Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang araw araw. Grabe. Sa totoo lang. Namimiss ko na talaga sila mama at papa. Kaso wala akong magagawa eh. Ganun talaga, minsan may mga taong kinukuha satin pero meron namang mga bagong darating. Kaya nga mag-aaral ako ng mabuti eh, para na rin kay Tita, ayokong madisappoint sya saken. Kaya kailangan kong maging matapang.
Kinabukasan, ano pa nga ba, sasabak na naman ako sa gyera. Haha . Wala eh. Ganun talaga . Kailangan kong mag adjust sa mga pagbabagong nangyayari sa buhay ko at alam kong kakayanin ko yun.
Pero pagpasok ko, bigla nalang hinablot ng mga lalaki yung bag ko, wala talagang magawa tong mga bully na to. Pinagpasapasahan nila yung bag ko at mukang tuwang tuwa pa sila.
"Akin na yan! Akin na sabi eh" sigaw ko na may halong inis. "Uy nagagalit na si promdi, dude catch" hindi pa talaga nila ako tinatantanan pero pag hagis ng lalaki sa bag ko bumagsak yun sa may doorway....kung saan nagulat kami sa nakita namin....nakatayo dun si Jassel, yung seatmate ko!!! Nagulat din yung mga bully na lalaki "Oooooopssss" yun lang ang nasabi nila. Dinampot naman ni Jassel yung bag ko, kinakabahan talaga ako. Tapos hinampas ni Jassel yung mga lalaki gamit yung bag ko na yun! "T*ng-ina nyo rin eh noh, wala ba kayong magawa?" sabi ni Jassel habang hinahampas yung mga lalaki, bigla namang nagkalasan yung mga bully. Samantalang ako, para na kong naging bato sa pagkakatayo ko, humarap sa kin si Jassel at hawak pa rin nya yung bag ko. "Salamat, akin na yan" Sabi ko ng mahina. Ngumiwi naman sya. Yung sarcastic na expression. Di ko maintindihan. "G*go ka ba? Bat ka nagpapasalamat ? Sa tingin mo ba tinulungan kita? Hinding hindi ko gagawin yun!" Pagkasabi nya nun, bigla nyang hinagis palabas yung bag ko. Nagulat yung mga classmates namin, yung iba nagtatakip pa ng mata. Lumabas ako agad at pinulot ko yung gamit ko. Lumabas din sya "Sino may sabi sayong pwede kang umupo sa upuan na yun? Ang kapal naman ng muka mo, kabago bago mo palang. Lumayas ka ." sabi nya habang pinupulot ko yung mga gamit kong nagkalat, iba yung nararamdaman ko, naiinis ako. SOBRA! "Umalis ka dito . Walang kang lugar dito" sabi nya at pumasok uli sya. Lalo akong nanggalaiti. Tumayo ako bigla bitbit yung gamit ko . "Bakit wala naman nakaupo dun ah, binili mo ba yung upuan na yun? Wala kang karapatang paalisin ako dito, di mo to pagmamay ari. Mag-iistay ako hanggat gusto ko." Naglakad ako papasok at dumiretso sa upuan ko. Lahat nakatingin sakin. Hindi ko alam kung natuwa sila sa ginawa ko o sadyang naawa sila saken dahil alam nilang gaganti na naman ang bayolenteng babae.
Hindi ko alam kung pano ko yun nasabi. Hindi naman ako matapang, pero dahil sa inis ko nakapagsalita ako ng hindi maganda. At alam kong hindi rin maganda ang susunod na mangyayari. Habang nagsusulat ako ay pumasok uli sya sa classroom, sinipa nya ang armchair ko at nagulo ang sinisulat ko. Alam kong nananadya sya. "Gusto mo pala makipaglaro ah, pwes pagbibigyan kita, pero nagkamali ka ng taong hinamon" sabi nya saken. Tiningnan ko lang sya "Papayagan na kitang umupo jan at hindi na kita guguluhin, bahala ka na sa buhay mo, pero mangyayari lang yun sa isang kondisyon" sabi nya, napatayo naman ako bigla. "Ano bang kundisyon?" tanong ko. "Talunin mo ako sa basketball" sabi nya. Napahinto naman ako bigla. Basketball? "Ano payag ka ba, ok lang naman sumuko na ngayon palang, pwede ka ng umalis" "Payag ako, pag matalo kita sa basketball di mo na ako guguluhin?" "Oo, pero pag Manalo ako, aalis ka dito" "Sige deal!" "Teka, aalis ka hindi lang sa section na to, kundi sa school na to" "Hoy! Teka, hindi naman pwede yun!" Sigaw ko "Nagdeal ka na, bukas, after class, sa covered court sa labas ng school 2:00 sharp pag malate ka papatayin kita"
Lumabas na sya ng classroom, mukang magcucutting na naman. Ano ba tong napasok kong gulo. Ang tahi-tahimik ng buhay ko tas magiging ganito? Ayoko ng may kaaway. Utang na loob naman oh. Bakit ba sya ganun, napaka sellfish naman nya, dahil lang sa upuan papalayasin na nya ako. "Brad ang tapang mo, pano mo nagawa yun?" sabi ni Carlo. "Ayokong umalis dito, ayokong madisappoint ang tita ko" "Ganun ba, pero brad, realtalk, mahirap ang gagawin mo, alam mo bang wala pang nakakatalo kay Jas sa basketball, kahit babae yan halimaw yan maglaro, pag sumasali yan sa liga, nagba-back out na yung ibang team. Malakas yan eh, beterano na yun sa basketball, kaya ayus-ayusin mo." "Seryoso? Pero ayos lang, nagbabasketball din naman ako sa probinsya dati eh kaya marunong din ako" "Pre, di sapat ang marunong lang, kailangan maging magaling para matalo sya kung gusto mo pang magstay"
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With The Badass Lady
Novela Juvenil"What if ang isang promding binata ay mapadpad sa Manila? di lang basta basta sa Manila kundi sa isang specific na lugar sa Manila kung saan halos lahat liberated na, makasabay pa kaya ang isang conservative na kagaya nya? makikijoin ba sya sakanila...