"Tita, ilang days po ba kayong mawawala? Para saan po ba yun?" tanong ko kay Tita habang inaayos ko yung pinagkainan namin bago ako pumasok sa school.
"Well, hijo, siguro 3-4 days lang yun, tentative pa kasi yung programme tsaka yung pagkakayos ng schedule kaya hindi pa sure. Pero don't worry nakapag grocery naman ako, kung ayaw mo magluto, may mga instant noodles jan atsaka mag-iiwan ako ng pera para kung gusto mong magpadeliver nalang ng food" sabi ni tita
"Wag nyo po akong alalahanin tita, kaya ko naman mag-isa dito. Alagaan nyo nalang po ang sarili nyo doon" "Of course hijo, oh sya, umalis ka na at malalate ka, sige na , ingat!"
Lumabas na ako ng bahay at dumiretso na sa school, aalis si tita for business trip kaya 3-4 days daw syang mawawala.
Pagdating ko sa classroom, parang nagpyepyesta ang mga kaklase ko, ano na naman kayang meron? Puro selfie lang ang mga babae at ang mga lalaki naman kanya kanyang hawak sa cellphone at panay COC. Bakit ganun, magta-time na ah. Lumapit ako kay Carlo para magtanong. "Anong meron? Parang masaya lahat?" tanong ko, at halos mabingi naman ako sa sagot ni Carlo na galak na galak "WAAAAAALAAANG MGA TEACHERS!!!!!!! YEHEY!! MAY URGENT MEETING!!!!!!! PERO CLOSED GATES KAYA BAWAL UMUWI PERO OK LANG, PARTEY PARTEY!!!!!!!!!" Grabe naman ang pagkaka-overwhelm ng mga to.
Maya maya ay dumating na si Jas, kakausapin ko sana sya about sa performance namin pero naunahan nya akong magsalita. "Walang mga teachers? Makaalis na nga" Pero di pa sya nakakalabas ng classroom ay napahinto sya sa paglalakad, tumingin sya sa bintana at mukang nagulat sya sa nakita nya. Ano kaya yun? Bigla syang napatingin sakin at tumakbo palapit sakin!!!! Waaaaaahhhhh! Ano na naman ba to!?????? Hinila nya ako palabas ng room,!!! Tumatakbo kami sa hallway sa di matukoy na dahilan!!!! Grabe ano ba to??????? Di ba kami mawawalan ng takbuhan moments???? Umakyat kami sa 4th floor ng building namin at tumakbo kami dirediretso sa isolated na storage room, tinulak ako ni Jas papasok sa loob ng storage room at bago sya pumasok sinilip nya muna yung labas. Ano na naman ba to? Sinara nya ang pinto at napaupo sya sa sobrang pagod. Hingal kabayo sya. Pano ba naman, para kaya kaming ewan na tumatakbo kanina nang sobrang bilis.
"Ano ba yun? Bakit mo ba ako dinala dito? Minsan talaga hindi kita maintindihan eh." Sabi ko sakanya habang hinahabol ang hininga ko. "EH SIRAULO KA BA??? T*NG-INA DAPAT NGA MAGPASALAMAT KA PA EH. ALAM MO BANG MAY MGA GRUPO NG LALAKI NA SUSUGOD DITO SA SCHOOL PARA BUGBUGIN KA!" Sigaw naman ni Amasona. "Bakit? Wala naman akong ginagawang masama ah. Ano ba yan, nananahimik ako tapos magkakaganito ang buhay ko, ayoko ng gulo." Napakamot nalang ako ng ulo sa narinig ko. Bakit naman may mga lalaking susugod dito para bugbugin ako eh wala naman akong kaaway? "Binalaan na kita, yan ang napapala ng mga taong bumubuntot sakin, hindi ka nalang kasi tumulad sa iba na umiiwas sakin eh" mahinang sabi ni Jas at tumayo. Hindi ko akalaing ganon ang magiging sagot nya. "Dyan ka lang, babalikan kita dito pag wala na sila, wag kang lalabas jan" sabi ni Jas.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ang weird ng feeling na pinagtanggol nya ako, pinagtanggol nya nga ba talaga o yun lang ang sarili kong interpretation. Pero habang binubuksan nya yung pinto "PESTE NAMAN!" "Bakit anong problema?" tanong ko sakanya. "Obvious ba? Hindi ko mabuksan di ba, Ikaw nga buksan mo!" pag-uutos nya saken, sinubukan kong buksan yung pinto pero di ko rin mabuksan. Sinipa ko rin pero useless. Kahit anong tulak at sipa namin hindi namin mabuksan. Sumigaw kami ng malakas para in case na may makarinig pero isolated kasi ang buong fourth floor, walang nagkaklase sa mga katabing room, magkakaroon lang ng tao pag pumasok na yung janitor sa storage room para kunin yung mga gamit "Leche, ako na nga ang nagmagandang loob, minalas naman ako. Kabuysit!" sabi nya at umupo na uli. "Pano mo ba sinara yan? Pano tayo makakalabas dito?" "Edi Pag pumasok yung janitor" "Eh mamaya pa yung cleaning time eh" sabi ko. "Edi ibig sabihin mamaya pang cleaning time tayo makakalabas! Ang dami mong sinasabi eh! Alam mo naman yung sagot , tanong ka pa ng tanong" sabi ni Jas, badtrip na naman sya. Ano ba naman tong nangyayari. Utang na loob!
BINABASA MO ANG
I Fell In Love With The Badass Lady
Fiksi Remaja"What if ang isang promding binata ay mapadpad sa Manila? di lang basta basta sa Manila kundi sa isang specific na lugar sa Manila kung saan halos lahat liberated na, makasabay pa kaya ang isang conservative na kagaya nya? makikijoin ba sya sakanila...