Mystery Killer 3: The Last Mystery
Chapter 8: Connected
-Angel Point of View-
Pumasok ako sa loob ng kwarto kung saan naka confine si lolo. Nakita ko naman si Blythe na nakatulog na rin sa pagbabantay. Pinauwi niya na muna ako kagabi para makapagpahinga kaya bumalik ulit ako dito dala ang ibang gamit. Sabi kasi ng doktor baka abutin pa ng ilang araw si lolo rito.
Naupo na muna ako at pinagmasdan si lolo. Naaawa ako sa sitwasyon niya ngayon. Inaasahan na talaga namin toh ni Blythe dahil matanda naman na talaga si lolo, he's already 80 years old kaya nakakaramdam na siya ng mga ganitong bagay. Kung isang araw bigla na lang mawala si lolo kami na lang ni Blythe ang matitira.
Hiwalay na kasi ang parents namin ni Blythe. Si mama nasa Canada bilang Caregiver si papa naman hindi namin kasama dito dahil may iba na siyang pamilya. Mas masaya nga siya dun eh, nakakainis lang. Nagtrabaho lang si mama sa ibang bansa nambabae na.
Pero salamat na rin kay papa dahil nagkaroon kami ng malaking bahay at kotse. Hindi na ako magmumukhang mahirap sa mata ng mga kaklase ko lalo na nung elementary pa lang. Nakatira lang kasi kami dati sa mala-gubat na lugar tapos maliit lang bahay namin pero nung pagka-graduate namin ng elementary ni Blythe niregaluhan lang naman kami ni papa ng bahay at kotse.
Kanina bago ako umalis sa bahay tinext ako ni Althea kung bakit hindi ako nakapunta, bakit hindi nila ako tinext kagabi? Bakit ngayon lang? Mukhang nakapag-enjoy naman sila kahit wala ako. Sinagot ko na lang siya na sumama ang pakiramdam ko. Si Kian lang naman na boyfriend ko ang nakaka-alam ng totoong dahilan at alam ko namang hindi niya sasabihin yon sa iba naming classmate. Siya, ako at si Blythe lang ang nakakaalam ng totoo naming relasyon na ako at si Blythe at magkapatid.
4th year na kami at oo ang tagal namin tinago yung totoo na magkapatid kami. Si Ethan naging boyfriend ko rin siya pero hindi niya alam na kapatid ko si Blythe. Ayaw kasi nina Althea sa grupo nina Blythe kaya ang sabi ko sa kanya noon magpanggap na lang kami na hindi magkakilala ng sa ganun makapasok ako sa grupo nila. I want to become famous like them.
-Flashback-
Nung first year highschool pa lang sikat na agad sina Althea, Dianna at Zoey. Para sa akin ayoko namang maging boring ang highschool life ko na nasa isang sulok lang kaya napagdesisyunan ko na sumali sa grupo nila.
"Ano? Sasali ka sa grupo nila?" Nasa garden kami ni Blythe that time at lunch break namin.
"Oo, ano sa tingin mo? Alam mo kung ayaw mong sumali sa grupo nila edi ako na lang" Naupo naman ako sa tabi niya. Nung mga oras na rin na yun magkasundo pa kami ni Blythe. Pero ngayon masasabi kong hindi na dahil kahit mas matanda siya sa akin ako ang nasusunod.
"Angel, kung gusto mong maging sikat wag sa ganung paraan. Eh alam mo naman ang mga ugali nun diba? Ibig sabihin magiging ganun ka din?"
"May iba pa bang paraan para sumikat ako?"
"Oo naman mag-aral ka ng mabuti. Sa ganung paraan makikilala ka"
"Eh hindi naman ako kasing-talino mo eh kaya mahihirapan ako dun. Ah basta! Sasali ako sa grupo nila"
"Bahala ka nga"
Alam kong ayaw niya akong sumali dun dahil sa ugali nung tatlo pero sa huli sinuway ko siya at kailangan kong gawin ang mga bagay na hindi maganda. Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang manakit ng iba. Nagre-reyna-reynahan sila sa buong eskwelahan. At kahit masasama ugali nila sikat pa rin sila at hinahangaan ng mga lalaki.
"So you want to join our group?"-Althea
"Ah oo gusto kong sumali sa grupo ninyo" Nagtawanan naman sila nun.
BINABASA MO ANG
Mystery Killer 3: The Last Mystery
غموض / إثارةBagong buhay......Bagong Pag-asa.... Sa paglabas ni Johanna sa Girl's Town handa na nga kaya siyang harapin MULI ang mga bagong pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Malalaman pa ba niya kung sino talaga siya? Malalaman pa kaya niya kung sino ang...