JETHRO'S POV:
Nakatulugan na ni Ayesha ang pag-iyak. Buong byahe namin, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang umiyak ng umiyak at hanapin ang nanay at tatay niya. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko sa kanya para lang tumigil sa pag-iyak. Hindi pa naman ako sanay na nag-aalaga ng mga bata. Kung hindi lang dahil kina Lurch at Zephrine, nako lang!
Kung ibang bata lang to, baka iniwan ko na to mag-isa sa daan. Tss!
"Oh Jeth! Saan mo napulot yang batang yan? Don't tell me nag-ampon ka ng bata dahil baog ka." Bungad sa akin ni Spade pagkarating na pagkarating ko sa bahay habang karga-karga si Ayesha. Siraulo talaga itong isang to! Sinong baog? Tss! Baka gusto niyang bigyan ko siya ng dose-dosenang pamangkin.
Tinignan ko lang siya ng masama at saka dinala si Ayesha sa kwarto ko para makapagpahinga na. Naupo ako sa gilid ng kama at hinaplos-haplos ang buhok niya. Nakakaawa din itong batang to, napakabata pa lang niya pero nararanasan niya na kaagad yung ganitong pagpapahirap.
Nang makatulog ulit siya, bumalik na ako kina Spade. Pagbalik ko sa sala ay sinalubong kaagad ako ng seryoso nilang mga itsura. Walang nagsasalita sa kanila kaya’t umiling-iling na lang ako at naupo sa tabi nila.
“Baka naman gusto mong i-explain sa amin ang tungkol dun sa batang iniuwi mo dito? May nabuntis ka ba? Sino yung malas na babaeng yun?” Pagbabasag ni Spade ng katahimikan.
“Siraulo! Anong klaseng tanong yan?! Grabe naman yang utak nyo! Anak nina Lurch at Zephrine yung batang yun.” Nanlaki ang mga mata nila at napaawang ang mga bibig nila sa mga narinig nila. “Dude, kailangan nila tayo ngayon. Nasa panganib sina Lurch ngayon. Kailangan na nating magmadali.”
“B-bakit? A-anong meron ba?”
“Hindi ko rin alam ang buong pangyayari pero one thing’s for sure, they’re in danger. Kailangan na nating kumilos. Tumawag na kayo ng mga pulis at pupuntahan na natin sila ngayon din.” Sigaw ko sa kanila kaya naman dali-dali silang kumilos. Ang lakas ng pagkabog ng puso ko. Sana lang walang mangyaring masama. Nilingon ko si Savanna na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nalaman niya. “Sav, you stay here. Bantayan mo si Ayesha, okay?” Sabi ko sa kanya kaya tumango-tango lang siya at agad-agad na kaming umalis.
ZEPHRINE’S POV:
Wala pa ring tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi ko akalain na kaya kong umiyak ng ganito. Hanggang kailan pa itong paghihirap naming? Nakakapagod na. Kailan ba matatapos ang lahat ng kaguluhang nararanasan namin ngayon? Wala ba kaming karapatan na sumaya?
Sinulyapan ko si Lurch at lalong nagunahan sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi ko maatim na tignan siyang nasa ganitong kalagayan. Nakapatong ang ulo niya sa kandungan ko. Duguan at hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Hikbi lang ako ng hikbi habang hinahapos-haplos ang pisngi niya at pinupunasan ang mga sugat na natamo niya kanina.
Naramdaman kong gumalaw niya at unti-unti niyang iminumulat ang mga mata niya. Dahan-dahan niyang inilibot ang paningin niya sa buong lugar na kinaroroonan naming bago pa man niya ako tignan. Napangiti na lang ako sa kanya at nag-init na naman ang gilid ng mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla ko na lang siyang niyakap.
YOU ARE READING
Kidnapped By My Ex-Boyfriend
Любовные романыI knew no matter if I changed my entire look, my name...everything. He'll still find me, and that's exactly what he did. I've been kidnapped by my ex-boyfriend. Kidnapped By My Ex-Boyfriend ©2013 All Rights Reserved