Chapter 1

45.9K 571 43
                                    

ZEPHRINE'S POV:

Naramdaman ko na lang na nag-iinit ang sulok ng mga mata ko hanggang sa bigla na lang nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko nang maalala ko kung anong date na ngayon.

August 25, 2013

Ngayong araw dapat ang first year anniversary naming dalawa ni Lurch, ex-boyfriend ko. Hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya. Kahit na anong gawin ko, kahit na ilang beses kong subukan na kalimutan siya, hindi ko talaga magawa. Sabihin niyo ng tanga ako, pero anong magagawa ko? Wala naman akong ibang ginawa kundi ang mahalin siya. Pero sa kabila ng pagmamahal ko sa kanya, hinding-hindi na ako babalik sa piling niya. Hindi ko na kayang magtiwala pa ulit sa kanya.

Mahal ko siya pero hindi ko alam kung kaya ko alam kung kaya ko pang magtiwala.

Ilang buwan na ang nakalipas simula nang magkahiwalay kaming dalawa ni Lurch, pero hindi ko pa rin siya makalimutan, hinding-hindi siya maalis sa isipan ko.

"Sige. Goodbye, Charles! Kita-kita na lang tayo mamaya sa party." Paalam ko sa kaibigan ko at ngumiti lang siya sa akin. Nagulat na lang ako nang biglang dumating si Lurch na galit na galit.

"Sino yung lalaking yon?!"

"Si Charles, kaibigan ko. Classmate ko din nung college."

"Ang landi-landi mo! Umalis lang ako saglit, nakipagkita ka na sa lalaki mo?! Nagawa mo na kaagad makipaglandian sa iba habang wala ako?!" Sigaw niya sa akin. Natatakot ako sa naging reaksyon niya, namumula na ang buong muka niya sa sobrang galit.

"Ano ka ba naman, Lurch?! Kaibigan ko si Charles. Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi ako nakikipaglandian dito. Alam mong hindi ko magagawang lokohin ka! Kaya please lang, ayoko ng away." Hindi ko na rin napigilan ang sarili kong magtaas ng boses. Tinalikuran ko na siya at akmang maglalakad palayo nang bigla niya ang hinila sa braso para humarap sa kanya at sinampal ako ng malakas.

Lalong nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko nang maalala ko ang pangyayaring yun. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at tumayo na sa kama ko. Hindi ko na dapat iniisip yon! Walang mangyayari sa akin kung patuloy akong magmumukmok sa nakaraan. Nag-ayos na ako ng sarili ko at nanuod na lang ng tv. Bumungad naman sa akin ang interview ng Unsigned Band. Literal na napanganga ako nang makita ko si Lurch. 

Pinagmamasdan ko siya habang nakangiti at sumasagot sa mga katanungan sa kanila. Wala pa rin siyang pinagbabago sa pisikal na anyo. Gwapo pa rin siya. Natigil lang ang paghanga ko sa kanya nang marinig kong babalik sila dito sa Pilipinas.

"Hahanapin niya ako." Bulong ko sa sarili ko na nagpakaba sa akin. 

Agad kong pinatay ang tv at nagpalakad-lakad sa sala. Natatakot ako sa maaaring mangyari kung sakaling magtagpo na naman kami. Kailangan kong gumawa ng paraan kung papaano ako makakatakas sa kanya ngayon babalik na pala siya dito. Tumakbo kaagad ako paakyat sa kwarto ko at kinuha ang susi ng sasakyan ko.

*

"Just cut it short." Nakangiting alanganin ako sa babae. Umalis kaagad ako sa salon pagkatapos nila akong ayusan. Dumiretso ako sa Mac store para bumili ng kung anu-anong kolorete. Alam ni Lurch na hinding-hindi ako naglalagay ng kung anu-ano sa mukha pero kung eto lang ang isa sa mga paraan para hindi niya ako makilala, gagawin ko.

Madilim na nang makauwi ako sa tinutuluyan ko. Namili ako ng mga makeup, damit, accessories, sapatos at kung anu-ano pang kakailanganin ko. Mabuti na lang at may naitabi akong pera.

Alam kong mahahanap at mahahanap ako ni Lurch pero sa tingin ko naman, mahihirapan siya sa balak niya gayong matagal na rin naman simula nang magkita kaming dalawa at gayong babaguhin ko pa ang ayos ko.

Pagod na pagod na ako sa pang-aabuso sa akin ni Lurch. Hindi ko na kaya! Sobrang tanga ko para manatili pa dito sa tabi niya matapos ang lahat ng ginagawa niya sa akin. Kailangan ko nang umalis dito kaya dali-dali akong lumapit sa closet namin at nilagay lahat ng gamit ko sa bag. 

Sana hindi pa siya makabalik kaagad.

"At saan mo naman balak pumunta, Zephrine? Iiwan mo na ako?!" Bulalas ni Lurch pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto namin.

"Oo, Lurch! Iiwan na kita. I'm fvcking leaving you! Sawang-sawa na ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko na maatim na manatili pa sa tabi mo. Pagod na ko!" Sigaw ko sa kanya. Bigla niya na lang hinila ang buhok ko at pinaharap sa kanya.

"I won't let you, Zephrine. You know that! Dito ka lang sa tabi ko at wala kang pupuntahang iba. Hindi ka aalis! Hindi mo ako iiwan. Dito ka lang!"

"A-ano bang nangyayari sayo, L-lurch? Hindi na ikaw yung Lurch na nakilala at minahal ko! Nagbago ka na. Wala na yung dating Lurch!" Lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa buhok ko dahil ayaw na ayaw niyang pinagsasabihan siya.

Itinulak niya ako dahilan para mapaupo ako sa kama. Lumapit siya sa akin at pinagsasampal ako.

"Ako pa rin si Lurch at walang nagbago! Naiintindihan mo?" Sigaw niya. Hindi ko na nakayanan ang mga pananakit niya at naramdaman ko na lang na nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Natigilan siya sa pananakit niya at tumayo ng maayos. "Ayusin mo yang mga gamit mo. Hindi ka aalis dito sa bahay na to!" Tumalikod na siya at lumabas ng kwarto. Umiyak na lang ako ng umiyak. Ayoko na. Hindi ko na kayang manatili sa impyernong to.

Ayaw na ayaw ko na balikan ang mga pangyayaring yan. Ayoko na isipin pang muli ang nakaraan. Nakatakas ako sa kanya noon pero hindi ko alam kung magagawa ko ulit na makatakas sa kanya sa susunod.

-------------------------------------------

Kidnapped By My Ex-Boyfriend ©2013 All Rights Reserved

Story started in September 1, 2013 

Kung may maguguluhan man, FLASHBACK po yung mga naka-italic. Okies? 

fckyeahrhen xx

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now