Chapter 38 : Official MU
“Grabe no? Official M.U. na pala sila.”
“Oo nga. Grabe. Di ako makapaniwala.”
“Ako rin eh. Parang dati magkaaway sila lagi.”
“Ang swerte nya naman no!”
“Oo nga! Sana kami nalang!”
Napatingin ako sa dinadaanan namin. Oo, namin. Papasok kasi kami ngayon ni Daniel ng school, aha! Di na unggoy tawag ko sakanya. Haha! Ayun, tapos kami yung pinag uusapan. Halata naman eh. =_=
“Hayaan mo sila. Tara na.” tapos pumasok na kami ni Daniel sa classroom. Anong nangyari kahapon? Eto…
Flashback
“Daniel…”
Nakatingin lang sya sakin, nag aantay ng sagot.
“Wala ka bang balak manligaw muna?” tanong ko sakanya. Natawa naman sya tapos kumamot sa ulo nya.
“Haha. Eh kasi… lahat sila hindi nagpapaligaw eh.”
“Sinong sila?”
“Yung mga naging girlfriend ko.”
“At igagaya mo pa ako sakanila?!” sigaw ko sa tenga nya, napalayo naman sya sakin.
“Chill.” Tapos hinawakan nya ako sa balikat. “Okay, liligawan kita. Pero… M.U. na tayo, pwede?” tiningnan nya ako ng isang tingin na nakakadiri. Hahaha!Puppy-dog eyes?!
“Wag mo ngang gawin yan, mukha kang aso!”
“Ako aso?! Ang gwapo ko naman para maging aso!” sabi nya. Medyo sigaw pala. Haha!
Tumawa na lang ako dun, pero mahina lang.
BINABASA MO ANG
This Crazy Love (PUBLISHED)
FanfictionCOMPLETED KathNiel Fan Fiction. Mga kabataang sumusubok sa kapalaran ng pag-ibig.Naranasan mo na bang umibig sa taong kaaway mo since birth? Yung taong mayabang, maangas, mukhang unggoy, utak ipis at ugaling demonyo? Pero sinasabi nila, 'HEARTTHROB'...