ZEPHRINE'S POV:
Abala ang lahat ng tao dito sa buong mansion dahil sa gaganaping masquerade party mamayang gabi. Taun-taon kasing nag-oorganize ang ganitong party sina Tita Val at Tito Danny. Hindi ko nga lubos akalain na napaka-engrande pala ng party na ito. Akala ko, para lang sa malalapit na kaibigan at kamag-anak lang ang dadalo yun naman pala pati ang mga business partners nila. Noong isang taon, hindi kami nakauwi ng Pilipinas at nakadalo sa party na ito dahil nagkaroon ng sakit si Ayesha kaya pinagpaliban na lang muna namin.
Nakaharap lang ako sa salamin at nag-aayos ng sarili nang biglang pumasok sina Matthew at Ayesha na parehong tawa ng tawa. Nako! Paniguradong may ginawa na namang kalokohan ang dalawang to.
"Mommy! Look, I look like a princess na ohhh. Daddy picked this dress for me." Masayang bungad sa akin ni Ayesha habang umiikot-ikot pa para ipakita ang damit niya sa akin.
"You don't look like a princess, baby...." Sabi ko habang nagpipigil ng ngiti dahil napasimangot siya sa sinabi ko. Pinalapit ko naman siya sakin at pinaupo sa kandungan ko. "You don't look like a princess 'cause you're a real princess."
Bigla namang umaliwalas ang mukha niya matapos kong sabihin yun kaya hindi ko na napigilan ang pagngiti ko.
"Really?" Tanong niya kaya tumango lang ako. Lumingon naman siya kay Matthew. "Daddy, am I a real princess?" Tanong niya na hindi makapaniwala.
"Yes baby. Mommy and daddy’s one and only princess.” Sagot naman ni Matthew kay Ayesha habang nakangiti.
"Yay! I love you so much, mommy!!!" Yumakap siya sakin at pinaulanan ako ng halik sa pisngi.
"How 'bout daddy?" Nakapout na sabi ni Matthew kay Ayesha kaya dali-daling tumakbo palapit sa kanya si Ayesha at niyakap at hinalik-halikan.
"Of course, I love you too daddy!" Napangiti na lang ako sa kanilang dalawa.
Nauna nang lumabas ng kwarto si Ayesha para sabihin sa lolo at lola niya ang tungkol sa pagiging prinsesa niya kaya napailing-iling na lang ako. Masaya ako at masaya ang anak ko. Naramdaman ko na lang ang mga braso ni Matthew na pumulupot sa bewang ko at saka ako hinalikan sa pisngi.
Agad akong napalayo ng kaunti sa kanya dahil sa biglaang pagyakap niya. Sumagi sa isipan ko si Lurch dahil mahilig siyang yumakap sa bewang ko.
"Hindi mo na kailangang mag-ayos, maganda ka na kaya." Mabuti na lang at hindi napansin ni Matthew ang pagkabigla ko sa ginawa niya kaya nginitian ko na lang siya. Sobrang nagpapasalamat ako sa panginoon at nakilala ko ang isang tulad ni Matthew. Itinuring niya talaga kaming dalawa ni Ayesha na parang tunay niyang pamilya.
Matapos kong mag-ayos, lumabas na kami ng kwarto at dumiretso sa garden kung saan gaganapin ang party. Napaawang ang bibig ko nang bumungad sa akin ang napakaraming tao, sigurado akong mga kilalang panauhin ang mga nandito ngayon. Kahit kailan, hindi ko nasubukang makihalubilo sa maraming tao kaya naman hindi ako masyadong kumportable ngayon. Buong buhay ko, tanging sila Lurch lang ang nakakasama ko.
YOU ARE READING
Kidnapped By My Ex-Boyfriend
RomanceI knew no matter if I changed my entire look, my name...everything. He'll still find me, and that's exactly what he did. I've been kidnapped by my ex-boyfriend. Kidnapped By My Ex-Boyfriend ©2013 All Rights Reserved