Chapter 18

55.6K 775 304
                                    

SURPRISE! Another update! YAY for me~~ 

So vote kayo, para hindi unfair ha! Comment na rin kayo ng marami. Sobrang nakakakilig yung last chapter. Enebe :">

So eto na ang Chapter 18. Interesting 'tong Chapter na 'to! I PROMISE :">

Comment please! :D

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 18 : On My Mind

“Bes! Ano ba? Tititigan mo na lang ba yang picture nyo?” nandito ngayon si Julia sa bahay namin, kaaga aga. Pano, gusto mag pakwento tungkol sa nangyari kagabi sa Acquiantance namin. Di kasi kami nagkita diba?


At oo, may picture kaming dalawa ni unggoy. Kaso naka maskara. Pero okay na yun, kaysa wala. Diba?


“Di ko naman tinititigan.” Sabi ko sabay bitaw dun sa picture. Nasa kwarto nga pala kami.


“Ayiiii. Kinikilig ka lang eh!” panunukso niya sakin habang nakangiti sya ng malaki.


“Eeh. Ikaw dyan eh!” ganti ko naman.


“Hihihi. Eh kasi naman, buong gabi kaya kami magkasayaw ni Diego.” Wow? Kami nga isang beses lang sumayaw eh.


“Ma’am, may bisita po kayo.” Sumilip yung Yaya namin tapos umalis na rin.


“Sino naman?” tanong ko.


“Baka si Daniel! Ayiiii!” eto na naman po si Julia, di na natapos sa panunukso.


“Di yun!” sabay baba ko sa kama tapos lumabas na ako ng kwarto.


Sino nga yun? Ang aga pa kaya.


“Good morning ladies.” Sabay kindat nya samin.


“Kuya JC!!!” sabay pa naming sigaw ni Julia. Tapos tumakbo na kami papunta sakanya.


“Happy Birthday po!” sabi ni Julia.



OMG. BIRTHDAY NYA NGAYON?! ANONG DATE NA BA?!


August 14 na! Oo nga! Birthday nya na! BAKIT KO NAKALIMUTAN?!?!


This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon