HoH? - Bucket List

114 4 0
                                    

Geanna's POV

Mejo di naging maayos ang tulog ko. Marahil ay dahil kay Tonton,tsk, haaayyy... 

7:30am

Lalabas na ba ako ng kwarto? Baka kasi makita ko siya agad pagkabukas ko ng pinto. OM! Baka bigla akong himatayin. 

Maitext nga si Ate Angie o kaya ay si Ate Aiko

Good morning Ate! Nasa baba ka po ba? Anjan na po ba sa labas si Tonton?

Mali. mali. May work nga pala ung dalawa.

Bura. bura.

Makalabas na nga ng kwarto na to.

Enggkk... Pagbukas ng pinto.

Hooo.. Buti di nagbukas ang pinto ng kwarto nya.

Makapunta na nga sa dining area at baka andun si ninang.

At di nga ako nagkamali, andun nga si ninang at kausap si Mama sa cellphone nya.

Sumenyas ako kay ninang na kakain muna ako bago ko kausapin si Mama. Hihi..

"Ahh eto na! Haha.. OO naman, naku.. nagpunta nga sila ni Angie nung isang araw sa Nuvali. Tas kinabukasan nagpunta kami sa Tagaytay. Aba'y dinaig pa ang 8 taong gulang eh. Haha.. OO nga namiss nya ang lugar natin.. Puputa si pare sa Singapore? Ganun, sige sasabihin ko sa anak mo. Mapasamahan kay AJ, kelan? Sa isang araw? Cge cge. naku kung walang pasok sa trabaho sina Angie at Aiko, panigurado sasamahan si Jeanjean. Haha.. Eto tapos na kumain ang anak mo, siya naman na ang kausapin mo. Cge, ingat kayo jan"

Kinuha ko ung cellphone ni ninang

"Mama! Haha.. Opo, ansaya nga po namin eh. Nareceive nyo po ba ung mga pictures? Ang gaganda po ano? Si papa may business meeting sa Singapore? sa isang araw ang alis nya? cge po pupunta ko jan. Bye ma! I love you po! Mwahh"

Sinauli ko na ung phone kay ninang. Biglang dumating si Tonton. Shemmss, pano ko sya titignan?

"Anak gising ka na pala? May ibabalita kami sayo" Ninang Marie

"Ano po Ma?" Tonton habang kumakain ng fried rice at bacon

"Pupunta kayo ni Jeanjean sa bahay nila sa Manila"

"hehe.. Yun eh kung ok lang sayo, Tonton." Ako

"O-oo. Okay lang sakin. Pero bago yan, aayain sana kita bukas sa mall. Okay lang ba?" Tonton

(0.0) Tinatanong ba nya ko dahil gusto nya makipagdate sakin?

"OO, sige. Bukas. ^__^"

First date. Kailangan kong magsuot ng magandang damit bukas. Sisimulan na ba nya ang panliligaw?

W-wait? Di pa naman ako sumasagot ng 'oo' dun sa tanong nya na kung pwede nya akong ligawan.

Psh. Bahala na nga.

Makapunta na sa kwarto, makapaghanap na ng isusuot ko bukas <3

Yellow long back dress?

Black Jumpsuit?

Simple blouse and shorts na lang kaya?

Baka gusto nya magpakaconservative ako?

Pants and Printed shirt?

Di talaga ako fashionista, I only own 5 pairs of shoes. 3 kinds of bag. Tska mga outdoor clothes na iilan lang. Si mama, gusto nya akong bilhan last time bago ako tumira dito. But I said, dito na lang ako sa Laguna bibili. ^___^

Isama ko na lang sa Bucket List ko. Tama.

Shopping with the 2 sisters. Hihi.. 

I have 5 things to do, na nakalista sa Bucket List ko. May nagawa na pala ako. Hmm..

6 na pala.

1. Go out with Tonton and family   ---check

2. Punta sa EK with Tonton           ---not yet

3. Go to the playground where you always play with Tonton        ---not yet

4. Make a scrapbook 'The Advetures of Jeanjean XD'     ---processing

5.Meet Tonton's friend/s     ---check

6. Shopping with the 2 sisters  

Makalabas nga at maaya si Tonton sa playground..

---

"Tonton!!!!!" Sigaw ko habang kumakatok sa kwarto nya.

Sabi kasi ni ninang, sigawan ko raw. Pumasok daw ulit sa kwarto eh.

"Ton-" Ako

"Bakit?????" Tonton na mejo irita

"Ahmm.. sorry. Kasi ano, ah, magpapasama sana ako sayo sa ano, sa-"Ako

"Saan? Sabihin mo na agad." Tonton

"sa playground."

"Playground. Psh. 16years old ka na. Sa playground pa ang gusto mo? Di ka ba nahihiya sa makakakita satin dun. Playground, haha.." Tonton

"Ayyy sige wag na lang pala. Ako na lang" Mejo malungkot kong sabi sa kanya.

"Sige na nga, intayin mo ko. Baka pagalitan pa ako ng mama ko nito pag di kita sinamahan eh, Sandali lang ah" Sabi nya sabay sara ng pinto.

Woo.. muntik na matamaan ang mukha ko dun ah. 

---

Playground

"Tonton! Naaalala mo pa ba noon, na pag umuupo ka sa swing, lagi kitang ginugulat mula sa likod. Niyayakap kita tas bigla ka na lang mahuhulog sa upuan.Haha.."

-_- ayan ang mukha ni Tonton. Hanggang sa makauwi kami, di sya umiimik. Hmm.. Bahala na nga.

"Good night." Sabi ko sa kanya without looking at him. I am about to open my door when he hug me from behind. (0.0)

"Good night din. Sorry di ako makaimik kanina sa lahat ng pinagsasabi mo, inaantok kasi ako eh."

"He-he.. Okay lang yun. B-bitaw na. He-he" At bumitaw na sya at tumuloy sa kwarto nya.

His or Her?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon