Chapter 3

6 2 0
                                    

Araw ng graduation noon ng may tumawag sa pangalan ko.  

Laking gulat ko ng makita ko si Ryan kasama ng tatay nya. Bago magsimula ang martsa e nagkwentuhan muna kami. Sinabi nya sakin na pinautang siya ng guro namin kaya sya nakabayad. Pero pagtatrabahuhin niya daw yun sa loob ng dalawang buwan. 

Pinangako nya sakin na kahit may gawain man sya e, masasamahan nya parin ako sa pagpunta sa gulod.

"Ryan punta kayo sa bahay." sabi ko sa kanila ng tatay nya.

 "Oo nga kumpadre. May maliit na salu-salo sa bahay." ang sabi naman ni inay. 

"Naku Ara, Aling Nena mag-uumpisa na kasi ako mamaya sa trabaho ko e."

Yun lang at wala na syang sinabi. Hindi ko na sya pinilit. Alam ko naman kasing kahit anong pilit ko e hindi sya mapipigilan sa gusto nya.

"Sge. Una na po kami." nauna na kami sa kanila. Inaamin ko nagtampo ako sa kanya nun dahilan para hindi ko siya puntahan sa kanila.

Hindi rin ako nakapagtiis e pinuntahan ko sya sa bahay ng aming guro. Naabutan ko syang nagpupunas ng mga mamahaling gamit habang nagbabasa ng isang makapal na libro.

 "Ryan!" natigil sya sa kanyang ginagawa at napatingin sakin. Nagpunas sya ng pawis.

 "Oh Ara! Anong ginagawa mo dito?" Malamang pinuntahan kita! Ngumiti lang ako sa kanya at tinawag ko sya sa labas. 

"Kamusta ang trabaho mo dito? Tyaka ano yang librong hawak mo?" tinuro ko yung librong hawak nya. 

"Okay lang naman dito tas itong libro bigay ni Teacher Amy to. Kelangan daw to para sa highschool para makapaghanda na ako. Gusto mo basahin mo?" umiling lang ako.

 "Asa ka pang babasahin ko yan! Hahaha" hindi din ako nagtagal dun at dumiretso ako sa kapehan nila itay.  


Childhood Sweetheart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon