ZEPHRINE’S POV:
“So good to see you again, Zephrine.”
Para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig at nanigas dito sa kinatatayuan ko nang marinig ang boses na yun. Nanlalaki ang mga mata kong tinignan ang lalaking kasalukuyan nakatayo sa harapan namin.
Si Lurch.
Nakangiti siya sa amin. Mataman niya akong tinignan at saka lumipat ang mga tingin kay Ayesha na napakalaki ng mga ngiti ngayon. Naglahad siya ng kamay sa anak ko.
No! Kukunin na niya ang anak ko sa akin. Nandito siya ngayon sa harapan naming para paghiwalayin kaming dalawa ng anak ko.
“Daddy!!!!!” Sigaw ni Ayesha at bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko. Akmang tatakbo siya papalapit kay Lurch nang bigla siyang pinigilan ni Matthew. Hinihila niya ang kamay niya pabalik para tumakbo kay Lurch pero hindi siya makawala sa higpit ng hawak ni Matthew.
Lalapit sana si Lurch nang biglang itinago ni Matthew sa likuran niya si Ayesha. Bakit ako nagkakaganito? Bakit para akong napako at nanigas dito sa kinatatayuan ko ngayon?!
Natauhan lang ako sa sobrang gulat nang makita kong nakadagan si Matthew kay Lurch habang pinapaulanan ng suntok sa mukha. Ang bilis ng bawat pangyayari. Rinig na rinig ko ang bawat paghikbi ni Ayesha.
“D-daddy L-lurch!”
Maya-maya lang ay gumanti na rin ng suntok si Lurch. Nagpalitan na sila ng suntok. Knowing Lurch, hindi siya pumapayag na hindi siya nakakaganti. My god! Ano ba tong nangyayaring to?!
Lumapit kaagad ako sa kanila at pilit silang pinaghihiwalay sa isa’t isa pero para silang walang naririnig at wala ni isa sa kanila ang gustong magpaawat. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Pareho silang may parte sa buhay ko at hindi ko kayang nakikita silang nagkakasakitan dahil sa akin.
Naramdaman ko na lang na biglang tumulo ang mga luha ko.
Iyak pa rin ng iyak si Ayesha at tumakbo kaagad papalapit kay Matthew. Pinaghahampas niya ang likuran ni Matthew at hinihila ang damit nito para makalayo kay Lurch.
“Get off my Daddy Lurch! A-ang bad mo, D-daddy M-matt!” Sigaw ni Ayesha habang patuloy parin sa paghampas kay Matthew. Nagulat na lang ako nang biglang itinulak ng malakas ni Matthew ang anak ko dahilan para tumama ang ulo sa semento at nawalan ng malay.
“Hayop ka! Anong ginawa mo sa anak ko?!” Sigaw ni Lurch kay Matthew bago binigyan ng isang malakas ng suntok. Itinulak niya si Matthew palayo sa kanya at dali-daling tumakbo papalapit sa amin at binuhay si Ayesha. Isinakay niya kaagad sa sasakyan niya si Ayesha. Sumakay kaagad ako sa sasakyan niya at saka niya pinaharurot ang sasakyan papunta sa ospital.
Wala naman sanang mangyaring masama sa anak ko.
YOU ARE READING
Kidnapped By My Ex-Boyfriend
RomanceI knew no matter if I changed my entire look, my name...everything. He'll still find me, and that's exactly what he did. I've been kidnapped by my ex-boyfriend. Kidnapped By My Ex-Boyfriend ©2013 All Rights Reserved