Masyado akong nakafocus sa kung anong nararamdaman ko kaya hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi nya. Minsan tumatango lang ako."Ara ano ba! Hindi ka naman nakikinig sakin e."
Pagmamaktol nya na parang bata. Napatingin ako sa kanya.
"O yan. Tulala ka naman! May problema ba?"
Masyado akong naguguluhan kaya hindi ako nakasagot. Hinatid lang nya ko sa bahay na walang nagsasalita samin. Bakit wala man lang lumalabas sa bibig ko? Maski nga nung umuwi sya hindi ko man lang nasabi yung mga salitang
"Paalam. Ingat ka!"
Pagkapasok ko sa bahay agad akong tumungo sa kwarto at nahiga sa kama at sumigaw ng sumigaw sa unan na tinalukbong ko sa mukha ko..
"HOY ARA ANO BANG NANGYAYARI SAYO?"
Paulit-ulit na tanong...
Na nakuha ko ang sagot kinaumagahan.
Alam ko na kung bakit.***
"Hoy Ara! Ang aga natin ngayon ah? Asan si Johnny? Di mo yata kasabay?"Tanong ni Joana ng naglalakad ako papunta sa kwarto.
"Ah e kasi para naman makatulong ako sa paglilinis sa inyo diba? Tyaka si Johnny? Andun pa sa kanila."
Mukha namang nakuntento na sya sa sagot ko kaya hindi na sya nagtanong pa.
***
Twing umaga ganun ang ginagawa ko. Mauuna nakong papasok, hindi ko na sya iniintay.
Halata namang iniiwasan ko sya dba? Pag pumupunta sya sa kwarto namin, tatago na agad ako. Kapag uwian na, hindi ko na rin sya inaantay. Magtatago ako sa mga kumpol kumpol na studyante para makaalis ako ng hindi nya nakikita. Apat na araw, na ganun ang nangyayari. Katulad ngayon, handa nakong umalis ng biglang humarang si Joana at Mia sa pintuan.
"Ba't ba lagi ka na lang nagmamadali?"
"Ha? Ah e kasi tumutulong ako sa kapehan nila itay."
nakakunot ang noo nila sa sagot ko. May mali ba? Halata bang nagsisinungaling ako?
"Halika." ginuyod nila ako.
"Tara dali!"
"Lagi ko silang nakikitang magkasama."
Nakatingin sya sa grupo ng mga estudyante sa tapat ng kwarto na masayang nagtatawanan.
"Nakakapagtaka nga kasi hindi ikaw yung kasama nya e." sabi naman ni Mia.
Nakita ko si Ryan kasama si Krissel. Si Krissel, kaklase nya na nababalitaan kong may gusto kay Ryan.
"Hayaan nyo na sila, masaya sila eh."
Tumalikod nako para balikan ang iba ko pang mga gamit.
"ARA!" tawag sakin ni Ryan. Nakangiti naman ang dalawa kong kaklase.
"Sge. Una na kami ha?"
Nauna na silang umalis at naiwan akong hindi man lang makagalaw.
"Salamat at naabutan kita. Tara? Sabay na tayo."
Inakbayan nya'ko papunta sa loob para makuha ko pa ang ilan sa mga naiwan kong gamit.
"Sige mauna nako. Dun ka na lang kay Krissel!"
dun ka sa matalino, balingkinitan ang katawan, at maganda pa. Walang wala ako sa kanya.
Mas bagay kayo Ryan.