MK 3: Chapter 3

333 12 1
                                    

Mystery Killer 3: The Last Mystery

Chapter 3: Eagerness 

-Ethan Point of View-

Nababanas ako sa babaeng yon. Ikaw na nga tong nagmamalasakit sa kanya siya pa tong ayaw. Ibig kong sabihin tama rin naman siya na baka magtaka yung mga kaklase namin tsaka yung guro namin kung pano siya nagkaroon ng assignment pero hindi ba pwede yung nagtanong siya tapos ginawa niya at parehas lang ng sagot?

Kaya nga tumahimik na lang ako kanina eh. Kasi sa lahat ng pakiramdam na ayaw kong nararamdaman ayoko yung nirereject ako kapag ako na tong nagmamalasakit.

Biglang nag-text sa akin si Coach Paul sa Basketball Club at sinabing may biglaang try out kaya naman after kong magpa-photocopy diretso na ako dun.

Naandun na rin si Paulo kaya hindi ko na siya hinintay pa. Ilang minuto lang naman try out dito sa Basketball kaya aabot pa kami sa next class namin. Tsaka pihadong tanggap na rin naman kami. Pagdating ko dun nakita ko si Paulo na kausap sina Martin, Liam at Dennis.

Magta-try-out din pala ang tatlong yon. Tumakbo na ako palapit sa kanila at naupo na. Mukhang di pa ata simula at hinihintay pa ang iba.

"Andyan na pala si Ethan" Sabi naman ni Dennis ng makita ako. Sa totoo lang ayoko na sanang makipag-usap sa tatlong iyon kung pwede wag na ring makita kaso kasi wala eh magka-kaklase kami at pati ba naman dito sa Basketball nandito pa rin sila. Naupo ako sa tabi ni Paulo ng hindi sila pinapansin.

"Kala ko hindi ka sasali Ethan" Napatingin naman ako kay Liam. Ano bang mga pake nila?

"Hindi, sasali na ako para pampalipas oras na rin" Sasali na rin ako kasi wala naman akong masyadong ginagawa sa bahay. Pag Saturday at Sunday meron ding practice. Dahil kasi sa gumraduate na yung ibang players ng Basketball Team kailangan ng bagong members.

"Ay, alam ko na kung bakit" Isa pa tong si Martin.

"Bakit?" Tanong naman ni Paulo.

"Gusto niyang mabawi muli si Angel. Eh kasi kilala niyo naman si Angel gusto niya famous at kilala ang boyfriend niya at kaya siguro sumali si Ethan para dun" Napa-iling naman ako sabay ngisi na naiinis. Ewan ko kung nahalata nila yon.

Tumayo naman ako.

"Para sabihin ko sayo Martin hindi ako sumali dito para mabawi muli si Angel. Tapos na kami, at FYI siya ang tumapos nun so I realized bakit ko pa ipipilit kung ayaw na niya diba? Siya ang unang bumitaw kaya bakit ko pa siya babawiin? And besides, masaya na siya sa piling ni Kian" Iniwan ko naman sila dun at lumapit ako kay Coach Paul.

Hindi ako sumali dito para kay Angel, sumali ako dito para sa sarili ko. Tsaka tama naman ang sinabi ko diba? Bakit mo pa ipipilit ang sarili mo sa taong binitawan ka na? Tsaka isa pa, nakapag-move-on na ako kay Angel it's been 1 year simula ng maghiwalay kami dahil mas pinili niya si Kian. Si Kian na magaling kumanta na magaling mag-gitara na sikat dito sa buong School.

Di nagtagal, nagsimula na rin kami. At pagkatapos namin pinaupo na muna kami sandali at iba naman ang sumalang. Hanggang sa may taga ibang section na ka-year namin ang lumapit sa amin.

"Uy! Yung dalawa niyong kaklase, sina Noah at Jonathan! Nagsusuntukan!" Mukhang tumakbo pa talaga siya para ibalita ito sa amin.

"Ano?! Saan?!" Tumayo naman si Martin. Kaibigan rin kasi nila ang dalawang iyon. Sina Liam at Dennis naman tumayo na rin.

"Naandun sila sa labas ng Cafeteria! Sina Mavis at Blythe nga ang umaawat eh!" Tumakbo na yung tatlo patungo don. Pupunta rin sana si Paulo kasi pinigilan ko siya.

Mystery Killer 3: The Last MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon