MK 3: Prologue

788 20 3
                                    

Mystery Killer 3: The Last Mystery

Prologue: What Happened Years Ago

August 13, 2000

Sa loob ng isang bus, isang lalaki na may karga-kargang bagong silang na sanggol ang makikita sa pinaka-dulong upuan ng sasakyan.

Agad siyang pumara ng mapagtanto niyang malapit na siya sa kanyang paroroonan.

Kinakabahan, tila hindi alam kung tama ba ang kaniyang gagawin. Ngunit para sa kanya alam niyang ito muna ang nararapat na gawin hindi lamang para sa kanya kundi para na rin sa kanyang asawa at anak.

HOLY SHELTER

Napatingin ang lalaki sa kanyang anak na mahimbing na natutulog. Merong parte sa kanya na aminin na lamang ang katotohanan kesa iwan ang anak sa bahay ampunan ngunit naisip niya ang mga posibilidad na maaaring mangyari.

"Anak, patawarin mo ako. Wag mong kakalimutan na mahal na mahal ka namin ng mama mo pero anak......kailangan kasi gawin toh ng papa eh. Pero hayaan mo dahil balang-araw babalikan ka ni papa rito at itatama ko ang mga pagkakamali ko"

Hinalikan na nito ang anak na punong-puno ng pagmamahal at paghingi ng tawad.

Bago tuluyang lisanin ang anak. Kinuha niya ang pendant ng kanyang asawa at inilagay ito sa baby basket ng kanyang anak.

"Paalam, anak"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Paalam, anak"

---

"Diyos ko! Mother Rosy, saan nanggaling ang batang iyan?" Tanong naman ng kasamahang madre ni Mother Rosy.

Tinignan naman ni Mother Rosy ito at binigyan ng isang matamis na ngiti. "Sabihin na lang natin na ang sanggol na ito ay hulog ng langit ng Diyos para sa atin" Sagot naman nito.

"Kawawang sanggol, iniwan ng kanyang ina" Nasambit na lamang ng madre kay Mother Rosy.

"Ina?" Tanong naman ni Mother Rosy.

"Opo Mother. Ang mga ina naman po ang laging nag-iiwan sa kanilang mga anak hindi ba?" Unti-unti namang napatango si Mother Rosy.

"Hindi kawawa ang batang ito. Alam kong darating ang araw na babalikan siya rito ng mga magulang niya. May rason sila at kung ano man yon alam kong balang araw maiintindihan rin iyon ng batang ito" Sabay tingin sa sanggol na tila natatawa sa itsura ni Mother Rosy.

"Naku! Napaka-cute naman ng sanggol na iyan. Tignan mo Mother oh gustong-gusto ka niya!" Panggigigil naman nito sa sanggol na karga-karga ni Mother Rosy.

Napangiti na lamang si Mother Rosy. "Siya nga pala Mother, anong ipapangalan mo sa sanggol na iyan kung gayong ikaw naman ang nakatagpo sa kanya?" Tanong naman nito kay Mother Rosy.

---

After 6 years.....

"JOHANNA! Kakain na! Tama na ang laro!"

Mystery Killer 3: The Last MysteryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon