Chapter 4

4 1 0
                                    


  Natapos ang dalawang buwan na halos hindi ko nakasama ang kaibigan ko pero ngayon kasama ko na sya papasok ng paaralan. 

Syempre kinakabahan ako, unang araw ng pasukan kasi. 

"Kinakabahan ka ba?"

 Tanong ko kay Ryan na nasa tabi ko. Ako kasi kinakabahan e. 

"Hindi. Nakapagready na kasi ako. Binasa ko kasi yung binigay sakin ni Ma'am. Eh ikaw kinakabahan ka noh?" mapang-asar nyang tanong. 

"Syempre oo. Sino ba namang hindi kakabahan lalo't ako ang tinatanong? Isang babaeng walang alam." 

turo ko pa sa sarili ko. 

"Wag ka namang ganyan sa sarili mo." 

seryoso nyang sabi. Haha. Nagbibiro lang naman ako e.

"Pero sana hindi tayo magkahiwalay. Sana kaklase parin kita. Kasi kung hindi, wala ng tutulong sakin. Wala nakong pangongopyahan. Magiging kawawa ako!"

 mangiyak-ngiyak kong sabi. 

"Ang dami mong drama. Halika na nga. Ikaw talaga!" 

ginuyod na lang nyako patungo sa paaralan namin.

 At tulad nga ng inaasahan kong mangyari, nangyari. Nasa star section sya samantalang ako, nasa pinakadulo, lowest section. Kaya Pati classroom ko, nasa pinakahulihan din. 

Dahil lahat ng andun, ay nangangailan ng kalinga. Dapat pagtuunan ng pansin kumbaga. Kasalukuyang recess ay lumabas ako para hanapin si Ryan. Sakto naman ay kalalabas nya lang.  

  "RYAN!"

 Napatingin sya sakin at kumaway. Tumakbo ako sa kinaroroonan nya.

 "Ryan! T^T" 

Mangiyak-ngiyak kong tawag pagkalapit ko sa kanya. 

"Oh! Ano ka ba naman Ara! Miss mo na ko noh?"

 tumango ako. Ginuyod naman nya ako at niyakap.

 "Lika nga dito."

"Ilang oras lang tayong hindi nagkita pero ganyan kana makareact! Kahit hindi tayo magkaklase, pramis ko sayo palagi parin tayong magsasama. Basta simula bukas, ibaunan mo na din ako ha? Hahaha. Sabay tayong kakain sa gulod. Oh sya tara na. Recess na tayo."


[A/N: Gulod. Sounds creepy right? Eh kasi sa probinsya po sila. Basta alam nyo na yun. Haha]

Kagaya nga ng pinangako nya, lagi naming ginagawa yun.

 Ang ayoko lang ang nakikita ko ngayon kung san second year na kami. Tinutukso nila ko. 

Kinukutya. ~_~ kung bakit daw sumasama pa sa akin si Ryan eh iba yung level nya sakin. Sya matalino, ako bobo! Lagi na lang ganun ang naririnig ko at kung minsan pag kasama ko si Ryan ay sasabihin nilang : 

"Ano ka ba Ryan? Kasama mo parin ang babaeng yan? Baka mahawa ka sa kanya. Lumayo ka!"

 aalis at biglang tatawa. Hindi nagpapaapekto si Ryan kaya dapat hindi rin ako magpaapekto. Kahit na ako yung nasasabihan ng masasakit. 

"Wag mo na silang pansinin. Wala lang silang magawa sa buhay."

 Pero isang araw, napuno nako dahil sa panunukso nila kaya bigla na lang akong tumakbo at pumunta sa kung saang parte ng paaralan. Dun ko iniyak lahat-lahat.

Childhood Sweetheart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon