Chapter 8

3 0 0
                                    


 Pinuntahan namin ang lahat ng pinupuntahan namin dati. Magkahawak ang kamay. Sayang ang mga naaksyang araw.  

  Sayang ang mga panahong dapat ay nakasama ko sya.Sayang! kasi sa pag-alis ko, hindi kumpleto ang mga araw na baon ko papunta sa Maynila. Umuwi kami ng mga alas sais.

"Pwede bang magkita ulit tayo mamayang alas kwatro ng umaga bago ka umalis?"

tanong nya. Dama ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

 "Kahit ngayon na e. Wag na taung umuwi. Haha" biro ko. 

"HAHAHA Kung pwede nga lang e."

 mamimiss ko ang tawa nya. Mamimiss ko ang lahat sa kanya. Ang lahat-lahat! Hindi ko pa alam kung makakabalik pa'ko dito. Nakakalungkot lang. Parang ayokong umalis.


Ayokong iwan ang lahat dito, lalo na si Ryan.

"Mahal na mahal kita Ara. Hinding-hindi ako magsasawang sabihin ang mga salitang yan sayo." 


"Mahal na mahal din kita at hindi ako magsasawang marinig ang mga salitang yan sayo."

***
4:30 am na. Maaabutan ko pa kaya sya dun? Baka naman wala na sya.
Pagkadating ko, andun lang syang naupo at biglang napatingin sakin.

"Akala ko hindi ka na darating."

"Ah inayos ko kasi mga gamit ko."

Ang totoo kasi nyan, hindi talaga ako   nakatulog dahil sa naguguluhan ako. Paikot-ikot lang ako sa higaan dahil inaalala ko ang lahat.

AALIS NA TALAGA AKO! T___T

"Eto ang huling araw na kasama kita sa panonood sa araw." ang sabi nya.

"Alam ko. At pangako na pagbalik na pagbalik ko dito, ikaw ulit ang makakasama ko." nakangiti kong sabi.

"Alam mo bang nung mga nakaraang araw, lagi kitang hinihntay dito? Anjan lang ako sa gilid-gilid. Hindi kita iniwan sa pagmamasid sa araw. Hindi ako nakalimot sa pangako ko na kahit anung mangyari, basta may araw, pagmamasdan natin ito sa paglubog at pagsikat."

Kaya pala nung mga oras na yun, may mga kaluskos akong naririnig. Hindi ko lang pinapansin baka mga elemento lang yung mga yun dito sa gulod.

"Basta ipangako mo sa akin, wag mung pababayaan ang lugar na ito."

Naluluhang sabi ko. Nakita kong may mga luhang pumatak sa mukha nya. Pinunasan ko ang mga luha sa mukha nya.

"Babalik naman ako. Mag-aaral lang ako dun. At pag nakahanap nako ng trabaho, pwede na tayo habambuhay. Pangako mo magsisikap ka rin ha?"

Umiiyak kong sabi pagkahawak ko sa mukha nya. Hinawakan naman nya ang kamay ko.

"Pasensya na kasi ganto lang ako. Pero magsisikap pa ako lalo para sating dalawa. Magiging matatag ako para sa atin."

Niyakap ko sya ng pagkahigpit-higpit. Dahil matagal ulit bago ko sya mayayakap.

"Mamimiss kita ng sobra"

"Mas mamimiss kita Ara."

Pinanood lang namin ang araw sa pagsikat nito.
Tumayo nako at tinanggal ko ang gomang nakatali sa buhok ko. .

"Hangga't hindi napuputol ang gomang to, babalik at babalik ako dito. Babalik ako sayo Ryan. Basta maghihintay ka ah? Babalik ako hangga't may naghihintay sakin."

Childhood Sweetheart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon