THIS IS A SHORT UPDATE. So sorry. Ang onti kasi ng votes ng last chapter eh :((
Bumoto kasi kayo at magcomment para fair sakin. OK? :D
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 15 : JC
Hi readers. Ako nga pala si JC. Ang kapatid ng pinagkakaguluhan ng maraming babae na si DJ. Full name ko? Wag na, ang baho eh. Hahaha. Sige na, para sainyo sabihin ko na real name ko, Jose Carlito F. Padilla. Nakuuu. Wag nyong sasabihin yan sa fans ko sa America baka mawala sila. Hahahaha!
Pero call me JC.
Matagal na kaming magkakilala ni Kat. Simula pa noong 7 years old ata siya? Di ko tanda. Basta bulilit pa lang kami nun. Ang cute cute nya nga sa salamin nya eh.
Teka, bakit ako bumalik sa Pinas? Wala, namiss ko sila. Lalo na si Kat. Oo, bukambibig ko si Kat. Kasi may gusto ako sakanya. Wag na kayong magtaka kung bakit. Kasi ang bait nya at ang ganda pa, kahit nerd yun.
Sobrang nahirapan nga ako nung kinailangan kong umalis kasama si Daddy sa America. Aasikasuhin daw yung kompanya namin tapos dun na rin ako nakapagaral. Eh kasi ayaw ni Mommy mapawalay si Dj sakanya kasi bata pa si Dj nun.
Kaya sa America, sumikat ako. Ewan ko kung pano. Kumanta lang ako isang beses sa singing contest sa school naming tapos nakuha akong vocalist ng isang teen band dun. At ayun, sumikat ako kahit in trainings palang ako ng 1 year. Tapos eto nga, iniwan ko yung career ko dun para makita si Kat.
Pero babalik din ako dun, kasi kailangan…
“Kuya, aminin mo nga sakin.” Tiningnan ko naman si Dj na nasa tabi ko dito sa sasakyan namin. “May gusto ka pa ba kay Kat?” tanong nya ng seryoso. Parang ngayon ko lang nakita tong kapatid ko na seryoso ah. oo, alam ni Dj na may gusto ako kay Kat noon.
“Ako? Bat mo naman natanong?” tiningnan ko sya at nakatingin lang din sya sakin. Ang tagal nya bago makasagot. Tinitigan nya muna ako tapos saka sya tumingin ulit sa bintana.
“Wala.” Tapos naging tahimik na kaming umuwi.
Kinabukasan. Sa school na nga pala ako nila Dj napasok. College na ako. Ang course ko ay Theater, major in Music. Syempre, kasi singer na ako sa America, pero one year akong mawawala dahil kailangan.
As usual, irit ng mga babae at flash ng mga camera ang sumalubong sa umaga ko. Kasabay ko rin si Dj, pero iniwanan nya lang ako at dumiretso sya sa building nya. So now, I need to do my magic powers.

BINABASA MO ANG
This Crazy Love (PUBLISHED)
FanfictionCOMPLETED KathNiel Fan Fiction. Mga kabataang sumusubok sa kapalaran ng pag-ibig.Naranasan mo na bang umibig sa taong kaaway mo since birth? Yung taong mayabang, maangas, mukhang unggoy, utak ipis at ugaling demonyo? Pero sinasabi nila, 'HEARTTHROB'...