Sorry late! Nag cheering practice kami buong araw eh. Nagmadali nga ako umuwi para sainyo. Whole day kasi cheering namin, and I'm stressed. Forgive me. :( #share
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 19 : Give me the chance to love you
“Kath, will you give me the chance to love you?”
*BLAAAAAAAG* binagsak ni unggoy yung gitara nya at umalis.
Napatingin kaming lahat kay unggoy, papalabas na siya ng convention hall. Nakatalikod na siya sa lahat ng tao, pati ako nawindang. Dobleng kawindangan. Una, nagconfess si Kuya JC na ako yung babaeng gusto niya, pangalawa, nagdabog papaalis si unggoy. Anong meaning nun?!
WAAAH. I’M CONFUSED.
“Kath.” Napatingin ako sa harap ko, nasa harap ko na si Kuya JC. Sa mismong harapan ko. Oo! Natetense ako. Di ko alam ang gagawin ko, ngingiti ba ako o tatakbo kasi di ko alam ang gagawin ko?
“K-kuya Jc.” Pautal kong nasabi. Ewan ko, tense na tense talaga ako. Ngayon lang naman kasi may nagkagusto sakin eh. Pati, si Kuya JC kaya yun!!! Si Kuya JC na kapatid ni unggoy!! Si Kuya JC na kaclose kong kababata ko!
“Kath, wag ka sanang mailang sakin.” Nabaling naman yung tingin ko kay Kuya JC. Nandito nga pala kami sa labas, kasi kainan na sa loob. Niyakad nya akong lumabas para makipag usap.
Nasan na kaya si unggoy?
“Kath.” Tapos napatingin ako sa kanya. Nakatulala lang pala ako. Bakit ko kasi iniisip yung unggoy na yun? Na maninira ng gitara? Binagsak ba naman?
“Okay lang kahit di mo muna sagutin yung tanong ko. Makakapag intay ako.” Nagulat naman ako dun. Iintayin niya ako? Pano kung di ako makasagot? As in forever? Iintayin nya parin ako? Sabihin ko kaya sakanya yung totoo? Na hindi ko siya gusto? Na unggoy nyang kapatid ang gusto ko? Na dun ako sa unggoy na yun nahulog?
“Kuya – ”
“JC! Bro, hey! You have a visitor here. Come up!”sabi naman nung kabanda niya. Di ko alam pangalan eh. Ayan, di ko tuloy nasabi.
“Okay!” sabi niya dun sa kabanda niya. “Kath, una na muna ako.” Tapos tumango naman ako. At umalis na siya.
BINABASA MO ANG
This Crazy Love (PUBLISHED)
FanfictionCOMPLETED KathNiel Fan Fiction. Mga kabataang sumusubok sa kapalaran ng pag-ibig.Naranasan mo na bang umibig sa taong kaaway mo since birth? Yung taong mayabang, maangas, mukhang unggoy, utak ipis at ugaling demonyo? Pero sinasabi nila, 'HEARTTHROB'...