Mystery Killer 3: The Last Mystery
Chapter 6: Welcome Party Part 1
-Jonathan Point of View-
Kinagabihan, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ako at si Noah lang ang nasa Welcome Party ni Johanna. Yung gago talaga na yun siguro planado niya talaga yun para makapag-usap na kami ni Noah at magbati na.
Kami? Expect niya na mag-usap para okay na? Si Noah pa eh pihadong kahit magkitaan kami dun eh hindi rin kami magpapansinan at mag-uusap depende na lang kung gusto nanaman ni Noah ng away. Siya naman lagi nag-uumpisa eh.
Itong si Oliver talaga ang lakas din ng trip. Pumayag na lang ako kesa magreklamo pa. Sinabi niya pang requested daw ako nina Althea. Ang daming babae dun kaya pihadong halos kalahati sa kanilang mga lalaki nandun na sa Welcome Party ni Johanna at iilan na lang sila dun kina Steven.
Dapat kasi pinag-isa na lang nila. Bakit kailangan paghiwalayin pa? Medyo nakaka out of place din dahil puro babae dun. Kung pwede lang di pumunta eh kaso may parusa daw.
Andito na ako sa bahay mag-isa, hindi ko alam kung saan pumunta si papa. Ayoko mang kutuban na baka may babae siya pero masisisi ko ba siya? Eh nasa ibang bansa si mama nagtatrabaho kaya wala ng time para sa kanya.
Oliver Calling....
Sinagot ko naman ang tawag ni Oliver ng tumawag siya sa akin.
'Hello? Oh bakit?'
'Hi Jonats sorry ah? Eh kasi nirequest ka nina-'
'Hindi nga? Alam kong ginawa mo yun para magka-usap kami ni Noah diba?'
'Ah-eh....hayaan mo na. Tsaka nirequest ka naman talaga ni Althea eh kaya dun ka na lang'
'Seriously Oliver, inaasahan mo pa na magkakabati kami ni Noah dahil kami lang ang lalaki bukas sa Welcome Party na yun ni Johanna? Syempre ayaw na ayaw namin sa isa't-isa kaya hindi kami mag-uusap. Tsaka pwede ba pag-isahin niyo na lang yung Party?'
'Sorry Jonats eh napagkasunduan na kasi namin ni Zoey na ganun ang gawin. Eh syempre dahil mahal ko yun sumunod na ako. Actually sila Althea ang nagpasimuno nun nung malaman nilang meron kaming Welcome Party for Steven'
'Bahala ka na nga! Pero pupunta pa rin ako nakakahiya naman kung hindi tsaka ayoko ng parusa mo'
'Hahaha! Buti alam mo sige enjoy na lang sa Party niyo dun ah? Swerte niyo nga ni Noah puro babae kasama niyo kaya makaka-score kayo dun. Hahaha!'
Binaba ko na ang tawag. Ano pa nga bang magagawa ko? Pag si Zoey talagang susundin nitong si Oliver. Mahal na mahal ni Oliver yun eh kaso si Zoey pakipot pa. Hay nako.
Sana nga lang tahimik lang bukas si Noah baka kasi gumawa nanaman siya ng move para magkalapit ang mga kamao namin sa isa't-isa.
-Kian Point of View-
"Sabi ni Oliver siya na daw ang bahala sa Welcome Party ni Steven tas ngayon tayo pinabibili niya ng mga alak" Nagrereklamo namang saad ni Mark. Kasama rin namin sina Simon at Zac dito sa Supermarket.
"Nagreklamo ka pa eh alam mo naman na ito na lang ang contribution natin para dun" Sabi ko na lang sa kanya. Mas masarap nga yung may contribute ka sa isang bagay tutal kami rin naman ang makakapanginabang nun.
"Oo nga ito talagang si Mark, eh sa ating apat nga ikaw yung pinaka-malakas uminom diyan. Ambag na nga lang nating apat toh eh"-Zac. Meron kaming tig-iisang cart at punong-puno lang naman yun ng alak pero syempre naka-ayos naman sa iisang lalagyan kumbaga sa isang balot kunwari ng candy lima ang nandun. Buti na lang at meron akong sasakyan kaya diretso dala na rin namin toh sa bahay nina Oliver ngayon para pagdating namin dun wala na kaming mga dala-dala.
BINABASA MO ANG
Mystery Killer 3: The Last Mystery
Misterio / SuspensoBagong buhay......Bagong Pag-asa.... Sa paglabas ni Johanna sa Girl's Town handa na nga kaya siyang harapin MULI ang mga bagong pagsubok na darating sa kaniyang buhay? Malalaman pa ba niya kung sino talaga siya? Malalaman pa kaya niya kung sino ang...