Magthi-third subject na pero di pa rin dumadating yung nawawalang estudyante. Sana di na sya dumating. Haha joke. Pero mayamaya, may babaeng pumasok, dirediretso lang sya sa pagpasok, ni hindi man lang nya grineet yung teacher, itim na itim yung buhok nya na halos matakpan yung muka nya. Parang hindi pa nasuklay ng maayos. Maputi sya pero di ko makita ng malinaw yung muka nya kasi natatakpan ng buhok nya. Nakabukas yung butones ng blouse nya pero may nakailalaim na tshirt, yung palda nya di ko matukoy kung paano nya sinuot. Yung bag nya, di ko alam kung bag ba yun o wallet dahil sa sobrang liit, parang pati ballpen di kasya don. In short ang weird nya. "Ms. Villarama! Bastusan talaga noh? Lagi kang usap usapan ng mga co teachers ko nung 3rd year, ewan ko lang kung uubra yang ugali mo saken" sabi ng teacher namin. Pero.....syet! Siya yung Ms. Villarama, yung seatmate ko? Ang bilis ng heartbeat ko dahil sa kaba, Pero dumiretso lang sya sa upuan nya sa tabi ko at yumuko. Yung mga kaklase ko nakalingon pa rin sakanya, as in lahat nakalingon talaga sakanya, hanggang sa....NAGDIRTY FINGER SYA! Dinirty finger nya yung mga classmate ko na nakalingon . Bigla namang tumingin sa harap yung mga kaninang nakalingon sakanya. Grabe! Ano ba yan. Tatagal ba ako ng isang school year dito. Lalo na may seatmate akong ganito ang ugali. Utang na loob! Buong discussion pinagpapawisan ako. Baka pag nakita nya ako na katabi nya, kung ano ang gawin nya saken. Maya maya, nagring na yung bell, ibig sabihin breaktime na, tumayo sya at naglakad palabas, feeling ko di nya ako napansin. Grabe. Kinakabahan talaga ako sa di maipaliwanag na dahilan. Buti nalang at breaktime na, parang gusto ko ng umuwi.
Maya maya, lumapit saken yung lalaking sinigawan ako kanina. "Swerte mo boy, buhay ka pa, haha. Congrats nakatagal ka ng 3 hours sa upuan na yun, pasensya ka na sa inasal ko kanina, na carried away lang ako, concern kasi ako sa mga classmates ko eh at syempre dahil part ka na ng section namin dapat maging concern din ako sa safety mo. Anyway, ako si Carlo Valenzuala, class president" mabait naman pala to, akala ko isa ring war freak. "Daniel nga pala pangalan ko, ok lang yun. Bakit sya ganun?" tanong ko kay Carlo. "Si Jassel ba? Haha. Ganun talaga yun. Kahit sinong barumbado hindi pumapalag dun, lalaki man, babae bakla o tomboy . Bossing yun eh. Tsaka maraming tropa yun na outsider, galing sa mga sikat na fraternity kaya may back up yun pag napapaaway sya. Ayaw nun ng may katabi kaya ngayon palang mag-impake ka na" sabi ni Carlo. "Hindi ako aalis dahil lang dun, di ako natatakot sakanya" sabi ko. Hindi ko alam kung bat ko nasabi yun. "Ang tapang mo naman, bakit may gang ka ba? Haha, anyway, kumain ka na? Tara sa canteen, masarap pagkain dun" Pagaanyaya ni Carlo. Sumama naman ako papuntang canteen. Kumain na kami, ineexplain nya sakin yung mga rules and regulations na di ko alam kung anong silbi dahil parang wala namang sumusunod. Tinuturo din nya sakin yung mga rooms na importante katulad ng library, clinic at kung ano ano, pero hindi ako nakikinig dahil may hinahanap ako. Yung seatmate ko at mukang napansin na ako ni Carlo.
"Uy Daniel, sino bang hinahanap mo, kanina pa ako salita ng salita dito mukang di ka naman nakikinig."
"Sorry, bakit di ko makita dito sa canteen yung babae kanina?"
"Si Jas, haha, di mo talaga yun makikita dito ano ka ba naman, ayaw nun na makakita ng ibang tao, ayaw nun sa crowded place tulad neto." Lalo tuloy akong nahiwagaan sa nangyayari. Maya-maya lang ay nagring na yung bell, back to classroom na kami, kaya nanginig na naman yung tuhod ko. Makakatabi ko na naman yung creepy na babae. Naglesson na yung next teacher namin, pero di pa rin dumadating yung seatmate ko, hanggang sa lumipas ang mga oras at nag-uwian kami, di pa rin sya bumabalik. Nagcutting na talaga. Ang tindi. First day na first day.
Paglabas ko ng school, parang lumabas ako sa bilibid. Grabe naman yun. Kung araw araw ganun ang scenario, ewan ko kung mabubuhay pa ako. Pero nung naglalakad ako, napansin ko yung grupo ng mga lalaki na nakatambay sa isang bilyaran, at nandun yung seatmate ko si Jas! Nakasandal sya sa isang itim na motor habang naninigarilyo. Tumingin sya sakin at tinitigan nya ako . GRABE ! Lalo akong kinabahan, nakita ko na ng mas malinaw yung muka nya dahil nakatali na yung mahaba nyang buhok, pero yung pagkakatali parang gulo gulo rin. Yung mata nya di ko maipaliwanag. Galit ba sya dahil nakaupo ako sa tabi nya, habang naglalakad ako, di pa rin nya inaalis yung tingin nya, naglakad nalang ako ng mabilis at hindi ko na sya liningon.
0","R��
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With The Badass Lady
Teen Fiction"What if ang isang promding binata ay mapadpad sa Manila? di lang basta basta sa Manila kundi sa isang specific na lugar sa Manila kung saan halos lahat liberated na, makasabay pa kaya ang isang conservative na kagaya nya? makikijoin ba sya sakanila...