CHAPTER 13 [Kingdom of Isolation]

4 1 0
                                    


Muka yatang tinulugan na ako netong babaeng to. Wala ba talagang pinipiling lugar tong taong to. Kahit saan sya abutan ng antok, matutulog talaga eh. Muka syang harmless pag natutulog, ang amo ng muka eh, ang kinis kinis ng balat, ang pinkish ng cheeks tapos natural yung pagkakapula ng labi, sino ba naman mag-aakala na kapag gising tong babaeng to hindi malapit-lapitan ng ibang tao dahil sa pagiging amasona. Naku, wala akong magawa, gisingin ko na nga, tinapik tapik ko sya pero ayaw magising, kahit anong tapik ko hindi magising, kaya kinurot ko yung muka at........................... "T*NG-IN* MOOOOOOOO! ANO BAAAAAAAAAAA? WAAAALA KA NA BA TALAGANG GAGAWING MATINO?" sigaw nya habang sinasakal ako, seryoso, pinagsisihan kong ginising ko sya . T_T. "Aray sorry na...." sabi ko na parang malalagutan na ng hininga, ayokong sa storage room mamatay, pero sa wakas tinanggal na nya yung pagkakasakal saken, grabe, seryoso, feeling ko papanaw na ako kanina, maluha luha ang mata ko pagkatanggal nya ng kamay nya. "Grabe ka, ang brutal mo" sabi ko sakanya habang hinahawakan ko yung leeg ko kung nakakabit pa. "Eh natutulog kasi ako di ba, tapos kukurutin mo yung pisngi ko? Abnormal ka ba?" sabi nya sabay irap.

Grabe talaga, di na ko nagpaliwanag dahil alam kong di rin ako mananalo. Mga 5 minutes din kaming natahimik at dahil sa awkward silence na yun, nagsalita na sya . "Wag mong isiping tinutulungan kita" sabi nya, napatingin naman ako sakanya pagkasabi nya nun . "Eh bakit mo to ginagawa?" "Para malinis ang konsensya ko, ayokong may pananagutan ako sa ibang tao, kung mapahamak ka man, alam kong kasalanan ko yun kasi nga lagi kang nakadikit sakin, hindi ka ba binalaan nila Carlo na lumayo sakin? Kaya nga kahit sa upuan ayokong may katabi ako eh. Lahat ng taong lumalapit sakin napapahamak." "Ganun ba? Delikado ka palang lapitan, dahil ba kay Bryan?" tanong ko. "Parang ganun na nga, basta mahirap ipaliwanag kaya wag na nating pag-usapan." Pagkasabi nya nun ay tumayo na sya "Di mo naman ako kailangang protektahan eh, kaya ko ang sarili ko." "Dapat lang, kalalaki mong tao eh"

Maya-maya "Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!!!!" biglang sumigaw ng malakas si Jas at nagtalon talon sa di mawaring dahilan "NANDYAAAAAAAAN!!! NANDYAAAAAN SA ILALIM!!!!" Sigaw nya. "Ang ano ba yun? Ano yung nasa ilalim?" tarantang taranta naman ako dahil sakanya. "YUNG DAAAAGAAAAA!! PATAYIIIIN MO!! BILIIIIIIS" Mangiyak ngiyak nyang sigaw. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano pero natawa talaga ako at napansin nya yun "Bat ka natatawa? Patayin mo na!" utos nya, "Hahaha, wala na yun, nagsiksik nayun sa ilalim, tsaka di ako pumapatay ng daga" pagpapaliwanag ko habang natatawa. "Pag yan lumabas jan at hindi mo pinatay ikaw ang papatayin ko, tandaan mo yan" sabi nya habang sinsislip ang ilalim ng aparador. Tawang tawa ako pero pinipilit kong hindi matawa. "Sinong mag-aakala na sa tapang mong yan, takot ka pala sa daga. Hahahaha!" sabi ko habang sya ay umupo at nakakunot ang noo "Hindi ako natatawa" yun lang ang nasabi nya habang ako ay nakangiti lang sa isang sulok.

"Ang tagal naman ng pesteng janitor na yan." Sabi nya. Ilang oras na rin kaming nandito. Dapat sa mga oras na to kukunin na nung janitor yung mga gamit, bakit kaya ang tagal? Tumayo ako at tumabi sakanya, hindi naman sya nagreact. "Uy Jas" sabi ko, napatingin naman sya saken, "Ano yun?" Maya –maya ay bumukas na yung pinto na sinasandalan namin kaya ayun, natumba kami. Kaasar . "Huy anong ginagawa nyo jan, mga kabataan talaga ngayon, kamakailan lang sa hagdan tapos ngayon nagpapauso kayo sa storage room naman, naku magsipag-aral nalang kayo!" sigaw ng janitor, "Ano pong sinasabi nyo?" tanong ko. Napakunot naman ang noo ni Jas at napasigaw "Siraulo ka ba, mukha bang gumagawa kami ng milagro jan? Sa susunod ipaayos nyo yung pinto na yan para walang estudyanteng nakukulong, tara na nga promdi" sigaw ni Jas. Naglakad na kami paalis. Maya-maya naalala nya yung sasabihin ko kanina. "Hoy, ano nga uli yung sasabihin mo?" pero nauna na ako maglakad dahil uwian na rin naman, liningon ko sya at ngumiti "Ah iyon ba, wala. Gusto ko lang mag-thank you. And in return, I want to make you happy" pagkasabi ko nun, tumakbo na ako palayo at di ko na sya liningon.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Fell In Love With The Badass LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon