HoH? - The Diary

91 3 0
                                    

AJ's POV

Hmm.. Naliwanagan na ako, OO, sigurado na ako sa desisyon ko. Matapos sabihin ng dalawa kong ate ung tungkol sa basta alam nyo na un XD Haha..

Ung tungkol sa naguguluhan na nakita ko sa playground which happens to be me talaga.

Ambilis nga eh, ambilis ng pangyayari na naliwangan agad ako sa totoo kong feelings.

-Flashback-

Nagkasakit si GJ, ako ang magdamag na nagbantay sa kanya.

Inaantok na talaga ako, sina ate wala pa, 10pm na ah. Tsk.

Ano bang pwedeng gawin? hmmm.. okay lang naman siguro na tignan ang mga libro nya sa lamesa? Hmmm..

Ano kaya itong maliit na notebook na ito?

Matignan nga.

0.0

Isang diary??

Tinignan ko si GJ na mahimbing na natutulog, di ko mapigilan na hindi tignan ang diary na un. Hmmpp.. mabasa na nga, tsk. 

Alam kong pakielamero ako pero kasi ihh!

Basa.

-May 19, 2003-

Dear Diary,

Nakakapagod ang araw na ito. Nagbyahe kami mula Laguna papuntang Manila. OO, dito na kami titira. Hmmm.. Nalulungkot ako dahil di ko na kasama si Tonton, di ako nakapagpaalam sa kanya. Nagiwan na lang ako ng sulat sa kanyang drawer, sana nakita nya. Mamimiss ko talaga sya. Huhu...

-May 20, 2003-

Dear Diary,

Di pa rin sya tumatawag, marahil ay galit sya sa akin. Marahil ay nagintay sya sa playground at nakakita na ng mga bagong kaibigan. Nasakit ang puso ko, gusto ko ng bumalik sa Laguna. Huhu..

Tigil.

Parang may nagbukas ng pinto, baka sina ate na yan. Tsk.

Di nga ako nagkamali sina ate nga!

"Oh! AJ, bakit gising ka pa? Tsaka anong nangyari kay Jeanjean? May sakit sya?"

"OO ate! Bakit ngayon lang kayo ah! 10:30 na!"

"Sorry na po Kuya este Bunso! Sige na, bukas na kami magpapaliwanag. Kami na jan kay Jeanjean, matulog ka na."

"Sige mga ate" 

Pumasok na ako sa kwarto ko at 

hawak ko pa pala ang diary. Nakow..

Maituloy nga ang pagbabasa XD

Pero bago un, tinignan ko ung drawer ko nung bata pa ako,  O diba? Antibay. Syempre Orocan eh. Haha..

Di ko na kasi nagalaw ito mula ng umalis sya, lalagyan kasi namin ito ng mga laruan at memorabilia. Haha..

Hanap. Hanap.

May isang naninilaw na papel ang nakita ko, halatang 10 taon na ito doon.

Basa. Basa.

Dear Tonton,

Sorry Tonton kasi umalis kami na hindi ako nakapagpaalam. Nagmamadali kasi sila mama at papa. Sana maintindihan mo ako bestprend. Mahal na mahal kita, alam mo un, ikaw ang dabest na kaibigan sa buong mundo. Kiniss ko sa pisngi si Ninang Marie, sana umabot sayo ung kiss na un. Hihi.. Tawagan mo ako ha, nakalagay sa ilalim ang telephone number namin sa Manila. Babalik ako baka sa bakasyon, tulad ng pangako nina Mama sa akin.

Magiingat ka ah, kayong lahat!

--Jeanjean  (telephone number: XXX-XXXX)

Natulala ako, di ko na kinakaya ang mga nalalaman ko ngayon, nagintay sya na tumawag ako kung gayun nagiintay rin ako sa kanya. Nagintayan lang kami. Tapos, nung dumating sya, di ko man lang sya sinalubong ng ayos.

Ano pa? Ano pang malalaman ko ngayon?

Napatingin ako sa kama ko, nandun ang diary niya.

Lapit. Lapit.

Kuha. Basa.

-June 23, 2003-

Dear Diary,

Isang linggo na akong nagaral sa isang private school na malapit dito sa amin. Naiiyak ako kasi namimiss ko na sya, wala akong tagapagtanggol. Wala si Tonton, di man lang sya tumatawag sa akin. Nakakatampo pero di ko magawa kasi mahal ko ang best friend ko. Miss na miss na miss ko na sya. Sana magbakasyon na.

Marami pa akong nabasa na magpapatunay na miss na miss nya talaga ako.

-April 2, 2004-

Dear Diary,

Kung pwede lang ako mamasahe papunta kina Tonton, ginawa ko na. Di kami tutuloy kina Tonton, dahil daw masyadong "BUSY" si papa. Simula ng ipasa ni lolo ang pagiging presidente kay Papa dun sa family business namin, masyado na syang naging Workaholic. Tsk. Sorry Tonton.

Lumipas ang mga taon, di nya nagawa na makapunta dito dahil sa naging mahigpit si Ninong. Hmmm.. Marahil ay kaya nya ginustong magaral dito sa Laguna ay para makasama rin ako. Haayyss..

Maisarado na nga itong diary na ito.

Opppss... Ano itong nasa likod?

Bucket List naman? Ayos ah.. 2 in 1. Ang kapal ba naman ng notebook na ito.

Hmmm... matignan nga.

1. Go out with Tonton and family - check

2. Punta sa EK with Tonton -not yet

3. Go to the playground where you always play with Tonton - check

4. Make a scrapbook ' The dventures of Jeanjean XD' - processing

5. Meet Tonton's friend/s - check

6. Shopping with the 2 sisters - not yet

May plano ako.

-End of Flashback

Sigurado na talaga ako, tototohanin ko na ang plano ko.

His or Her?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon