Sabrina's POV
Malapit nang matapos ung conference. At oo andito parin si Cassandra sa tabi ko.
Kinausap naman kami ni Ate Kate. Ang sabi nya exempted naman na daw kami sa classes mamaya kaya pwedeng wag na kaming pumasok. At after daw netong conference pwede na kaming umuwi ung school staff na daw kase magaayos ng mga ginamit sa conference.
Ughh! Yes! Makakauwi na rin. Naririnig ko na kase ung closing remarks ni Miss Minchin eh ay este ni Mrs.Madrigal. Hahaha. Sorna. XD
"Hiii Jake!" narinig kong sigaw ng katabi ko. Sigaw ni Cassandra.
Wait tama ba ung rinig ko? Jake?! Andito sya. Tumingin ako sa gilid ko kung nasan si Cassandra and positive andito nga si Jake. Papalapit samin. Woohhh! Eto nanaman.
This time ako naman ung umiwas na lang ng tingin na kunwari tulala ako sa labas. Mukha na siguro akong tanga neto >_< :3
Di ko sila pinapansin pero nakikinig naman ako sa kung anong sasabihin nila. Hahahaha. Ako pa!
"Oh hi Cassandra." bati ni Jake. Wow ha! Oo kase si Cassandra lang talaga andito eh. Wala talaga ako promise. Invisible nga ako eh.
"Ano Jake? Manlilibre ka na ba ng Pizza? Nagsabi ka kahapon. Bawal talkshit." sabi ni Cassandra. For sure naka pout na yan ngayon. Arghh! Cassandra stop it. Baka mamaya isipin kong nagpapacute ka dyan kay Jake eh. Alam mo namang akin na yan! -_____-
"Ah oo nga pala. Haha. Sige mamaya daan tayo sa mall. Bago ako pumuntang training." sagot naman ni Jake sakanya. At ayon sa peripheral vision ko nagkamot pa ng ulo si Jake. Wahhh. Ang galing galing talaga ng mata ko. Hahahaha.
Kahit na dito ako sa halaman nakatingin nakikita ko parin sila. Oha! Hahaha. :D
"Oh! Baka naman matunaw na yang halaman sa kakatitig mo Sabrina." pagkasabi nun nag snap naman sya sa harap ko.
Wait? Sino un? Totoo ba to? Ako? Kinausap nya? Omg!
Tumingala ako para makita kung sino ung nagsalita. At hindi nga ako nagkamali. Si Jake nga.
"Ah haha. Sorry naman. Hehe." and I gave a smile. Sana okay na ulit kami.
"So ano na? Tapos naman na ung conference oh. Tara na! Minsan lang manlibre si Jake aba'y lubusin na!" Sigaw ng magaling na si Cassandra.
Tinignan ko lang siya at pinanlakihan ng mata. Nakakahiya kaya. Like duh? Lower level si Jake. So higher kami eh malamang lower na nga si Jake eh. Alangan namang lowest kami. Ayy nako Sabrina! Corny pramis. -_- last na yan. XD
"Ayy haha. Sige." sagot na lang ni Jake.
"Ano Sabrina? Sasama ka ba? Ay malamang noh. Alangan namang kaming dalawa lang. Namukhang date. Aba baka sabunutan mo pa ko Sab eh." sabi ni Cassandra. Langya! Trip neto? Tinignan ko siya ng masama si Jake naman umiwas nalang ng tingin. "Joke. Hehe." dugtong nya.
Nako Cassandra humanda ka talaga sakin.
Tumango nalang ako bilang sign na sasama ako. Kahit di pa ganun ka okay ulit ung atmosphere namin ni Jake. Langya ka Cass! Humanda ka talaga sakin.
Pumunta na ko sa SC Room para kunin ung bag ko. Sila Jake at Cassandra naman nasa labas. Pag labas ko tahimik sila. Woahhh. Walang kulitan? Weird. Haha. Tahimik ni Cass ah XD
~*~*~*~*~*~*~*~*~
[Sa Mall]Andito na kami sa mall. Napagpasyahan namin na maglibot libot muna bago kumain. Nakakahiya naman diba? Kain agad sabay uwi. Eat and run ganun? Haha.
