Mystery Killer 3: The Last Mystery
Chapter 9: Punishment
-Steven Point of View-
"Manong bayad po" Sabi ko naman sa tricycle driver. Walang pinagbago ang lugar na ito. liblib pa rin siya. Dito pa rin kaya nakatira sina lolo at ang dalawa niyang apo? Mga 7 na rin ng gabi ng pumunta ako dito. Nagpasama pa kasi si Kuya sa Mall kanina kaya di ako nakapunta dito ng maaga. kanina lang rin kami nakauwi.
Matapang naman ako kaya hindi ako natatakot. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa napansin ko yung bahay na kung saan kinulong sina Kuya Patrick at Ate Ella. Mukhang may nakatira na dun. Bukas kasi ang ilaw.
Sa tapat naman ay agad akong naglakad patungo ron. Kumatok naman ako at di ko inaasahan na ibang tao na ang magbubukas nun.
"May kailangan ka iho?" Isang babae na nasa edad 40's ang nagbukas nun. Nakita ko naman sa loob na kumakain ang dalawang bata na anak niya.
"Uhm, asan na po yung nakatira dito dati? Yung matandang lalaki po tapos meron po siyang dalawang apo" Sabi ko naman sa kanya. Ayokong isipin na patay na si lolo pero ano na kayang nangyari sa kanila?
"Ah naku lumipat na sila ng matitirahan. Yung tatay kasi nung dalawa binilihan sila ng bahay, mayaman na rin sila ngayon" Bahagya akong napangiti dahil alam ko na nasa maayos na lugar na sila.
"Ganun po ba? Alam niyo po ba kung saang bahay iyon?"
"Pasensiya na pero nakalimutan ko na eh"
"Ah ganun po ba? Sige po maraming salamat at pasensiya po sa abala" Sabi ko naman sa kanya. Isinara niya na ang pinto at pagtalikod ko.....
"Steven?" Teka, hindi ba't si Blythe ito?
"Blythe?"
"Teka Steven, anong ginagawa mo dito?"
"Uhm, gusto ko lang kasi sanang bisitahin si lolo kaso sabi nung bagong nakatira dun binilhan ng bahay sina lolo kaya dun na sila nakatira ngayon" Nagkaroon naman ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Siya nga pala anong ginagawa mo dito Blythe?"
"Ang totoo niyan diyan kami sa bahay na yan nakatira dati" Napatingin ako sa bahay na tinuro niya. Kung ganun siya ang isa sa apo ni lolo?
"Talaga? Kung ganun ikaw yung isa sa apo ni lolo?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Kaklase ko pala ang apo ni lolo.
"Oo. Pero teka pano mo nalaman? Tsaka pano mo nakilala si lolo?"
"Naku mahabang kwento pero kung gusto mong marinig ang kwento siguro sa ibang lugar na lang muna tayo ang dilim kasi dito eh" Medyo natawa naman kami kaya lumabas na kami dito at nagtungo sa isang Coffee Shop.
-Blythe Point of View-
"Ikaw na muna ang magbantay kay lolo ah? May pupuntahan lang ako" Lumabas ako sa Hospital at hindi ko alam kung bakit nais kong pumunta sa may dati naming bahay sa liblib na lugar. Siguro gusto ko lang makita kung maayos pa ba ang bahay namin dun o hindi na.
Hindi naman ito malayo sa Hospital ang totoo niyan medyo malapit lang rin ito. Medyo nakakatakot nga lang dahil nasa liblib na lugar tapos madilim pa. Akala ko nga pagdating ko dun nakakita na ako ng lalaki na multo pero pagharap niya nakita ko na si Steven ito.
Labis akong nagtaka dahil ano naman ang ginagawa niya dito ng gantong oras? Hindi ba siya natatakot dito? Tapos ng sabihin niya na kilala niya ang lolo ko nagtaka rin ako kung paano pero ng dalihin niya ako sa isang Coffee Shop at dun kinuwento sa akin lahat ay akin naman itong naintindihan. Kaya naman pala.
BINABASA MO ANG
Mystery Killer 3: The Last Mystery
Misteri / ThrillerBagong buhay......Bagong Pag-asa.... Sa paglabas ni Johanna sa Girl's Town handa na nga kaya siyang harapin MULI ang mga bagong pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Malalaman pa ba niya kung sino talaga siya? Malalaman pa kaya niya kung sino ang...