Chapter 17

8K 125 5
                                    

WARNING: SPG! Pasintabi ulit sa mga conservative. :)

-------------------------------

ZEPHRINE’S POV:

Three longs years have passed, and I can say that I’m finally over him. Naging miserable ang buhay ko simula nang iniwan ko siya sa mismong araw ng birthday niya pero sa kabila nun, ginawa ko ang lahat-lahat para lang ma-overcome ko ang sakit na nararamdaman ko. Ginawa ko ang lahat para makaahon sa paghihirap kong yun alang-alang narin sa anak ko.

There were times na sumasagi siya sa isipan ko pero what can I do? Magkamukang-makagkamukha sila ni Ayesha, my daughter. Kahit naman pagbali-baliktarin ko ang mundo, siya pa rin ang tatay ng anak ko.

"Mommy! Mommy! You're idling again. Daddy's waiting for us outside. Let's go!" Sigaw ni Ayesha habang tumatalon talon pa.

She's really a sweetheart. Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Mahal na mahal ko ang anak ko at hinding-hindi ako papayag na may makakapaghiwalay sa amin dalawa. Hindi ko rin hahayaang makilala niya ang anak ko. No, I won't let that happen kahit na alam kong impossible.

"Yes baby. I'll just fix myself. Go to daddy now." Tumango lang siya at tumakbo na palabas ng bahay. Inayos ko na ang sarili ko at lumabas na rin ng bahay. Nakita ko kaagad silang nagkukulitan at nagtatawanan.

I smiled at them. Kiniss nila ako sa magkabilang pisngi. Ano pa bang mahihiling ko? Wala na siguro. Nakaayos na lahat ng gamit naming sa loob ng sasakyan. Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likuran.

"You're so beautiful. Let's go? Baka mahuli pa tayo sa flight natin." He's Matthew Gray Dela Fuente. Siya ang lalaking muntik makasagasa sa akin bago pa man ako mawalan ng malay. Nakita niya ako nung gabing yun na nakahandusay sa kalsada kaya dali-dali niya akong dinala sa ospital.

Simula nang magkakilala kami, naging malapit na kami sa isa’t isa.

And no, we're not together. Alam niya ang lahat lahat ng nangyari sa buhay ko. Simula nang namatay ang parents ko hanggang sa ipagpalit kami ni Lurch sa career niya. I know Matthew loves me dahil araw-araw niyang sinasabi at pinaparamdam sa akin yun.

Si Matthew rin ang tumulong sa aking makalimutan si Lurch. Siya rin ang tumayong ama ni Ayesha. Kaya sobrang thankful ako na nagkakilala kaming dalawa dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala siya sa tabi ko. Siguro, may masamang nangyari na sa amin ang anak ko kung wala siya.

Bumalik ako sa realidad nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko habang nagdadrive na siya kaya napatingin ako.

“Is there any problem, Donna?” Simula nang magkahiwalay kami ni Lurch, ayoko na ng tinatawag ako ng Zephrine. Umiling lang ako sa kanya bilang sagot at nginitian niya lang ako. Kanta lang ng kanta si Ayesha habang nasa byahe kami kaya hindi namin maiwasang matuwa sa kanya. Papunta na kaming airport. Yes, after three long years, babalik ako sa lugar kung saan puro sakit ang naramdaman ko.

"Everything's gonna be okay. Wag mo na masyadong isipin yun. Nandito lang ako sa tabi mo." Nakangiting sabi sa akin ni Matthew. Hawak niya ang kamay ko at hinalikan yun.

Kidnapped By My Ex-BoyfriendWhere stories live. Discover now