CHAPTER 5 [Basketball Battle Part 1]

3 0 0
                                    



After class nagpasama ako kay Carlo pati na rin sa iba kong classmates na lalaki na medyo close ko na sila Kevin, Luis, Jake at Harrold. Magpra-practice kami magbasketball para sa laban ko bukas. Natutuwa lang ako kasi kahit bago palang ako tinutulungan nila ako. "Pre, maasahan mo kami, isa na kami sa mga nabiktima ni Jas pagdating sa basketball, varsity player kami pero di pa rin kami umubra kaya naman tutulungan ka namain para man lang makaganti kami, haha" sabi ni Kevin. "Salamat sa inyo, pero sa tingin nyo ba may pag-asa akong Manalo?" tanong ko, sabay upo, sa mga nariirnig ko, medyo napanghihinaan na ako ng loob, alam kong may experience ako sa larong basketball pero hindi yun sapat para matalo ko ang isang beterano pagdating sa basketball. "Ano ka ba Daniel, sabi nga sa motto ng Gilas, Tiwala lang, Puso lang, wag ka agad mawalan ng pag-asa, di ba gusto mo pang magstay dito, ano nalang sasabihin ng tita mo pag bigla ka nalang magdrop out?" page-explain ni Carlo. "Sabagay, sige start na tayo"

Nagsimula na kami magpractice. Alas dos kami nagsimula pero mag-aalas siete na kami ng gabi natapos. Pag-uwi ko, nandun na pala si Tita, akala ko magagalit sya saken, pero di naman pala, natuwa pa nga sya eh. "Daniel, ginabi ka ata ng uwi ah, anong nangyari, may problem ba?" tanong nya saken. "Wag po kayo magalala tita, nagkayayaan lang po kami magbasketball ng mga classmates ko, sila Carlo po" "Oh, si Carlo ba kamo, matalino yun ah. President yun ng Supreme Students Government, maganda yan, yan ang mga barkadahin mo, wag yung mga tambay jan. Oh sya, kumain ka na"

After kong kumain, umakyat na ako sa kwarto ko. Bukas na ang laban ko, bukas mahahatulan na ako kung mag-iistay pa ako dito o mawawala na. Pero nagtataka lang ako, dapat siguro umalis nalang talaga ako sa school na yun since ayoko naman dun, kumbaga indifferent ako sakanila pero ayoko kasing isipin ni tita na nagmamatigas ako. Ayokong isipin nya na mataas ang pride ko, dahil lang ayoko sa lugar na to, aalis na ako, ayokong mabalewala ang mga effort nya saken kaya humanda talaga yang Jassel na yan bukas.

Kinabukasan, this is the moment. Nagulat talaga ako pagpasok ko, usually ten minutes before magstart ang klase nasa room na ako, at ako palang ang tao nun dahil laging late ang mga classmates ko. Pero pagdating ko, nandun na si Jassel! Sya palang ang tao! Anong nakain netong babaeng to at ang agang pumasok. Dire-diretso lang ako papunta sa upuan ko. Nakatingin lang sya saken, syet! Ang creepy nya talaga. Bat ba sya ganyan?! "Handa ka na bang mamatay?" sabi nya saken. Tiningnan ko lang sya at nginitian. Bakas sa mukha nya ang gulat sa ginawa ko. Nagsimula ng magsipagdatingan ang mga classmates ko at gulat na gulat talaga sila sa nakita nila, dahil maagang pumasok ang bulakbol naming kaklase. Dumating na rin ang first subject teacher namin at halos mag-alay sya ng putting manok dahil pumasok sa first subject si Jassel. Pagdating ng breaktime, ineexpect ko na lalabas sya ng room at magcu-cutting pero nagkamali ako, di sya lumabas ng room. Natutulog lang sya sa upuan nya. Pagpunta namin nila Carlo sa canteen, sinimulan na nila akong intrigahin. "Pre, anong sinabi ni Jas? Bat ang aga nya pumasok?" tanong nila. "Wala naman syang sinabi, pero di ba sya lalabas para kumain, hanggang alas dos pa tayo ah." Tanong ko. "Haha, ayaw mo nun, wala syang energy mamaya para sa laban nyo, advantage yan sayo" sabi ni Kevin.

Pero di ko alam kung bakit, kahit tapos na akong kumain, bumili ako ng tinapay at coke in can. Linagyan ko yun ng note na "Best of luck sa game natin mamaya" . Ang weird lang, pero ayoko naman kasi ng ganun, porket kalaban ko sya magta-take advantage ako sa di nya pagkain. Hindi naman ako masamang tao eh . Linagay ko yun sa arm chair nya pagbalik namin galing canteen, at nandun parin sya natutulog. Pagkalagay ko, umupo agad ako at nagbuklat ng libro. Naalimpungatan sya at nakita nya yung pagkain sa desk nya. "G*go ka ba?" sabi nya saken. Pero di ko sya tiningnan "Masama ang nagpapalipas ng gutom" sabi ko sakanya. Natawa naman sya, hindi ko alam kung bakit. Hindi nya kinain yung binili ko, grabe naman sya nagmamagandang loob na nga ako. Pagtapos ng klase, lumabas agad sya ng classroom bitbit yung pagkain. Akala ko kakainin nya, yun pala tinapon nya lang. Lupet. Napaka mapride ng babaeng yun. Nakakainis. Habang naglalakad sya palayo lumingon sya samen "Alas dos"

I Fell In Love With The Badass LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon