AJ's POV
"May the best man win?" Putteekk.. Wrong move ang ginawa ko. Mukhang mas magkakalapit pa ang dalawa. Kailangan kong umisip ng plano pra di tumuloy si Mart sa balak nyang panliligaw kay Geanna.
Isip isip.
"Mart, bakit si Geanna pa? Bakit di na lang a-" Ako
"Bakit di na lang sino? Nasabi ko na sayo, nalove at first sight ako sa kanya." Mart
"Mga Pre, mukhang mainit ang usapan natin ah. Idamay nyo naman kami" Si Alex. Kaibigan din namin, Basketball player din. Kasunod nya ang 2 pa naming kabarkada, sina Renz at Gelo.
Sa barkadang ito, ako lang ang hindi basketball player. Pinlano ko talaga na maging kaibigan ang mga ito, siguro naman nagets nyo na kung bakit ? Hihi..
"Alex, Renz at Gelo, may liligawan ako, si Geanna, kababata ni AJ, na liligawan din nya" Sabi ni Mart sabay hagis ng bola kay ALex
"Ganun, cool... Gusto kong makilala yan. Ang babaero nating kaibigan at ang NGSB, manliligaw sa iisang babae? Tignan natin ang mga diskarte ng mga to" Alex sabay bato ng bola kay Renz at Gelo.
Nag-away pa ang dalawa. Tsk.
"Ako ang nakakuha ng bola" Gelo
"Ako kaya! Ano ba, isusumbong kita kay mommy!" Renz
"Sumbungero! Isumbong kita kay daddy eh!" Gelo
"Sumbungero daw ako, eh ikaw din naman!" Renz
" Hoy kayong kambal, wag nga kayong magulo! Dapat pala di ko na kayo isinama dito eh" Alex
"Isusumbong ka namin kay Alyssa, ano ha?" sabay na sabi ng kambal
Alyssa, girlfriend ni Alex na kapatid ng kambal. Haha.. Ngayon na magfifirst year college na kami, bihira na lang siguro mabubuo ang barkada.
Si Alex ay Civil Engineering ang kinuha.
Si Renz naman ay nagInformation Technology
At ang kakambal naman na si Gelo ay magAaccountancy. Haha..
Ako at si Mart ay magBubusiness Administration Major in Marketing.
O baka naman isipin nyo na kaya ako nagBA kasi andun si Mart, well, 15%lang siya sa reason ko kung bakit ko gustong magBA.
"AJ, nakikinig ka ba ha?" Gelo
"Ahh ano un?" Sabi ko
"Ang sabi ni Mart, gala daw tayo sa isang araw. Magpunta tayo sa mall, isama mo si Geanna." Ako
"Bakit ko naman isasama ang--si Geanna?" Ako
"Para makilala namin" sabay sabay na sabi ng 3. Hayysss.. Kailangan kong umisip ng maraming plano para tigilan na ni Mart si Geanna.
BINABASA MO ANG
His or Her?
Teen FictionI like him but it seems to be that he's not interested sa girls. He likes his friend--- Bromance? And He realized that he likes me na--- Realization or Confusion?? Feel free to read my story and you will see the magic of life (specifically Love)