15. Ruined

152 0 0
                                    

Daniel Padilla as Stanley Ford

Kathryn Bernardo as Cheska Manuel


Stanley's POV

"Brad, kinakabahan ako.." sabi ko ky Alex.

"Wag ka ngang kabahan bro. Si Paulo na bahala. Expert siya dun!" sabi ni Alex habang kinokopya ang assignment ko. Wala kasing assignment eh.

Hindi ako mapakali. Natataranta ako. 

Tinanong kasi ni Paulo si Cheska, ang girl bestfriend ko kung may gusto ba siya sakin. Tas aaminin din ni Paulo ky Cheska na crush ko siya.

Balak ko din sanang ligawan siya kung sakaling gusto niya ako.

Sana naman maging success yung plano ni Paulo na maging kami.  

Kinakabahan ako. Baka mali yung hinala ko na gusto rin niya ako.

Pabalik balik akong naglalakad sa classroom namin.

"Alam mo, kahit hindi kita nakikita, nalilito ako sayo ng dahil sa pabalik balik na lakad mo jan. Hindi ba napupodpod yang sapatos mo diyan?" sabi uli ni Alex habang busy parin sa pangongopya.

Napaupo ako sa katabing upuan niya.

"Kinakabahan talaga ako eh. Baka... Mali yung hinala ko." sabi ko.

"Sus. Nega mo brad! Gusto ka nun! Obvious naman eh." sabi niya.

"Hay. Ewan ko." sabi ko at yumuko.

Bigla na lng nagring yung bell kaya flag ceremony na.

"FCK!!! Sht!!!" mura ko. Palabas na sana ako ng classroom pero nagkasalubong kami nina Cheska.

Ngumiti siya sakin at tinap ako sa balikat.

Napatingin ako ky Paulo at ngumiti ng tipid.

Syett. Kinakabahan ako sa ibabalita mamaya ni Paulo.

After ng flag ceremony, kinwento sakin ni Paulo yung nangyari.

"Tinanong ko muna siya kung may gusto siya sayo. Sabi niya wala daw. Binibigyan daw natin ng meaning yung ginagawa niya sayo. Sinabi ko din sa kanya na hindi si Jam ang totoong Kuji. Nagulat naman siya at inamin kong siya si Kuji na crush mo. Tas sabi niya magbestfriends pa naman daw kayo." sabi ni Paulo.

Napatulala ako sa narinig ko.

Mali nga ang hinala ko...

Ang assuming ko kasi eh. Punyeta lng.

Na bestfriendzoned pa ako. Napasapo ako sa noo ko.

Ang sakit.. 

"Tangina. Puta lng. Hindi pa nga ako nanliligaw, basted na agad." sabi ko.

Hinaplos haplos pa nina Alex at Paulo yung likod ko.

"Ayaw mo ba nun, brad? Yung matagal mo ng gusto na maging close kayo ni Pearl, na ky Cheska na." Paulo.

"Pau, Iba si Cheska at iba din si Pearl. Oo, crush ko lng naman si Cheska at mahal ko si Pearl. Pero wala din akong magagawa dahil may iba na si Pearl kaya si Cheska na lng." sabi ko.

Napatingin kaming tatlo ng dumaan sa harapan namin sina Pearl.

Napaiwas na lng ako ng tingin.

"Wala na talagang pag-asa kahit sa kanilang dalawa." sabi ko.

Kino-comfort pa rin ako nina Paulo at Alex tsaka kami umakyat papuntang clasroom namin.

Pagkapasok ko ng classroom, napatingin sakin si Cheska at agad naman akong umiwas ng tingin.

KathNiel One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon