Kathryn Bernardo as Juliene Ponte
Daniel Padilla as Hanson Sacramento
Ella Cruz as Victoria Pendon
Jane Oineza as Nerie
Kristel Fulgar as Zandie
Julia Barretto as Cate
Hanson's POV
"Kuya Hanson! Tara na! Nag uumpisa na yung program oh!" tawag sakin ni Victoria. Ang pinsan ko pero mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon.
"Teka. Hindi pa ako tapos." sabi ko at uminom ako ng tubig. Kakatapos ko lang kasi kumain.
"Kuya! Bilisan mo na!" Victoria.
"Teka. Isang minuto lang." sabi ko at nagpahinga.
Napailing na lang siya at umalis.
Andito kasi kami nagdinner sa may restaurant malapit sa may activity area kung saan ni held yung program ng school nila Victoria.
Bumalik uli si Victoria pero nakabusangot ang mukha.
"Tara." sabi ko tsaka tumayo.
"Mommy, alis na kami ni Kuya Hanson." pagpaalam ni Victoria ky Tita Nyn.
"Oh sige. Mag ingat kayo ah." sabi ni Tita.
"Hanson, huwag kayong magpapagabi ah." bilin naman samin ni Mama.
"Opo, ma."
"Sige ah! Mauna na kami! Byeee!" sabi ni Victoria at hinila ako.
Pagkarating namin sa activity area, bumusangot ang mukha ni Victoria.
"Victoria!!!" may sumigaw kaya napalingon kami.
"Nerie! Zandie!" sigaw ni Victoria at niyakap ang dalawang bestfriends niya.
"Tapos na silang magperform?" tanong ni Victoria sa dlawa niyang kaibigan pero nanonood lang ako sa nagpeperform na grupo.
"Sino? Sina Cate ba? Oo eh." sagot nung Nerie ata.
"Sayang." sabi ni Victoria at napa pout.
"Bakit naman?" tanong ni Zandie kaya siniko siya ni Nerie.
"Andito si Hanson oh." bulong ni Nerie pei rinig ko pa rin.
Napatitig ako sa babaeng nasa harap na sumasasayaw.
Naka red indian costume siya. Maganda siya at medyo matangkad.
Hindi ko alam pero parang... Na attract ako?
Oo, may girlfriend na akong tao pero wala eh. Naattract ako sa kanya. Feeling ko crush ko na siya.
Crush lang ah. Yun lang.
Nag-uusap usap lang sina Victoria.
Naramdaman kong nakatingin sakinn si Victoria at may hinanap siya.
"OMG!!! NAHANAP KO SIYA! NAKITA KO NA SI CATE!!" sigaw ni Victoria kaya napatingin ako sa kanya at may tinuturo.
"Tatawagin ko siya?! Mygeee!!!" Nerie.
"Si Hans." bulong ni Victoria.
"Yun nga! Tawagin ko?" Nerie.
Tunango nman si Victoria at pumalakpak pa.
Napatingin ako sa tinuturo nila. Kaso hindi ko masyado makita yung mukha niya kasi madilim.
"Ayoko. Nahihiya ako." Nerie.
"Victoria." tawag ni Zandie at tinuro ako na nakatingin ky Cate daw.
Rinig ko namang tumili silang tatlo kaya napakamot na lang ako sa batok ko.
Napatingin uli ako sa stage at nalungkot ako nung tapos na pala siyang sumayaw.
"Ohmygeee!!!" sigaw ni Victoria.
Napatingin ako kung san nakatingin sina Victoria.
"Kuya! Kuya! Nakita mo siya?! Nakita mo si Cate? Yieee!! Kinikilig ako sa inyo!" sabi ni Victoria at tinuro yung babae.
Tumango naman ako.
"Ohmygee! Maganda ba siya?!" tanong sakin ni Victoria.
"Hindi ko makita yung mukha niya. Madilim." pagdadahilan ko kahit kita ko parin tung mukha niya.
Actually, maganda siya. Pero hindi ko alam kung bakit pero mas na attract ako kanina sa babaeng sumayaw kaysa sa Cate ma yan.
"Tara! I-flashlight natin yung mukha niya para makita ni kuya!" biro ni Nerie.
"Asan flashlight mo?" tanong naman ni Zandie.
"Wala nga." sabi ni Nerie at tumawa.
Actually, Maganda naman yung Cate kaso walang spark eh. Wala akong naramdaman unlike sa babaeng sumayaw kanina.
Sa dinami-daming babae, yung Cate pa talaga yung nirereto sakin ni Victoria.
Ba't di na lang yung babaeng sumayaw yung ireto niya sakin?
Wala talaga akong gusto sa Cate eh. Di ko type pero maganda siya.
Nakita kong lumabas yung Cate at nakabihis na siya ng P.E shirt at pants.
"Cate! Cate! Cate! Cate!" tawag nila Nerie at Zandie sa Cate kaya napalingon ito sa kanila.
"Bye Ate Cate!" sabay na sigaw nila Nerie at Zandie tsaka nagwave.
Nagwave din pabalik si Cate at sumakay na sa tricycle. Uuwi na ata.
"Nakita mo na siya? Ganda noh? Kasing edad lang kayo nun." sabi sakin ni Victoria.
Tumango tango naman ako.
"Kaso hindi ko nakita yung mukha niya. Madilim."
Napailing na lang si Victoria.
Narinig namin na may nag-uusap kaya napalingon kami sa likuran namin at nakita ko silang tatlo na nakatingin sakin.
Naglibot libot muna kami at nilibre kami ni Victoria ng mga pagkain.
Umuwi na din kami after naming kumain.
--------------------------------------------------------
Hello guys! I'll divide this one shot into three parts. Masyado kasing mahaba eh. I'll post the 2nd part after this.