Chapter 12

11.5K 169 10
                                    

LURCH'S POV

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang bumalik na sa akin si Zephrine. Sobrang saya sa pakiramdam. Para akong nabuhay ulit. Noong mga panahon kasing wala si Zephrine sa buhay ko, pakiramdam ko unti-unti akong namamatay. Sobrang hirap. Sobrang lungkot.

Sobrang saya ko dahil sa kabila ng mga nagawa kong pananakit sa kanya noon, pinatawad niya pa rin ako. Tinanggap niya ako ng buong-buo. At higit sa lahat, pinatuloy niya pa rin ako sa puso niya, mahal niya pa rin ako. Ipinapangako kong hinding-hindi ko na ulit siya sasaktan. Mahal na mahal ko siya.

Mahigit isang linggo na rin ang nakakalipas simula nang magkaayos kaming dalawa. Naging maganda ang takbo ng relasyon naming dalawa. Madalas naming siyang sinasama sa mga gigs naming at sa kung anu-ano pang events na pinapuntahan namin. Sinisigurado ko palagi na may surpresa akong naihahanda para sa kanya dahil gusto kong iparamdam sa kanya araw-araw kung gaano siya kaespesyal sa akin.

Madalas din kaming lumalabas ng magkasama. Gusto kong ipaalam sa lahat ng taong nakakasalubong naming na siya ang lang babaeng mamahalin ko habambuhay, wala ng iba pa. Simula nang makilala ko noon si Zephrine, wala na akong ibang hiniling pa kundi ang makasama siya.

Napangiti na lang ako nang maalala ko ang mga masasayang nakaraan namin ni Zephrine.

“Ngumingiti ka diyan mag-isa. Baka naman ibang babae na yang lumilipad sa utak mo ah?” Nakapout na sabi sa akin ni Zephrine na nagpabalik sa akin sa realidad. Hinigit ko siya sa bewang dahilan para mapaupo siya sa kandungan ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at saka hinalikan sa pisngi.

 “Ako? May iniisip na ibang babae?” Di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Napatawa na lang siya sa akin at saka tumango-tango. “Alam mo namang ikaw lang mahal ko at mamahalin ko. Kung may naiisip man akong ibang babae, paniguradong anak na natin yun. Nangingiti lang ako dito kasi hindi talaga ako makapaniwala na akin ka na talaga.”

“Talaga? Ako lang talaga?” Paninigurado niya kaya iniharap ko siya sa akin at hinalikan sa labi at saka tumango tango.

“Ikaw lang talaga. I love you…” Sabi ko sa kanya at hinalikan ko ulit siya sa labi na agad din niyang tinugon. Napangiti na lang ako nang maghiwalay ang mga labi namin. Buong akala ko noon, hinding-hindi na babalik sa buhay ko si Zephrine dahil matagal na niyang gustong kumawala sa akin.

Sobrang swerte ko at ako ang minahal ni Zephrine. Hinding-hindi ko na hahayaang mawala pa ulit siya sakin.

“I love you too…”

  

ZEPHRINE'S POV:

 Mahigit isang linggo na ang nakaraan simula nang magkaayos kaming dalawa ni Lurch. Sobrang saya ko dahil ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya. Unti-unti na ring bumabalik sa dati ang relasyon naming dalawa. Punong-puno ng saya at pagmamahal.

Walang araw na hindi niya akong sinusurpresa. Palagi niya akong binibigyan ng mga bulaklak, chocolates, stuffed toys, at kung anu-ano pa. Kung saan-saan niya rin ako dinadala sa tuwing wala silang mga gigs.

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now