Pansin ko lang sobrang awkward talaga. Pag naglalakad laging nauuna si Jake kami lang lagi magkasama ni Cassandra. Ano bang nangyayari? Di naman ganyan si Jake kanina eh. :\
Hays. Dati pag magkakasama kami sobrang kulit nya. Sobrang ingay pa. Nakakasabay sa trip namin ni Cass kaso simula nung nangyari kahapon? Wala na ang cold na nya. Suplado pa. Nakasama pa ata ung pag amin ko. Hayy nako Sabrina. Sana di mo nalang un ginawa :((
"Sab? Ayos ka lang?" nagulat ako nang biglang magsalita ung katabi ko. "Tulala ka po kase. Ano? Okay ka lang?"
Hayy! Mukhang napapasobra na isip ko dun ah? Act natural na lang Sabrina. Pretend na okay lang. Para di lalong maging awkward.
"Oo naman. May bigla lang akong naisip. Pero wala un. Haha " nagsmile na lang ako kay Cass. Para sabihing okay lang talaga.
Andito na pala kami sa Pizza Hut. Dito daw kase manlilibre si Jake. Nasa loob na si Jake kaya pumasok na lang kami. Andun na siya sa isa sa mga table dun. Lumapit na kami.
"Hmm. Dito lang kayo ako na---" naputol ung sinasabi ni Jake dahil biglang nag ring ung phone niya. Nakatingin lang kami sakanya.
"Ugh! Wait lang ha? I'll be back. Order din ako right after." he said. Tumango ma lang ako. And he left without giving a smile. Di naman siya ganyan eh. Hindi talaga.
Umupo na kami ni Cassandra.
"Ay gosh. Baka bumili un ng pepperoni pizza masasayang lang ub. Diba Sabrina di tayo nakain nun?" sabi ni Cassandra.
Oo nga pala sayang lang alangan naman ubusin niya lahat un. Nakakahiya man magsabi pero kailangan namin sabihin sayang pizza Haha.
"Ayy oo nga pala. Sige ako na magsasabi. Diyan ka lang ha. Wait lang." sabi ko. Tumango naman siya kaya umalis na ko.
Hinanap ko si Jake sa may counter pero wala siya dun. Siguro may kausap pa? Baka nasa labas.
Tinignan ko kung nasa labas siya at yeah andun nga. Likod pa lang niya alam ko na eh. Malamang HAHA. Tas may hawak pang phone. Lapitan ko nalang tas hintayin matapos ung usapan nila.
"Yeah. After aalis na ko. Fuck. Napilitan lang naman ako sumama eh. Nagsama pa nga siya eh. Eh ayoko naman dun. Di naman kase ako makatanggi." narinig kong sabi ni Jake sa kausap niya.
Napatigil ako. Napilitan? Nagsama? Wait. Kami ba tong tinutukoy niya? Ayaw niya dun? Wth?! Sana kanina palang sinabi na niya diba? Pwede naman akong umalis eh. Kaya pala parang lagi niya kaming iniiwan kanina. Tas hindi pa nakikipagusap samin. Lanyaaaa! HA-HA-HA. Edi aalis nalang ako. Ayaw naman pala niya sakin eh. Sana sinabi niya psh.
Pumasok na ko sa loob. Kinuha ko ung bag ko. At aalis na sana ako ng biglang...
"Oh? Sabrina san ka pupunta?" sabi ni Cassandra. At hinawakan ako sa wrist.
"Ah eh. Ano naalala ko may tatapusin pa ko. Pinapagawa sakin ni Ate Kate para sa SC bukas ko pala ibibigay. Sige una na ko Cass. Ingat ka. Enjoy." sabi ko ng di tumitingin kay Cassandra. Baka malaman niya pang nagsisinungaling ako pag humarap ako sakanya eh. Kilala niya kase ako. Sobrang kilala.
"Oh okay. Ingat ka Sab." sabi niya.
Di na ko kumibo at kusa naman niyang binitawan ung wrist ko. Lumabas na ko hindi ko na napansin kung nasan si Jake.
Uuwi na ko. Hays. At kahit maaga pa baka itulog ko nalang to. Para mawala ung sakit na sinabi niyang napilitan lang siya at ayaw niya ko. Obvious naman eh.
Kaya pala ganun nalang ung cold treatment niya. Ayaw niya sakin...
-----------
A/N:
Sabaaawwww! Sorry po. Bawi nalang ako di ko mapapangako kung maganda next ud. Pero I will do my best po. Salamat!
Vote/Comment! :* Saranghae <3
BINABASA MO ANG
Find A Way
Teen FictionSiya si Sabrina, ang babaeng nagmamahal lang ng lalakeng mahal na mahal din siya. Pero sa kabila ng mga - Trials, Problems, Consequences, Misunderstandings, Jealousy, Circumstances, Ups and Downs, and Pain. Will they find a way for their Love? Or j...