Mystery Killer 3: The Last Mystery
Chapter 11: It's Just the Start
-Johanna Point of View-
'Gusto ko sanang humingi ng favor sa iyo kung ayos lang'
'Favor? Anong favor Oliver?'
'Diba papasok yung walo mamaya sa Building na yun? Gusto ko sana para may thrill bukod dun sa nakakatakot na trivia gusto ko sana na may mananakot. Gusto ko na takutin mo sila bilang White Lady'
'Ha? Ah-eh.....'
'Please?'
'O sige basta text mo na lang ako ah?'
Naalala ko naman yung eksena namin na yun ni Oliver nung nasa Clinic ako kahapon. Totoo na sumakit ang ulo ko at kaya umuwi na agad ako eh dahil dun sa sinabi ni Oliver. Nagsinungaling pa nga ako kina mama na may gagawin lang kaming project para lang makapunta dun eh.
Sa tanang buhay ko first time kong magsinungaling para lang dun. Tuesday na ngayon at oras nanaman para pumasok sa bago kong School bali 1 week and 2 days na ako ngayon dun. Bigla kong naisip si Simon, papasok kaya yun ngayon? Ang malaking katanungan namin ngayon eh kung sino ang gumawa nun kay Simon.
Malakas ang kutob ko na wala sa amin ang may gawa nun sa kanya. Tsaka dun naman sa mga naghintay wala naman daw na umalis sa kanila nung mga oras na yun.
Posible kaya yung sinabi ni Mavis kagabi?
'Baka naman isa sa mga kaklase natin na hindi sumama?'
Napa-isip ako sa sinabi niyang iyon. Ilan lang ba sa amin ang hindi sumama? Bali walo lang naman ang wala dun eh.
Sina:
Noah
Steven
Dennis
Martin
Paulo
Kitkat
Apple
Shanaia
Kung tama man si Mavis na isa dun sa mga di sumama ang may gawa nun kay Simon ano naman ang rason? Pakiramdam ko papatayin niya na si Simon dahil sa ginawa niya eh dahil ang tira talaga eh sa ulo. Buti na lang at hindi ganun kalala. At talagang ginawa niya pa talaga yun dun mismo.
Hindi na ako kumain ng breakfast dahil wala akong gana. Di ko nga rin alam kung bakit. Yung dalawa naman hindi ako naihatid dahil may gagawin pa sila ng maaga sa school nila. Bukas na lang raw nila ako hahatid, sundo.
"White Lady!" Napahinto ako sa paglalakad ng may tumawag ng ganun. Kaya naman napalingon ako sa likod ko.
"Oh bakit Ethan?" Sabi ni Kuya Kenneth, be nice to him. Kaya susubukan ko na ngayong araw. Kahit na dapat eh kahapon pa.
"Sabay na tayong pumasok" Hindi na lang ako umimik at pumasok na kami sa loob ng tuluyan. Bakit parang wala akong gana ngayong hapon? Hay, kulang lang siguro ako sa tulog.
"Ang tahimik mo ah? Di ka rin masungit. It's unusual para sa iyo" Sabi naman niya. Oo nga eh, parang wala sa utak ko ngayon ang sungitan siya.
"Pwes sulitin mo na dahil baka ngayong araw lang ako hindi masungit" Sabi ko naman sa kanya.
"Oo ba! Teka nga lang alam mo sa totoo lang di ko alam na ikaw pala yung White Lady na pinagpanggap nina Oliver. Bakit ka naman pumayag?"
"Ngayon lang naman humingi ng favor yung tao kaya pinagbigyan ko na. Tsaka isa pa para kapag ako naman ang humingi ng favor sa kanya pagbibigyan niya rin ako diba?" First time ata namin na mag-usap ng walang bangayan. Kung sabagay, ako naman ang nangunguna dun.
BINABASA MO ANG
Mystery Killer 3: The Last Mystery
Misterio / SuspensoBagong buhay......Bagong Pag-asa.... Sa paglabas ni Johanna sa Girl's Town handa na nga kaya siyang harapin MULI ang mga bagong pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Malalaman pa ba niya kung sino talaga siya? Malalaman pa kaya niya kung sino ang...