ALEXA'S POV:
Napangisi na lang ako nang matapos ang pag-uusapan naming dalawa ni Matthew sa cellphone. Ngayon ko na balak gawin ang lahat ng plano ko sa mag-inang hampaslupang ito. Wala na akong balak na patagalin pa ang pananatili nila sa puder ko dahil baka hindi ako makapagpigil at ako mismo ang maghatid sa kanila sa impyerno. Wala rin naman akong mapapala sa dalawang ito. Hindi naman mapupunta sa akin si Lurch kaya’t ibibigay ko na lang sila kay Matthew.
Puro sakit ng ulo lang ang natatanggap ko sa kanila. Tss!
Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang makarinig akong may kumakatok kaya naman pinagbuksan ko ito at bumungad sa akin si Zephrine na alanganing nakangiti sa akin at bihis na bihis.
Pinapasok ko siya sa loob ng kwarto ko at naupo na ako sa harap ng salain para makapag-ayos ng sarili.
“Uhm, Alexa.” Napatigil ako sa ginagawa ko at ibinaling ang atensyon sa kanya. Pinipisil-pisil niya ang mga daliri niya na para bang batang tinawag sa recitation at kinakabahan. Tinaasan ko siya ng kilay kaya naman bumuntong-hininga siya at nagsalita ulit. “S-sorry sa abala pero saan ba tayo pupunta nila Ayesha?” Tanong ni Zephrine sa akin kaya ngumiti lang ako sa kanya at naglagay na ng red lipstick sa labi ko.
“It’s a surprise, Zephrine. Wag mo na masyadong isipin yun. One thing is for sure, matutuwa kayo ni Ayesha sa pupuntahan natin mamaya. You know, palagi kayong nakakulong ditto sa loob ng condo. Gusto ko namang makalanghap kayo ng sariwang hangin.” Nakangising sabi ko sa kanya.
Poor, Zephrine. Wala ka man lang kaalam-alam sa mga nangyayari at mangyayari sa inyo ng anak mo. Actually, it’s really a surprise. Masusurpresa sila mamaya dahil babalik na sila sa impyerno.
Napangiti na lang ako ng palihim.
“Zeph, just wait for me na lang sa labas. Doon sa living room. Magbibihis lang ako para makaalis na kaagad tayo. Medyo malayo din kasi yung pupuntahan natin.” Tumango naman siya sa akin at saka lumabas ng kwarto ko. Napailing na lang ako sa katangahan ni Zephrine. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan kaagad si Matthew. Sinabi ko sa kanya kung saan at kung anong oras kami magkikita mamaya.
At tulad nga ng sinabi ko, kung hindi lang din naman mapupunta sa akin si Lurch, mas maganda sigurong hindi na rin sila magkasama-sama, dib a? Hindi naman ako papayag na ako lang ang magiging miserable sa amin. We’re friends, right? At ang magkakaibigan, nagdadamayan.
LURCH'S POV:
Kung saan-saang lugar na ako napadpad para lang hanapin sila pero hanggang ngyon, hindi ko parin sila makita. Napasabunot ako sa buhok ko at napayuko na lang sa manibela. Mababaliw na ako kakaisip kung maayos lang ba ang kalagayan nilang dalawa o ano.
Diyos ko, sana naman walang mangyaring masama sa kanila. Pinagsisisihan ko na lahat ng nagawa ko sa kanya, kanila pero bakit hindi niyo pa rin kami hayaang magkasama at maging masaya ng pamilya ko? Kulang pa ba ang lahat?
Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng mga luha ko. Marahas kong pinunasan ang mga luha ko at pinaandar ulit ang sasakyan ko hanggang sa hindi ko na namalayan na napadpad ako sa isang parke.

YOU ARE READING
Kidnapped By My Ex-Boyfriend
RomanceI knew no matter if I changed my entire look, my name...everything. He'll still find me, and that's exactly what he did. I've been kidnapped by my ex-boyfriend. Kidnapped By My Ex-Boyfriend ©2013 All Rights Reserved