Pinasok ako ni Inay sa paaralan dun. Kung saan nag-aaral si Ryan. Alam mo ba yung pagkakaiba namin? Matalino sya. Minsan nga este madalas sa kanya ako nagpapaturo eh haha. Isang araw, Pumasok sya sa na puro pasa ang katawan. Napailing na lang ako.
"Nanay mo noh?"
nilapag ko ang bag ko sa lamesa at nilabas ko ang baon ko. Inabot ko sa kanya.
"Kain ka muna. Halatang di kapa kumakain e."
Hindi nya tinanggihan ang alok ko dahil sa alam nyang magagalit ako. Kaya ganun si Ryan dahil sa nanay nya. Nanay nya mismo ang nananakit sa kanya. Bakit? Wala na kasi sa katinuan. squint emoticon
Naaawa ako sa kanya kasi pag inaatake ang nanay nya, sya mismo ang pinagbubuntunan ng sapak, suntok at kung anu ano pang masasakit. Masyado raw kasi nadepress ang nanay nya mula nung makunan sila. Ang bunso sanang kapatid ni Ryan. Mula noon which is 5 years old pa lang si Ryan eh, parang nawalan na rin sya ng ina. Hindi katulad noon na sigaw-sigaw lang ang ginagawa ng kanyang ina pero ngayon pati sya sinasaktan. Pati mga gamit nila binabasag.
Wala naman ang tatay nya para awatin ang kanyang ina dahil sa nagtatrabaho ito sa bukid na pagmamay-ari ng Mayor dun.
"Kamusta ang nanay mo?" tanong ko sa kanya nung pumunta kami sa gulod. Pansin kong nangayayat din sya.
"Ayun! Kayhirap patahanin. Haha" natawa sya pero alam kong malungkot sya. Niyakap ko na lang sya at dun nya nilabas lahat ng sakit na nararamdaman nya.
Ilang buwan na lang e magtatapos na kami sa elementarya. Pero hindi ko alam kung makakapagtapos ako. Kaya pumunta sa eskwelahan si Inay para pakiusapan ang aking guro. Napagalitan pa ako nun kasi bakit daw hndi ako nag-aral ng mabuti. Mabuti na lang at pumayag ang guro na magtapos ako. Kapalit nun ay ang serbisyo ni inay. Maglilinis sila ng dalawang linggo sa paaralan.
Pumunta ako sa bahay nila Ryan para sabihin ang magandang balita. Buti na lang at naabutan ko sya sa labas. Sguro tulog ang nanay nya. Masaya nya kong pinagbuksan ng kanilang tarangkahan."Ryan! Magtatapos ako! Waaaa!" tinanong nya ko kung paano ko daw nagawa yun.
Kinwento ko naman sa kanya lahat.
"Buti kapa makakapunta! Wala pa kasing sahod si itay kaya di ako makakaattend." malungkot nyang wika noon. Hindi sya pwedeng mawala, valedictorian pa naman sya.
"Huh? Hindi ka pwedeng mawala dun. Inaasahan ka ng lahat."
"Anong magagawa ko kung wala akong maipambayad? Hirap na hirap din kami dito sa bahay."
Nahawa ako sa kalungkutan ng kaibigan ko. Gusto ko syang tulungan pero wala akong magawa.