Chapter 6

7 1 1
                                    



"Alam mo bang noon pa lang mahal na kita?" nakangiti nyang sabi.

 Pero ano raw? Mahal nya ako noon palang. Mahal din ako ng bestfriend ko? Ano raw?

Hindi man lang ako nakareact. 

"Hindi lang ako nakapagsalita nun e. Kasi nagulat ako. Na mahal din pala ako ng bestfriend ko."

 pinisil nya ang dalawa kong kamay.

"Totoo ba yan? Mahal mo rin ako? Walang halong biro?"

 pagtatanong ko sa kanya. Tumango sya at sabing 

"Oo Ara. Mahal na mahal." 

Sa sobrang gulat ko ay niyakap ko sya at napaiyak. 

Eto na siguro ang tinatawag nilang 'luha ng kaligayahan'.

Niyakap nya rin ako ng mahigpit na mahigpit.

Isa ito sa mga pinakamasayang araw ko.

Inantay muna naming lumubog ang araw at umuwi na. Gusto kasi naming sabihin kay inay at itay e.

***

"Basta alam nyo ang limitasyon nyo, wag kayong padalos-dalos sa lahat ng bagay dahil alam nyong mga bata pa kayo."

Tumango lang kaming tumango ni Ryan.

 "Basta kung may problema kayo, andito lang kami ha? Ara? Ryan?"

 "Opo" sagot ko at ni Ryan. 

"Oh sge ha? Babalik kami sa kapehan.Kayo talaga oh! May nararamdaman na pala sa isat-isa naglilihiman pa. Sge. Alis na kami." 

Pagkaalis nila itay ay bigla kong niyakap si Ryan at hinalikan sya sa labi na ikinagulat namin pareho. Alam kong mga bata pa kami pero masarap pala sa pakiramdam. Napapikit ako. Hinawakan ako ni Ryan sa bewang ko at

 *boogsh*

Agad akong Napalayo sa kanya para tingnan kung san galing ang basag.

 Nakita kong may pusa sa mesa at ang basag na baso sa sahig.

Ng hawakan ako ni Ryan ay agad akong namula. Nakakahiya kase e. 

"Wag ka ng mahiya. Haha. Ang kyut mo talaga." 

Pinisil nya pa pisngi ko at inakbayan.

 "Eto na ang pinakamasayang araw ko Ara."

"Ako rin."

***
Magmula nang araw na yun, palagi kaming magkasama. Walang inaksayang oras. Laging inaabangan ang pagsikat o paglubog man ni haring araw. Masaya kaming pareho sa lahat ng nangyayari.

[2 taon ang lumipas]

Pagkagraduate namin ng highschool, pumunta kami agad sa gulod.
Nakakalungkot lang isipin na may mga araw na lantang-lanta si Ryan ~_~ nasasaktan ako pag nakikita ko syang ganun.

 Pilit nyang pumupunta samin para makasama lang ako, kahit ayokong nakikita ko syang ganun. Halatang puyat, gulong-gulo ang buhok, at may mga pasa pa sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan. Pero kahit ganun hindi nya ako iniwan, hindi sya nawalan ng oras sakin.

 Kasalukuyang nasa gulod kami ngayon. Magkayakap :))

Dinig na dinig ko ang lakas ng pagtibok ng puso nya. Dinig nya rin kaya ang malakas na pagtibok ng puso ko?

"Ara?"
"Hmmm?" 

"Pano kung magbago ang isip mo at mali ang desisyon mong mahalin ako?"

Childhood Sweetheart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon