MK 3: Chapter 7

284 10 1
                                    

Mystery Killer 3: The Last Mystery

Chapter 7: Welcome Party Part 2 

-Steven Point of View-

"Yeah, after the party sa bahay ni Althea. We don't know why"-Liam. Nagkaroon naman kami ng katahimikan. Naisip ko sa ibabaw ng utak ko sana hindi na lang ako nagtanong. I admit, masaya ako na kasama ko sila kahit na sa umpisa pa lang nasasabi ko na kung mapagkakatiwalaan ba sila o hindi pero ng makasama ko sila at makausap parang feeling ko ang sama kong tao para pag-isipan sila ng ganun.

Napatingin naman ako kay Kian ng bigla siyang tumayo at lumayo dahil sa may tumatawag sa cellphone niya.

"I think dapat mo lang toh na malaman Steven para hindi ka ma-OP. Tsaka ayaw namin na may tinatago sa iyo"-Oliver. Tama naman si Oliver pero seeing the others, parang ayaw na nilang pag-usapan pa iyon.

"Kung di mo tatanungin kami nina Liam and Dennis naging crush namin si Amanda kaso nung sila na ni Jonathan pinanghinaan na kami ng loob kasi wala naman kaming talo kay Jonathan dahil siya naman talaga ang mahal ni Amanda"-Martin.

"Gusto mo ba makita itsura niya? Ito oh" Binuksan naman ni Oliver ang cellphone niya at pinakita niya sa akin ang larawan ni Amanda.

Kaya naman pala, hindi naman maipagkakaila kung bakit dahil ang ganda niya. Para siyang isang anghel dahil napaka-angelic ng face niya. Innocent girl with a bright smile.

"Ang ganda ng kababata ko ano?"-Oliver

"Yeah, she's pretty" Sabi ko naman.

Meron akong napansin sa kanila ngayon dito. Halos si Oliver lang ang nagsasalita tungkol kay Amanda, posible kayang may alam ang iba tungkol sa pagkawala niya? Kung ano man yon labas na siguro ako dun. Baka mamaya ako pa ang maging dahilan kung bakit maging magka-away pa ang iba.

"Maiba tayo, Liam you told us earlier that naging crush niyo rin si Amanda eh ngayon?" Iniba ko na lang ang topic. Yun lang naman ang gusto kong malaman. Ayoko ng magtanong pa. Ayoko na ring mangielam dahil wala naman ako sa eksenang iyon. Sana pala naisip ko yun since start pa lang. Kasi pinangunahan na ako ng pagkapakielamero ko.

"Naku yang si Liam, si Blythe ang tipo"-Martin.

"I can't help it, she's cute and pretty right?" Ah si Blythe, maganda naman talaga iyon kaso maliit lang siya kaya cute din siya.

"Well ako naman si Dianna yun ang girlfriend ko. Kaso naikuwento sa akin ni Angel sa chat na may sinabunutan silang girl dahil yung girl na yun eh patay na patay sa akin. She seduced me eh lalaki rin naman ako kaya ang hirap magpigil"-Dennis. Ngayon ko pa lang nakilala si Dennis pero masasabi ko ng Playboy ito. Kung matino ka kasing lalaki hindi mo naman papatulan yung babaeng inaakit ka.

"Narinig ko pangalan ng girlfriend ko ah?" Sabi naman ni Kian na kababalik lang.

"Ah wala yon. Alam mo ba yung ginawa nila sa isang girl?"-Dennis

"Nope, ano ba yon?" Nagkatinginan naman kaming lahat. Mukhang ayaw nilang ipaalam yung nangyari. Well witnessed ako sa nangyaring iyon.

"Yung-" Magsasalita sana ako kaso pinandilatan ako ng mata ni Dennis. Hindi ko alam kung bakit hindi ko na nabuka ang bibig ko. Masama ba na malaman niya ang totoo sa girlfriend niya?

"Yung?"-Kian

"Ah wala" Siguro ginagawa na lang nila ito para hindi na magkaroon ng problema. Pihadong pagsasabihan ni Kian si Angel.

"Ang weird niyo"-Kian.

"Uhm, Paulo samahan mo naman ako" Bigla namang tumayo si Ethan.

"Saan?"

Mystery Killer 3: The Last MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon