa kanta mo mamaya?" tanong sakin ni Ezriel. 

Tinignan ko siya at nginitian.

"Hey, you okay? Parang may iniisip ka ah?" tanong niya uli sakin.

"Wala. Kinakabahan lang ako mamaya." sabi ko.

"Wag ka ngang kabahan. Alam naman nating lahat na magaling ka tsaka I'm sure na magugustuhan nila yung pagkanta mo. Just don't worry okay?" sabi niya sakin at pinat ako sa ulo. 

I just smiled at him.

Ibinaling ko ang tingin ko sa stage at nakita kong wala na sila Wilsen at Lydia.

Teka.. Asan na sila?

Nakita kong pumunta siya sa gitna ng stage at may dalang icrohphone. 

Naka-tuxedo parin siya at napaka gwapo niya sa porma niya.

"Tonight, I'll dedicate this song to someone special. Actually, di ito nakaset sa program but I want to sing this song para sa kanya." sabi ni Wilsen at nag nod.

Nagsimula ng tumugtog yung music at nagulat ako ng marinig ko yung kanta.

Nagsimula na siyang kumanta ng "Realize" ni Colbie Caillat.

Hindi ko alam pero ramdam kong tumulo yung luha ko.

Eh natamaan ako sa kanta tsaka.. mahal ko parin siya eh. 

Sa dinami dami ng kanta ba't yan pa?!

I scan the surroundings pero di ko makita sina Aina at Kirsee. Pati na rin sina Ate.

"Uy, ba't ka umiiyak? May problema ba?" tanong sakin ni Ezriel.

Agad ko namng pinunasan yung luha ko.

Shet! Yung makeup ko! 

"W-wala. Wala lang to." sabi ko at pinunasan ko yung luha ko.

Traidor na luha to. Wrong timing naman. Sa harap pa talaga ni Ezriel tas may kanta pa ako. 

Asan ba kasi sina Aina art Kirsee?

"Anong wala? Umiiyak ka oh? Ano bang problema, Maria?" tanong sakin ni Ezriel.

Hindi ko alam pero umiyak na talaga ako. Tumayo ako at naglakad ako palayo kay Ezriel.

"Maria! Teka!" rinig kong tawag sakin ni Ezriel.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Aina.

Nakailang ring din at sinagot ni Aina yung tawag ko.

[Heelllooo!] pamungad na sabi ni Aina.

"Asan kayo?" tanong ko sa kanya habang pinunasan yung luha ko.

[Teka.. umiyak ka? Andito kami sa C.R.] sabi ni Aina at dali dali akong pumunta dun.

KathNiel One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon