Last Chapter

3 0 0
                                    


Bumalik ako sa lugar namin para kamustahin sya. Gusto kong ayusin lahat bago ako magpakasal. Gusto kong kausapin ang taong minsan ay naging parte ng buhay ko. Kung okay lang ba sya matapos ko syang iwan after 10 years. Kung may asawa na ba sya at mga anak. Kung maayos ang kalagayan nya.

Pero parang biglang gumuho ang mundo ko ng malaman ko ang totoo.

***
Nakamasid ako sa isang taong nakaupo sa may damuhan sa gulod na to.
Pagdating ko galing Maynila, dumiretso ako agad sa bahay nila pero diko sya nadatnan dun, tanging ang ama nya lang at sinamahan nila ako dito.

"Yun sya."
Ang sabi ng tatay nya. Napatango na lang ako at agad na nagtungo at tumabi sa kanya. Pansin ko rin na may isang maliit na kubo malapit sa kinaroroonan namin.
Medyo dumistansya ako ng onti dahil sa masangsang nyang amoy.

"Ryan?"
Napatingin naman sya sakin na parang nagtataka. Halos maluha ako ng tanungin nya ako.

 "Sino ka?"

Napangiti sya. Napatakip na lang ako sa bibig ko at tuluyang napaluha.
Eto na ba si Ryan? Hindi ako makapaniwala!

Eto ba ang nangyari sa kanya after 10 years? Napakarumi nya! Ang kanyang buhok, halos abot na sa pwetan na parang alambre sa katigasan. Mahaba na rin ang kanyang bigote at balbas. Ang damit nya, isang bestida.

 "Ba't ka umiiyak?"

Tanong nya ulit na parang bata.

"May inaantay ka ba dito katulad ko?"

Tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko.
Si Ryan nasiraan ng bait, nawala sa katinuan.

Tumayo ako at nagtungo sa kinaroroonan ng tatay nya.
Napansin nya atang kelangan ko ng kasagutan kaya bigla silang nagsalita.

"Alam mo bang galit ako sa'yo noon?"
Napakunot ako ng noo.

"Galit ako dahil sa pang-iiwan mo sa kanya. Pero wag kang mag-alala, hindi na ngaun. Tanggap ko na ang ganyang kalagayan ni Ryan. Matapos mo syang iwan, halos hindi sya kumakain, hindi lumalabas, madalas umiiyak. Masyado syang nagdamdam ng mga panahong yun. Sumunod namang namatay ang nanay nya na labis nya ring dinamdam. Nag-alala ako ng lubos sa kanya. Matapos ang isang linggo, dun na sya sa gulod namalagi. Dun na sya natutulog kaya ginawaan ko na sya ng tirahan nya dun." 

Napahagulgol ako sa mga narinig ko. Isa pala ako sa dahilan kung bakit sya nagkaganun.

"Lagi ka nyang binabanggit. Sa loob ng sampung taon, ikaw ang hinahanap nya, ikaw ang inaantay nya."
Matapos nilang sabihin sakin ang lahat ay nagpunta ulit ako sa gulod. Nagdala narin ako ng blanket para dun ay matulog.
Nadatnan ko syang nanonood sa papalubog na araw.
Napatingin ako sa kanya kasi nakatingin sya sakin na nakangiti.

 "Dito ka matu...tulog? May ina...antay karin ba? Bat ka ...nga pala umiiyak kanina?"

Hinay-hinay nyang pagsasalita. Napansin kong nasa wrist nya parin ang gomang binigay ko bago ako umalis sa lugar na'to 10 years ago.
Napangiti ako dahil dun.

"Hindi mo ba ko kilala? Ako si Ara."
Napailing sya.
"Wow! Kapa...ngalan mo ang babaeng ina...antay ko ng pagkatagal-...tagal."
"Ako yun."
Sabi ko dahilan para mawala ang ngiti sa labi nya. 

"Hindi ikaw yun! Si Ara, hindi na babalik pero kahit ganun inaantay ko parin sya dito. Ganun ko sya kamahal. Ikaw? Sino ba ang inaantay mo?"

  Inaantay nya kahit alam nyang dina babalik? Ganun nya ko kamahal?
Napaluha ulit ako dahilan para lapitan nya ako.

"Bat ka ulit umi...iyak? Hindi kana ba ba..ba..likan ng taong ma...hal mo?"

"Bumalik nga ako para sa kanya e. Pero hindi ko alam na ganito pala ang dadatnan ko. Ako pa ang dahilan kung bat sya nagkakaganito."

"Ay! Sigu..radong mahal na ma..hal ka nun."

"Oo, mahal na mahal nya parin ako. Sana, hindi ko sya iniwan nun. Sana, kami pa hanggang ngaun. Masaya! Pero hindi e. Sadyang mapaglaro ang tadhana. Hindi mo ba talaga ako naaalala?"

"Hindi ta..laga."
Napatingin ulit sya sa araw.

"Wag ka nang umi...yak. Pa...rehas lang ta...yong nawa..lan ng taong mina...mahal."
Mukang malabo na atang bumalik sya sa katinuan. 

"Hindi sya duma..ting. Bu..kas. Aan..tayin ko ulit sya... bu..kas."

Kung alam mo lang Ryan na nagbalik na'ko.
Pero kahit na nasa katinuan ka, hindi pwedeng mahalin kita ulit dahil malapit nakong magpatali. Sayang! Sayang at hindi ikaw ang taong yun!
Sayang.

Umiyak lang ako magdamag.

   Pagkagising ko, nakatulala sya sa kawalan. Ganito ba ang naging buhay nya for 10 years?


"Goodmorning."
Bati ko sa kanya na sinuklian nya ng ngiti.
Wala rin naman pala akong mapapala dito kaya aalis na ako bukas. Hindi ko naman sya makausap ng matino.
"Aalis nako bukas."
"Aalis? Wala nakong makakasama sa pag-iintay dito?"

"Ryan, sanay lagi kang mag-iingat. Mahal na mahal kita."
Kahit ganu sya kabaho, niyakap ko pa rin sya. Niyakap nya rin ako.
"Napakaswerte ng taong mahal mo."
Sabi nya.
"Oo. At sayang dahil hindi ikaw yun."
Naguluhan ata sya.
"Wag mo na syang antayin, hndi na sya babalik."
"Nakikita mo'to?"

Pinakita nya sakin ang goma.
"Hanggat di ito napuputol, babalikan nya'ko."
Napatango ako.
"Nagbalik nga ako pero hindi mo alam na ako to."

"Ik..aw tala..ga. Nilo...loko mo ko e."

May luhang dumaloy sa mukha nya dahilan para maluha na rin ako.

             Nagmamahal Ara 

***

Tiniklop ko na ang notebook. Ang saklap pala ng buhay pag-ibig ko noon.. 


"Ma! Anjan na si papa! Tara na po.."

Si Reinella, ang aking anghel.. 


Sa ngayon ay masaya na ako sa aking pamilya kasama ng isa naming anak .. Namatay si Ryan matapos ang ilang taon na binisita ko sya roon. Tama nga sya kasi hanggang sa pagkamatay nya ay inaantay nya parin ako.. 


Maraming salamat sa pagbabasa..                                               --Maye Anne

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Childhood Sweetheart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon