Mia
Its been a week since na announce yung tungkol sa Christmas Masquerade Ball at tungkol sa pagdating ng aming pinakamamahal na kaibigan si Athena. Today is Thursday 2 days nalng at Masquarade Ball na namin na gaganapin sa RLPA Hotel,pag-aari ng family ni Athena. Walang pasok ngayon dahil puspusan na ang paghahanda sa venue. Susunduin na namin ngayon si Athena sa airport mga 10:00 a.m
Excited na ako makita si Kim,rinig ba rinig ko ang boses ni Fiona habang pababa ako nang hagdanan na namin.
Oh!andyan na si Mia,sabi ni Melody
So let's go,pagaanyaya ko sa kanila.
Game,excited na sabi nila
*Airport
Shemmms! 5 minutes nalang mag-aarive na yung eroplano nya,weeee, excited na sabi ni Krissa. Grabe pala pag nanahimik si Krissa parang bulkan pala kapag nagsalita. Para syang dormant volcano na nahimik ng ilang taon ngunit pag-sumabog ulit boom kabog pala.
Ba't ang tagal nya naka-arive na yung eroplano pero wala pa sya,nandyan na yung ibang pasahero ng eroplano na sinakyan nya eh,iritableng sabi ni Fiona.
Guyys tignan nyo yung babaeng naka shades Na naka furry coat at naka 6-inches stilettos ,diba kamukha ni Thena ,paguusisa na sabi ni Melody
Oo nga nu,pangsangayon na sabi namin
Pero parang Hindi kasi Hindi naman sya nagsusuot nang ganung kataas na stilettos., pangongontra ni krissa.
Oo nga naman,pang-sangayon ni Fiona. Tumingin kami sa paligid still no sign of Athena.
15 minutes since lumapag na ang eroplano na sinasakyan nya pero bakit ganun wala pa rin sya,pang-aangal ni Krissa habang nakaupo sya.
Mag-tatake out nalang ako ng pagkain nyo wait lang ha.Habang naglalakad ako sa isang branch ng fastfood chain nang biglang may nakabanggaan ako.
Ay sorry miss,sabi ko sa babae
It OK ,sagot naman ng Babae
Napaisip ako,baka nakasabay nya sa flight nya yung pinsan ko, Si Athena
Ahm Miss nakita nyo po ba bestfriend ko sabay abot ng picture namin dalawang mag-pinsan.
Insan!!!!,sabi nung babae sabay yakap sa akin
Athena Kimberly Gonzales!?, sabi ko
Takte hindi mo na ako kilala, Wtf!,sabi ng babae
Hindi ka namin nakilala,sabi ko kay Athena
C'mon lets go may jetlag pa ako,sabi ni Athena
Halika na nga,sabi ko
Grabe kayo ha nawala lang ako ng ilang taon ganyan na kayo ha, sabi ni Athena.
Grabe pinsan ang laki na ng pinagbago mo,at Hala! Ikaw pala yung nakita namin na babae kanina,sabi ko na may gulat sa aking boses.
He he,sabi ni Athena.
Pagkadatin naming sa waiting area para sa mga magsusundo ay nagkaroon kami ng Mini Reunion
Laki ng pinagbago mo Thena- Melody
Hindi ka namin nakilala-Krissa
Ikaw pala yung babae kanina-Fiona
Kelan tayo magshoshopping para sa ball sa sabado,tanong ni Athena
Bukas nalang,sabi ni Melody
Ayaw nyo ngayon,tanong ni Athena
Kailangan mo mag-pahinga,sabi ni Krissa na halatang concerned kay Athena.
Oh! Sige. Kain nalang tayo sa labas. My treat,sabi ni Athena habang nakangiti.
Cge!,excited na sabi namin
Yes! Sa wakas kumpleto na ang barkada sa 5 taon na pagkakawalay namin sa isa't isa ngayon ay magkakasama na kami.
BINABASA MO ANG
Ipaglalaban Kita
Novela JuvenilHanggang saan mo kaya ipaglaban ang iyong pagibig para sa kanya?