"Hoy! Bilis bilisan mo naman yang lakad mo! May klase pa tayo di ba, ikaw na ang may kasalanan kung bat napalabas din ako tapos babagal bagal ka pa jan." sigaw niya habang nagmamadali, "Akala ko ba hindi ka na babalik sa klase?" tanong ko pero di nya ako sinagot at dumiretso lang sa paglalakad. Maya-maya, nung malapit na kami sa school, bigla na naman nya akong hinablot papunta sa likod ng isang kotse, halos mabali yung leeg ko sa lakas ng pagkakahila nya sa uniform ko. "Bakit na naman?" tanong ko pero bigla nyang tinakpan yung bibig ko "Ssssssshhhhhh. Wag kang maingay, yan ang problema sayo kalalaki mong tao ang ingay ingay mo" sabi nya, tapos inalis nya yung kamay nya sa bibig ko, pero nakayuko pa rin kami at nagtatago sa likod ng kotse. "Bakit ba? Ano bang problema?" tanong ko sakanya sa pinakamahina kong boses. Nagmamatyag naman sya at panay ang tingin sa kaliwa't kanan, sino bang tinataguan namin, baka may pinagkakautangan tong babaeng to.
"Si Bryan nandyan" sabi nya sabay turo dun sa lalaking nakaitim na may kasamang ibang mga lalaki. Yun yung mga katropa nya eh, bat kaya nya tinataguan. "Bryan pala pangalan nun, boyfriend mo?" tanong ko. Hinampas naman nya ako ng malakas "Wala ka na ba talagang naiisip na matino, muka bang may boyfriend ako?" sabi nya. "Akala ko talaga boyfriend mo yun lagi mong kasama yun di ba" sabi ko pero bigla na naman nyang tinakpan ang bibig ko. "Ssssssshhhhh...wag kang maingay kung gusto mo pang mabuhay. Hindi mo kilala yang mga yan" mukang hindi na talaga ako mabubuhay sa sobrang higpit ng pagkakatakip nya sa bibig ko na pati yung ilong ko natatakpan na. Pagkaalis ng mga lalaki at nung Bryan, hinila nya ako at tumakbo ng sobrang bilis.
Pagdating namin sa room, nagdidiscuss na ang next subject teacher, hiyang hiya talaga ako papasok kaya nagreet ako, syempre respeto naman di ba, di tulad ng iba jan na dire-diretso pasok lang. Ehem. "Good morning, Sorry we're late" sabi ko at dumiretso kami sa pagpasok, nauna kasi ako at nasa likod ko si Jas. Yung mga mata ng classmates namin halos manigas na sa kakatitig saming dalawa. "Its ok, basta wag na kayong uulit next time, ok" sabi ni Mam, mabait naman yung teacher namin, kaya buti nalang. "Yes po mam" sabi ko.
Pag-upo namin, grabe pagod na pagod talaga ako, parang nabugbog ako ng mga bouncer eh, pano ba naman napaka brutal ng babaeng to, konting ano lang mananakit na agad. MAPEH ang subject kaya chill chill lang, Napatingin naman ako kay Jassel, ewan ko pero biglang nag-iba yung impression ko sakanya, sa kabila ng mga ginagawa nya, parang iba ang nakikita ko. Napatingin naman sya sakin at kumunot ang noo "Anong tinitingin tingin mo?" tanong nya. "Wala lang, masama ba?" sabi ko at napangiti bigla. Lalong kumunot ang noo nya. Hinablot nya ang braso ko at pinilipit "Oo masama, masama akong tingnan dahil ikamamatay mo" sabi nya , halos magkapasa ang braso ko sa lakas ng pagkakahawak nya. Pero nakangiti lang ako at nagpatuloy sa pagsusulat. Di na nya ako pinansin pa dahil halatang naiinis sya pag nginingitian ko sya. Nagsketch nalang sya sa scratch paper habang nakaangat ang isang paa sa upuan, like a boss talaga eh. Haha.
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With The Badass Lady
Teen Fiction"What if ang isang promding binata ay mapadpad sa Manila? di lang basta basta sa Manila kundi sa isang specific na lugar sa Manila kung saan halos lahat liberated na, makasabay pa kaya ang isang conservative na kagaya nya? makikijoin ba sya sakanila...